Chapter 1: Mga dakilang pilosopo

52 7 0
                                    

°~ Eunice's POV ~°
Oh my..bukas na pala yung pasukan. Wooohhh,ayan na naman ang kaba ko eh...

Paano kung 'di mabait yung mga werewolves na yun?! Paano kung mag-aaway sila ng mga meifu..meffa...meif'wa ba yun? Basta!!

Paano kung...hanla!

O_o

Paano kung kakainin kami ng buhay ng mga werewolves na un?! Paano kung tutulong din ung mga witches,at nymphs dun?! Edi patay na kaming mga humans! Wala palang nymphs dun. Yata. Base kasi kay Kuya Google,mahiyain daw ang mga nymphs kaya nagtatago sila sa forest. Dami kong alam noh? Aahheehheh.

Teka,human ba talaga ako? Naka-ilang sugat na ako dati pero di naman gumagaling kaagad. Di kagaya nina Jacob at Edward Cullen galing sa Twilight.

Ting!

Wag ka. Light bulb yan ng utak ko. Wag masyadong OA. Ang sabi daw niya,yung utak ko noh di yung light bulb,baka may monarchy dun na ewan ko nalang kung anong species.

Pero di ba dapat siya yung magiging president at hindi ikaw?

Ano bang klaseng utak yan. Pero tama naman,eh. Posible kayang...ako'y isang...

"IPIS!! AHHHHH!!"

=^=

Hindi ako ipis noh! Teka,ano daw? Ipis? Ah,ipis lang naman pala eh...

L o a d i n g 99.9%

O.o

"--IPIS?! ASAN?!"

Ermeged. Agad agad akong napatayo sa swivel chair ko na nasa harap ng laptop kong nagchacharge. Bale,nagbabasa ako ngayon,correction pala,kanina sa internet tungkol sa species. N e ways! Ayun nga nakatayo ako sa swivel chair ko.

"Ayun ate oh! Bahala ka na dyang patayin yan,te! Babye!"

Waaahhh,ayun
nga! Iniwan talaga ako ng magaling kong kapatid. Huhu. N e wayz,update sa ipis? Ayun! Lumilipad papunta sa laptop ko! HANUDAW?! LAPTOP KO?! EH,NASA HARAP AKO NG LAPTOP KO,EH! KYAAAA!

Pumikit ako ng mariin at inulit-ulit na sinabi sa utak ko na...Paalisin niyo po ang ipis na ito. Sapagkat ginagambala niya kami.

Ano ka,chix? Sino kaba sa akala mo ha,Eunice?

=_= Walangyang utak na to. May sarili kabang mundo,ha? Ha?! Tch.

N e ways,inaabangan ko na ung ipis...ngunit...walang dumating na ipis.

Isa isa kong binuksan ang mga mata ko at namataan na nasa harap ko,lumilipad ang isang alitaptap at hindi ipis.

Sa kakatitig ko dito baka maduling pa ako. Hanuba?! Ilayo mo nga yang pagmumukha mo sakin ng konti. Ano ka feeling close?

"Tse! Masuwerte ka at pinahatid ako dito ni hm para ihatid ito kung hindi baka masapak na kita diyan,"sabi ng isang maliit na boses na galing yata sa alitaptap. At sasapakin daw ako? Eh,ang liit mo kaya. Mapapatay kita sa isang sapok lang,Ms alitaptap. Teka?

"Nakakabasa ka ng utak?! At juice ko po... you're talki---Asdfghjkl"

"Ay hindi,I'm speaking. Tumahimik ka nga. Baka maisip ng kapatid mo na baliw ka nga talaga"

=.= Oo nalang. Sabi ko nga. Kahit ano ang pwedeng gawin ng alitaptap na ito. Paano ko nalaman? Edi kasi nilagyan niya ng towel ung bibig ko. Kumbaga,appear disappear. Ganern!

"Ate!"

Agad-agad binaba ng alitaptap yung bagahe niya at nawala ng parang bula. Inayos ko ang mukha ko na para bang wala akong nakitang nagsasalitang alitaptap na nakakabasa ng utak.

"Hm?"

Kakadating lang ni Elissa dito na pawis na pawis at bakas sa mukha nito ang pagkadiri at takot.

"Ate bakit ka kumakain ng towel?"

=.= Oo nga pala. Inalis ko yung magaling na towel sa bibig ko.

"Wala. Yaan mo na yun"

"Na-napatay mona?"

"Alin? Yung ipis?"

Agad nag-iba yung expression niya.

(~^~') -Me
=.= -Eli

"Ay hindi yung cockroach"

Haynakow,parehas talaga sila nung alitaptap na yun. Mga dakilang pilosopo. Isa na ko dun.

Dakilang pilosopo talaga,ha?

Wait...ikaw yung nagsasalita sa utak ko,alitaptap?!

Mamaya ko na sasagutin yan,Eunice. Kausapin mo muna ung dakilang pilosopo na kapatid mo!

Leche. Eh anong sasabihin ko,ha?!

"A-ah. Nag u-turn eh..."

Ewan ko ba kung bakit un ang mga sinabi ko. Kusang lumabas,eh. At dahil matalino ako,huhulaan ko na si alitaptap ung gumawa noon.

Tumaas ang mga kilay niya at tumingin sa desk ko.

"Ate,ano yan? Anong laman niyan?"

Tiningnan ko rin ung desk at na-realize na ung dinala ni alitaptap ung tinutukoy niya.

"Ah,e-eh. Andyan ung ipis eh"

"Akala  ko nag u-turn,te?"

"Nagbibiro lang ako nun"

Ayan na naman,eh.. kusang lumabas nalang sa bibig ko.Tumango nalang siya at umalis kaagad na dala dala ulit ang expressions na sina Disgust at Fear.

Wow,ha,mala-Inside Out ang peg? Alis nako. Pinapatawag ako ni hm.

Sher mo lang? Tsaka akala ko ba sasabihin mo kung vakit ka nakakasalita dito sa utak ko,ha? Woii! Paano ba matahimik at umingay ang mga alitaptap sa utak? Hayyy...baliktad ang utak nitong alitaptap na ito. Ngayong tinatanong ko siya dun tatahimik. Tch.

Tinignan ko ulit ung box at binuksan ito. Kumunot ang noo ko. Bracelet na may iba't ibang charms? Wow... kulay silver ito at ung mga charms may mga emeralds na design. Pero di pare-parehas ang size and shape. Ung iba oval,ung iba naman mala-diamond ang peg.

Wow,nalang. Galing ba talaga ito kay hm? Normal ba na nagbibigay siya ng jewelries sa mga presidents? Or sa mga special section presidents lang? Ewan. Basta ang alam ko,maraming myseries itong hm na ito at ang section,Emerald.

Pwes,handa akong harapin at matuklasan ang mga mysteries na 'yun. Werpa!

»---Kinagabihan--->
        *  . · C *. °  ·
Naalimpungatan ako nang parang may bumukas ng ilaw,pero hindi naman ganoon ka liwanag dahil nasa tabi ito at parang may nakatakip na tela or something dito. Wala naman kaming night light na kulay green. At ang mga glow in the dark stars ko ay nasa kisame at hindi sa kanan o kaliwang bahagi ng kuwarto ko.

Pero ano 'yun at bakit kulay green? Hmmm,tinatamad akong buksan ang mga mata ko dahil mga lagpas midnight na ang oras.

Baka may nahulog lang na...

Hikab

Na ano...na glow in the dark stars. Bala na nga. Maaga pako bukas. Makatulog nalang.

zZzZzz..

Section:Emerald | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon