TRES

553 5 1
                                    

"A-ayaw ko!" nanlalaking matang sigaw ni Cardia.

Hindi niya mahanap ang katwiran sa pinagsasabi sa kanya ng lalaking kaharap. At maging ang lahat ng ikinilos nito ay nagdudulot lamang sa kaniya ng pagkalito.

Kani-kanina lang ay hinalikan siya nito ng walang paalam at kahit na pinigilan niya ito ay tuloy pa din ito, ngayon naman ay sinasabi nitong hindi na siya aalis sa kuwartong ito.

"Hindi na mauulit ang mga pagkakamali noon, Aria... "

Aria. Ito ang pangalang kanina pa binabanggit ni Thryst sa kaniya mula nang sabihin nitong hindi na siya nito pakakawalan pa.

Walang alam si Cardia kung ano ang nangyari sa  dalawa pero isa lang ang sigurado niya, hindi siya si Aria kaya walang karapatan ang Thryst na ito para ikulong siya dito.

"Cardia... Ako si Cardia. Salamat sa pagliligtas sakin... pero hindi mo 'to maaaring gawin sa akin! Hindi nga kita lubusang kilala kaya hindi ako nakasisigurong ligtas dito."

Nais sana niyang sabihin ito ng mas malumanay ngunit pinangunahan na siya ng takot sa maaaring mangyari sa kaniya dito. At ang takot na ito ay nag-anyong galit sa boses niya.

Sanay siyang ipagtanggol ang sarili kaya sana lang hindi ito magalit sa pagkakasigaw niya dito. Mayroon na siyang masamang karanasan matapos masigawan ang isang lalaki noon.

Mataman siya nitong tinitigan. Napaka-lalim, napakatagal, nakakalunod. Parang kinakabisado nito ang bawat detalye ng kanyang mukha. At nang lumapat ang tingin nito sa mata niya ay muntik na siyang maluha sa pangungulila at labis na sakit na dinadala nito.

Ilang sandali lamang iyon bago ito biglang tumawa't napailing. Musika sa tainga niya ang baritonong tawa nito kahit wala namang halong kasiyahan. Kung masaya talaga itong tumatawa ay baka naisin na niyang dito tumira para lang marinig ito araw-araw.

Ano ba'to... Magtigil ka, Cardia!

PARANG nagising ang diwa ni Thryst. Naiinis siya sa epekto ng amoy ni Aria sa kaniya. Ilang taon na ang lumipas mula ng maamoy niya ito. Kaya siguro siya nabulag at muntik ng makasakit kanina.

Matagal na rin niyang iwinaksi ang pagkatakam sa dugo ng tao mula ng umalis si Aria, pero ngayong nasa harap niya ang babaeng ito na may eksaktong amoy ni Aria ay hindi na naman niya mapigilan ang kaniyang sarili.

Maging ang mga sinasabi nito ay katulad din ng mga sinabi ng kaniyang mahal.

Sasabihin din kaya niyang mahal niya ako...?

Unti-unti na namang kinakain si Thryst ng kanilang mga ala-ala. Kaya natawa na lang siya't napailing sa labis niyang pagmamahal kay Aria.

Wala siyang alam sa katauhan ng babaeng ito na nagpakilalang Cardia, ngunit kung ano man ang koneksiyon nito kay Aria iyon ang aalamin niya.

Sa kabaling banda, hindi niya rin gugustuhing paalisin ito sa ganitong kalagayan. Sa kadahilanang ito ay nakabuo siya ng magandang plano.

"Malala ang mga sugat na iyong natamo, lalo na 'yang ulo mo. Handa akong gamutin ka at pakainin hanggang gumaling sa isang kondisyon", seryoso niyang sinabi kay Cardia.

Sinadya niyang ibitin ang sasabihin para hintayin ang reaksiyon nito. Nang hindi ito umimik at mataman lang na nakinig sa kaniya ay nagpatuloy na siya.

"Bibigyan mo ako ng dugo saan mang parte ng katawan mo."

Every Two DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon