Panibagong araw na naman, Lunes na naman, Pasukan na naman. Ito ang mga pumapasok sa isip ni Shelly Quizon habang siya ay nakadapa pa din sa kanyang higaan...
Tick tock .
Tick tock ..
Tick tock ...
Tunog ng kanyang grandfather clock na animo'y may misteryo sa bawat pag galaw Ng mga kamay nito. Sa bawat pagsapit ng Alas-dose at ito'y tumutunog ng napakalakas na parang ito ay may nais ipahiwatig. Tinitigan ito ni Shelly ng may lungkot at galit kasabay ng kanyang pagbangon sa kama. Tinignan ang sarili sa salamin sabay sabing "Gising na Shelly, oras na para magpanggap, oras na para magkunwari... Matatapos din lahat ng ito."
Pagkasapit niya say paaralan hindi naiwasan ng mga estudyante ang siya ay titigan. May pagtatakang mababakas sa kanilang mga mukha, pagtataka kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Bakit ang dating masayahin naging malungkot,
Ang dating madaldal naging tahimik,
Ang dating mahilig kumanta ngayon kahit isang linya sa kanyang labi ay ayaw kumawala
Ano nga ba ang nangyari? Na tila ba siya ay nababalot sa misteryo ... Walang kapake pake sa kanyang Mundo.
Sa kanyang kulay asul na mga mata na nababalot ng sikreto na parang gusto mo ay magpakalunod dito...
Ano nga ba ang kanyang tinatago?
Pinagpatuloy ni Shelly ang paglalakad hanggang sa siya ay makarating sa kanyang silid-aralan. Sa kanyang pagpasok ay nakita niya ang kanyang mga kaibigan..
MALI , dating mga kaibigan pala.
Bumakas sa kanyang mga mata ang pangungulila ngunit ito ay kaniya lamang isinantabi.
Siya din at tinitigan ng kanyang mga kaibigan ngunit hindi nila siya nilapitan dahil natatakot sila sa maaari nitong gawin. Baka magwala ito..
Kung nagtataka ang iba, mas nagtataka sila kung bakit bigla siyang lumayo...
Ano ang nangyari? May nagawa ba sila? May nalaman ba siya?
Andami nilang katanungan na tanging siya lamang ang makakasagot.
Alas-tres na ng hapon....
Tick tock.
Tick tock..
Tick tock...
Nagmamadaling tumayo si Shelly at walang sabi-sabing umalis. Hindi na naman maiwasang magtaka ng kaniyang mga kamag-aral dahil lagi na lamang itong nangyayari.
Bakit nga ba? Bakit kaya?
Puno man ng pagdududa sa kanyang ginagawa ay wala silang nagawa dahil Wala naman silang karapatanAlas-diyes na ng gabing iyon ng maka-uwi si Shelly sa kanila na agad namang sinalubong ng kanyang ina na labis ang pag-aalala kung saan siya nagpupunta "My God Shelly? Saan ka ba galing ha? I was so worried!" Salubong agad ng kaniyang ina na nakatuon lamang say kanyang mukha at hindi pa napapansin ang iba pang parte ng katawan niya. At ng tinignan siya mula ulo hanggang paa para icheck kung okay ang anak niya ay napasigaw na lamang siya sa kanyang nakita "AAAAH! Shelly? Ano Yan?! Bakit Yan?! What is happening here?! Do you need help? Anak!" Sabay humagulgol ang kanyang ina....
Shelly's face softened as she saw her mother's reaction. She entered their house and tightly hugged her mom. Nagpaparamdam na huwag magbreakdown sa harap nito..
"I'm fine mom, I'll be okay. Just don't say anything. Keep quiet.. you never saw this okay? Please mom, I'm begging you.. " pagkatapos niyang bigkasin ang mga ito ay agad siyang umakyat sa kaniyang kwarto. As she closed the door and stared at herself in the mirror that's when it all came back to her and the tears she'd been holding back fell down from her fragile eyes... Crying her heart out with all she's feeling, she had been feeling .. it pains her dahil alam niyang wala siyang mapagkakatiwalaan sa kanyang dinadalang sikreto.... Agad siyang pumasok sa banyo at naghugas tinanggal ang bakas ng sikreto na bumabalot say kanya .ARCANE : MYSTERIOUS ano nga ba itong misteryo na bumabalot sa kanya at sa kanyang pagkatao?
![](https://img.wattpad.com/cover/184903761-288-k539101.jpg)
YOU ARE READING
ARCANUM
Mystery / ThrillerShe has this little secret that nobody knows; A secret that changed the ticking of the clock; Tick Tock, Tick Tock; She can't tell her friends; She can't tell. ?