chapter 4

82 2 0
                                    

•SEULGI•

Hays. Natapos din ang klase! Nauna ng lumabas sina joy nag paiwan muna ko dito sa room dahil aayusin ko pa yung mga gamit ko. Tatambay kami sa park mamaya. Trip nila yun e

Pag labas ko ng room pinag titinginan ako. Ang creepy nila myghad balasiladyan. Pumunta na ako sa parking lot dahil syempre sa malamang dun naka park kotse ko. Pag labas ko ng gate nakita ko si Irene sa isang gilid. Naka sandal sya sa kotse nya  mukang na platan sya ng gulong. Dinaanan ko sya at bumaba para puntahan sya.

"Irene, anong nangyare?" Tanong ko sakanya. Muka namang nagulat sya

"Ahh. Naplatan kasi ako ng gulong, di pa dumadating yung deriver ko" Sabi nya kaya napatango tango nalang ako

"Hmm. Gusto mo sumabay ka nalang sakin? Tawagan mo nalang ulit yung driver mo. Then iwan mo nalang yung kotse mo dyan may guard naman dito e" Sabi ko sa kanya

"Ahh. Sige, salamat" Sabi nya sakin at ngumiti. Kinuha nya yung bag nya sa kotse at pumasok na din sa kotse ko  at umupo sa tabi ng driver seat

Ang awkward. Walang nag sasalita samin dahil di pa naman kami close talaga. Nilingon ko sya at nagulat ako ng nakatingin sya kaya napaiwas agad ako ng tingin. Shit! Bat parang kinikilig ako. Di to pwede mag bestfriend kami

"Ah Seulgi, thankyou nga pala sa pag sabay sakin" sabi nya habang ngumiti. Wag kang ganyan Irene

"Ah wala yun. Hehe" sabi ko nalang nahihiya talaga ako. Di ko alam kung baket

"Ang ganda ng mata mo noh. Ang ganda mo din, kaya pala siguro pati mga babae sa school gusto ka" sabi nya at tumawa ng konti

"Di naman. Ikaw din naman e. Ang ganda mo, ang perfect ng muka mo. Kaya masasabi ko talaga na pati mga babae sayo gusto ka din lalo na mga lalaki" sabi ko naman at nginitian sya

"Talaga?" Ngiting tanong nya.

"Oo naman" sabi ko

"Thankyou" sabi nya at ngumiti yung ngiti nya talaga. Yung feeling na di mo mahahalata na masungit sya. Shet ang ganda nya

Sa wakas naka dating na din kami. Tamang usap lang kami ni Irene sa kotse kanina. Medjo close na kami hehe. Di na sya masungit at mataray

"Hoy! Antagal nyo ah. Nag date kayo noh?" Tanong samin ni Momo. Ugok talaga

"O baka naman nag date talaga kayo" pang aasar din neto ni wendy. Tsk

"Naplatan kasi si Irene. Kaya sinabay ko nalang sya" paliwanag ko sa kanila at napangisi naman ang mga ugok

"Yieeee. Kang Seulgi! Ikaw ah" pang aasar nila sakin. Aba pakyu sila

"Tsk. Ewan ko sainyo mag ihaw nalang kayo dyan" tawang sabi ko at nagulat ako ng tumawa din si Irene. Baliw ba sya? Joke lang

"Bat ka tumatawa" Tanong ko sakanya. Curious lang ako

"Natawa lang ako sa sinabi mo. Hehe" Sabi nya. Pota bat ang cute nya! Irene naman e. Kukuha sana ako ng barbecue ng hampasin si Wendy kamay ko. Aba

"Penge ako!" Sigaw ko sakanya. Hmp damot nya

"At baket?" Tanong nya abay. Bawal ba?

"Bilis na. Di pa ko nakain hehe" sabi ko kaya binigyan nya na ko. Gutom na koooo huhu.

Pumunta ako sa ilalim ng puno. Umupo ako din at kumain iniisip ko si Irene. Alam kong bawal tong nararamdaman ko. Pero fvck natamaan ako kay Irene. Tsk bat kask sakanya pa? Una sa lahat ayoko sakanya nung una. Pero bat biglang nag bago? Di ko alam gagawin ko shet. Habang ang lalim ng iniisip ko biglang may tumabi sakin. Tsk Irene

"Lalim ng iniisip mo ah. Ok ka lang?" Tanong sakin ni Irene. Hindi at nang dahil sayo yun

"Hmm. Okey lang" pag sisinungaling ko sakanya

"Mukang hindi. Lalim ng iniisip mo kanina e" sabi nya at tumawa ng konti. Hays

"Okey lang talaga ako. May iniisip lang ako" Sabi ko at tipid na ngumiti sakanya. Ireneeeee:<

"Ano ba iniisip mo?" Tanong nya habang nakatingin sa langit. Ang ganda nya sobra. Tinamaan na talaga ako sayo Irene

"Isang tao na pinapasakit ulo ko" sabi ko. Kaya napatingin sya sakin, umiwas naman ako. Di ko kaya

"Sino?" Tanong nya. Halata sa muka nya ang pag tataka

"Ikaw irene. Ikaw" mahinang sabi ko. Syempre di nya narinig bulong lang yun

"Ha?" Tanong nya. "Wala.  Ang sarap ng simoy ng hangin dito" pag iiba ko ng usapan at tumingin sa kalangitan. Bat pa kasi ikaw. Ikaw na Bestfriend ko

"Yeah. Pero Seulgi kung mag problema nandito lang ako. Im your bestfriend ok?" Sabi nya at ngumiti sakin. Bestfriend? Parang gusto kong umiyak, nasasaktan ako. Pinigilan ko nalang.

"Hmm. S-salamat" utal na sabi ko. At tumingin nalang sa kalangitan, ayaw ko syang tignan. Lalo langbako masasaktan

"Seulgi unnie! Irene unnie! Picturan ko kayo!" Masayang sabi ni Dahyun. Nako naman

"Sige. HAHAHAHA" sabi irene. Tumango nalang ako dahil wala ako sa mood

"Wan tu tri. Smile!" Sabi ni Dahyun at nagulat ako ng hiniling ni Irene yung ulo nya sa balikat ko at ngumiti. Irene wag kang ganyan! Baka kalimutan kong Bestfriend kita.

"Kyeoptaaaa!" Sigaw ni Dahyun at umalis. Napangiti nalang ako ng konti

"Seulgi. Pinsan mo si Dahyun diba?" Tumango naman ako

"Irene! Seulgi! Tara picture tayong lahat!" Sigaw ni Jeongyeon kaya tumayo kami at lumapit dun

"Smile mga ugok ah. Wan tu tri" sabi ni Joy at nag picture picture kami 

Maya maya ay nag si uwian na din kami. Kanya kanya kaming pasok sa kotse at syempre si Dahyun sakin nakasabay. Mabilis kaming nakauwi dahil pagod din kami noh. Tsaka inaantok na ko

Pag pasok ko sa kwarto. Nag shower lang ako at humiga na sa kama. Irene, bat kasi sayo pa? Nasasaktan ako oh. Alam kong bawal but fvck ang hirap
P pigilan lalo nat araw araw tayong mag kasama dahil nga mag BESTFRIEND tayo. Sabi ko sa isip ko

Nagulat nalang ako ng tumulo ang luha ko. Di to pwede! Kakaisip ko nakatulog na ko

BestFriend // SeulReneWhere stories live. Discover now