Prologue

29.8K 420 10
                                    

May mga taong nakatayo sa tapat ng pintuan ng bahay namin habang papalapit ako. Kumunot ang noo ko. May mga bisita ba kami? Pero madalang lang kung may bumisita sa min.

Binilisan ko ang paglalakad ko. Nilampasan ko ang dalawang lalaki na nakatayo sa pintuan namin. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig nila. Nakakatakot. Parang tumatagos sa bawat laman ng pagkatao ko.

Agad na bumungad sakin si nanay. Nakatayo sya habang nakaluhod si tatay sa harapan nya. Nasa likod nito ang dalawa kong kapatid. Umiiyak sila.

"Nay.." tawag ko agad sa kanya. Ngayon lang sya umuwi dito samin.

Tumingin agad sya sakin ng makita nya ako. Puminta ang isang malaking ngisi sa labi nya. "Oh, Hazel.. Nandito ka na pala." humalakhak sya bigla. Binalingan nya ng tingin ang dalawang lalaki na nasa pintuan. "Sya ang maganda kong anak.."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni nanay. Lumapit ako kina tatay. Inalalayan ko sya sa pagtayo. Bakit ba kasi sya lumuluhod sa harapan ni nanay? Nagmamakaawa nanaman ba sya na wag itong umalis? Buong buhay ko naman hindi namin nakasama si nanay eh. Wala syang pakialam samin. Pag wala na syang pera, dun lang sya ulit lalapit samin.

Si tatay naman, dahil sa pagmamahal nya kay nanay ay hindi nya ito matiis. Konti na nga lang ang kita nya sa bukid, ibibigay pa nya ang kalahati ng kita nya sa magaling kong ina.

"Tay, anong nangyayari? Sino ang mga kasama ni nanay?" tanong ko sa kanya. Inilagay ko ang isang braso nya sa balikat ko para maging maayos ang kanyang pagtayo.

"Ate.." may maliit na boses anong narinig. Nagbaba ako ng tingin. Nakita ko ang mga kapatid ko na nakakapit ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Umiiyak sila.

"Hazel, anak.." tawag naman ni nanay sakin kaya tumingin ako ulit sa kanya. Nasa tabi na nya ang dalawang lalaki na nakakatakot kung tumingin. "Ipapakilala kita sa mga magiging amo mo.."

"A-amo?" naguguluhang tanong ko. "Pero nagtatrabaho na ako sa mga Buenaventura. Malaki ang utang na loob ko sa kanila, nay.. Pinapaaral nila ako."

Natawa at umiling lang si nanay sa sinabi ko. "Wag ka ng magtrabaho sa kanila. Hindi ka mabubuhay ng pag aaral na yan. Mas malaki ang kikitain mo sa bago mong trabaho. Isang gabi lang, panigurado magiging siksik na yang laman ng pitaka mo.." nginisian nya ako.

Kinabahan naman ako sa sinabi nya. Parang alam ko na kung anong trabaho ang ibibigay nya sakin. Kaya naman pala iba kung makatingin ang mga lalaking kasama nya. Tila hinuhubaran nila ako sa bawat sulyap nila.

Umiling agad ako sa sinabi ni nanay. "Ayoko.." tanggi ko. "Ayos na ako sa pagiging katulong. Makakaraos dun kami, nay." tinapangan ko ang boses ko. Lumunok ako ng ilang beses para lang maitago ang panginginig nito.

"Mamamatay na sa gutom ang mga kapatid mo, tapos paiiralin mo parin yang pride mo?" galit na tanong nya sakin. "Kaya mo bang makita ang mga kapatid mo na unti unting namamatay sa gutom?!"

"Kaya ko silang buhayin!" tumaas na ang tono ng boses ko.

Natawa lang si nanay. Siyenyasan nya ang dalawang lalaki na lumapit sakin. Humugpit ang kapit sakin ng mga kapatid ko. Maging si tatay. Ngunit hindi sapat ang lakas nila. Nakuha ako ng dalawang lalaki. Nagpupumiglas ako pero wala naman akong magawa. Tanging pagtawa lang nila ang naririnig ko.

"Wala ka ng magagawa anak." Halakhak ni nanay. Nabuo ang galit sa dibdib ko.

Anak? Paano nya nasisikmurang sabihin yun kung ganito naman ang ginagawa nya sakin ngayon.

"Bitawan nyo ko!" marahas na sabi ko. Patuloy parin sa pagpupumiglas.

"Wag mong gawin sa anak natin yan, Selda." pagmamakaawa naman ni tatay. Tumulo na ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon. Iyak ng iyak ang mga kapatid ko habang nag mamakaawa naman si tatay na wag akong kunin ng magaling kong ina.

Angel's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon