Simula:

210 18 0
                                    

(Expect short updates.)

-

"Babe, I'm breaking up with you."

Bigla akong napa-mulat ng marinig ko ang mahinang pag-bulong ng aking girlfriend sa likod ng telepono.

2:43 am na, inaantok man ay pinilit kong umupo atsaka tinitigan ang telepono na aking hawak.

"W-what b-babe?" - nauutal kong tanong. Narinig ko naman ang mahinang buntong hininga niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Please Lyndon, alam kong narinig mo ang sinabi ko. Tama na, tapusin na natin to. May iba na 'ko." - mahinang usal niya atsaka ibinaba na ang linya.

Halos hindi ako makagalaw. Tanging ang tunog lamang mula sa orasan ang naririnig sa buong kwarto. Nanatili akong tahimik habang nirerehistro ang mga sinabi niya.

Maka-lipas ang ilang minuto, napa-ngiti ako ng mapait habang unti-unting kumakabog ang aking dibdib kasabay ng pag-tulo ng aking mga luha. Sinubukan ko muling tawagan ang aking nobya pero di na niya ito sinasagot.

Bigla akong nanlumo. Sa pangatlong pagkakataon, nakipag-hiwalay siya sa akin. At ang masakit pa doon ay nag desisyon siya bigla na iwan ako sa pamamagitan lamang ng 34 seconds phone call.


pvtangna, anong klaseng break up to?



pvtangna, anong klaseng break up to?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The 15th StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon