6th

154 18 1
                                    


“Lyndon naman, akala ko ba maayos na yung issue na 'to? Yan ka nanaman eh.” — pambungad sa akin ng aking kaibigan pagkauwi ko sa bahay ala sais ng umaga.

“Chill, nag palamig lang ako sa labas.” — baton ko bago sumalampa sa sofa.

Tiningnan nila ako atsaka napa-iling. I sighed. Alam kong iniisip nanaman nilang gumawa nanaman ako ng kalokohan.

“Sa susunod na aalis ka, pwede bang mag paalam ka? Kinakabahan kami sayo eh. Bigla-bigla ka nalang nawawala. Eh pano kung napano ka nanaman pala?” — ani ni John na halatang nanenermon.

“Wala akong ginawang kalokohan. Nag palamig lang talaga ako.” — depensa ko. “See? Wala namang nangyari sa akin oh. Hindi ako lasing at walang pulis ang kumuyog sa akin.” — I added, reassuring them that I am okay.

Nakita kong napa-iling si John atsaka lumapit kay Brix na kasalukuyan ay busy sa kanyang cellphone.

Hindi nalang ako nag salita at pumunta nalang sa lamesa para mag agahan. Halos naging tahimik naman kaming lahat habang busy parin sila sa kung ano sa cellphone ni Brix.

As the deafening silence filled the four corners of my house, a figure of a girl suddenly pops into my mind. Mula sa kanyang puting balat, pulang bistida, at mahabang buhok. Pakiramdam ko lahat ng iyon ay biglang tumatak sa isipan ko.

“Uy gago wag mo na ipakita, baka mawala nanaman yan.”

Agad akong natigilan sa pag-iisip at mabilis na napa-lingon sa aking mga kaibigan ng marinig ko ang bulong na iyon ni Brix.

“Karapatan niyang malaman kaya sabihin natin.” — usal naman ni John.

“Eh pano kung mag pasagasa nanaman yan? Wag na no.” — sagot ni Brix na inilayo pa ang cellphone kay John.

Napa-hinga ako ng malalim bago lumapit sa pwesto nila.

“Ano ba yan?” — biglang tanong ko dahilan para magulat silang dalawa.

“W-wala.. wala lang to.” — umiiling na usal ni Brix na pilit talagang inilalayo ang selpon.

“Akin na yan.” — seryosong utos ko habang naka-lahad ang palad.

“Lyndon wag na. Bumalik kana 'ron sa lamesa.” — pang-uuto ni John pero hindi ako nag patinag.

“Brix, akin na yan.” — muling pag-uutos ko.

Sa puntong ito ay wala silang nagawa at binigay nalang sa akin ang cellphone. Halos napa-hinga pa ako ng malalim bago silipin kung ano ang mayroon doon. Pakiramdam ko kasi ay isa iyong masamang balita.

And when I got to finally see it, halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. It was a Facebook post from my ex-girlfriend saying, “Confirm! I'm 3 months pregnant! Thanks God for the blessing!”

Hindi ako agad naka-imik hanggang sa muli nang makuha ng aking mga kaibigan ang cellphone.

“S-sabi sayo wag m-mo nang silipin eh.” — utal na ani ni Brix na halatang nag-aalala sa magiging reaksiyon ko.

Agad akong napa-lingon sa kanila at nag pakawala ng malawak pero pekeng ngiti.

“Sus, eh ano ngayon? Hahaha.”usal ko, showing them that I am not affected anymore.

Halatang nagulat sila sa sinabi ko kaya naman ay muli nalang akong bumalik sa lamesa at nag patuloy sa pagkain.

“Did you see that? Naka-move on naba siya?” — eksaheradang usal ni John na para bang isang malaking himala ang sinabi ko.

Hindi ako kumibo. Ramdam ko ang emosyong unti-unting lumulukob sa sistema ko na pilit kong pinipigilan sa kadahilanang ayaw kong mag-alala ang aking mga kaibigan.


Lumipas ang buong mag hapon at ipinakita ko sa kanilang maayos na ako. I want them to see that I am not affected anymore kahit na kabaliktaran talaga 'non ang nangyayari.

And later that afternoon, napag-desisyunan nilang umuwi na sa kanya-kanya nilang mga bahay sa pag-aakalang maayos na ako. That was what I want. Kailangan kong umakto na maayos lang ako para iwan na nila akong mag-isa. I don't want to drag them down with me as I waste my life. And I don't want them to interfere in any decisions I made with my life. If I ever die, I want to die alone.

Pagka-uwi ng aking mga kaibigan ay halos lumabas ang lahat ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Lahat ng panghihinayang, galit, lungkot, pagka-habag, paghihinagpis, at kung ano pa. Pakiramdam ko ay ginagago talaga ako ng mundo.

Ilang linggo palang kaming hiwalay ng ex ko, eh paano nangyaring tatlong buwan na siyang buntis? Matagal naba niya akong ginago? Is this the price I can claim for loving her too much? Bakit parang lugi ako?

Halos manginig ako sa kinauupuan ko habang kinukuyumos ang aking kamao. This is too much. What did I do to deserve this kind of pain? I just wanted to love and be loved. Pero bakit ganito?


Halos ilang oras akong naka-higa lang sa aking kama habang iniisip ang post ng aking ex. Ito ba yung rason kung bakit gusto na niya akong iwan? Dahil lumantod siya at nagpa-buntis sa iba? Bullshit.

Para akong mababaliw sa pag-iisip kaya naman ay agad akong bumalikwas sa pagtayo. Tila ba bigla akong nauhaw sa lasa ng alak. May kung ano sa loob ko ang gustong mag pakalasing.

Sinilip ko ang orasan at nakitang 2:45 na ng madaling araw. Nagdadalawang isip man ay sinunod ko parin ang gusto ng aking katawan.

Mabilis akong lumabas ng aking bahay at pumasok sa aking sasakyan. Halos hindi ko na inintindi kung na-lock ko ba ang aking bahay dahil sa pagmamadali.

Pinaharurot ko ang aking sasakyan papunta sa isang bar na bukas pa hanggang ngayon, and there, I let myself to wasted as fvck. I drink too much liquor until my body became numb, and kiss every sluts in the bar as if I am a boss.

Nagawa ko na ang lahat ng gusto ko sa bar pero para bang hindi parin ako nakuntento. Nang makaramdam ng pagka-hilo sa mga ilaw ay napag-desisyunan kong lisanin ang lugar.

Dumaan ako sa 7/11 at bumili ng mga sterelized milk tulad kagabi bago lisanan iyon. Halos ilang beses ko pang inihihinto ang kotse ko para mag suka.

I don't actually know where to go right now. Gusto ko lang magdrive ng magdrive hanggang sa mapagod ako. My gas is in it's full tank so I decided to fasten my pace. At nasa ganoon akong estado ng tila ba may bumulong sa likod ng tainga ko. “You know where to find me Lyndon, I will always just be here in the 15th street.”

Ramdam ko ang paninindig ng balahibo ko dahil 'ron pero bigla ko nalang nakita ang sarili ko na binabaybay ang daan patungo sa lugar kung saan ko makikita ang babaeng naka pulang bistida.. sa 15th Street.





to be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 15th StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon