4th

100 19 0
                                    

“Anak ng! Ikaw nanaman!” — inis na bulalas ko habang naka-tanaw sa labas ng bintana ng aking kotse.

Inis akong lumabas at pinagkatitigan ang babaeng ngayon ay naka-yuko sa harap ng kotse ko.

Unti-unti siyang lumingon sa akin habang naka-kunot ang noo.

“Nag balik ka..” — usal niya atsaka marahang ngumiti.

Tss. Pake mo ba?” — inis na usal ko.

Agad akong tumalikod sa kanya para kumuha ng beer in can mula sa kotse.

“Kung trip mong magpa-sagasa, sabihin mo. Hindi yung tatalon ka nalang bigla sa taas ng kotse ko.” — inis na usal ko bago tunggain ang alak.

Hindi siya nag salita kaya naman ay nilingon ko siya, at halos mapa-arko ang kilay ko ng makitang naka-pulang bistida nanaman ito tulad kahapon.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” — tanong niya sa seryosong paraan.

“Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?” — tanong ko pabalik bago sumiplat sa kabuuan ng tahimik at walang katao-taong street.

“Dito ako naka-tira.” — baton niya sabay ngumiti ng dahan-dahan dahilan para manindig ang balahibo ko.

Hindi ako sumagot atsaka muling kumuha ng panibagong alak bago umupo sa mga case ng red horse na andoon.


Naging tahimik ang atmospera naming dalawa ng halos kalahating minuto bago siya mag salita.

Bakit tuwing alas tres ng madaling araw napapadpad ka rito, Lyndon?” — tanong niya.

Awtomatiko akong napa-lingon sa kanya hindi dahil sa itinanong niya kundi dahil sa katotohanang binanggit niya ang pangalan ko.

“Why do you know my name?” — I asked with full of curiousity.

Nag kibit balikat lang siya atsaka ngumiti bago umupo sa isang case na nasa harapan ko.

“Hindi ko maalalang nabanggit ko sayo ang pangalan ko kahapon. So, bakit mo alam?” — pangungulit na tanong ko.

Nabanggit mo.. baka di mo lang maalala.” — sagot niya.

Pinilit kong isipin ang pinag-usapan namin kagabi pero sumakit lang ang ulo ko kaya naman ay hinayaan ko nalang ito.

“Whatever.”tanging nai-usal ko.


Muling namutawi ang katahimikan sa amin bago ko mapag-desisyunang umalis.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumasok sa kotse ko ng walang sinasabi.

Paalam, Lyndon.”naka-ngiting usal niya.

Tiningnan ko lang siya bago in-on ang aking kotse. Wala akong time makipag-usap sayo.


Dahan-dahan kong pinapa-atras ang kotse ko palabas sa mga makikipot na kanto. Kitang-kita ko naman ang pag sunod niya sa akin habang naka-tingin ng deretso sa mga mata ko.

The 15th StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon