Pinili kong mag check-in lang sa hotel at hindi umuwi sa aking bahay. Panigurado kasing andoon parin ang mga kaibigan ko para guluhin ako.Pag pasok ko sa hotel ay bigla muli akong nilamon ng lungkot.
Ito na ang ika-anim na araw pero hindi parin ako maayos..
Pinilit kong kumain o di nama'y matulog pero ayaw ng katawan ko. Tanging ang pag hithit lang ng sigarilyo ang nakakapag-pakalma sa akin.
Halos para akong bangag na naka-titig lang sa orasan habang dahan-dahang nilalamon ang paligid ng kadiliman.
Hating gabi nanaman, at tulad ng senaryo kagabi ay nakarinig nanaman ako ng mga pag katok mula sa hotel room na sa wari ko ay ang mga kaibigan ko nanaman.
'Fvck, nahanap nanaman nila kung nasaan ako.'
“Uhm, excuse me, pwede bang hingin ang duplicate key ng room na to?” — narinig kong tanong ng isa kong kaibigan na sa wari ko ay may kausap na crew mula sa hotel.
“I'm sorry sir but we can't do that.” — baton ng crew.
“Please.. this is urgent.. the person inside that room is suicidal..” — muling usal ng kaibigan ko.
Bigla naman akong napa-talukbong ng kumot para hindi na sila marinig.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ko marinig ang pag bukas ng pinto, indikasyon na nabuksan na nila ito.
“Lyndon naman.. Ito nanaman tayo eh. Saan kaba pumunta kagabi?” — nag aalalang tanong ng isa ko pang kaibigan.
“Please just leave me alone.. I want to be alone..” — paki-usap ko.
“How can we leave you alone if you're not in the proper state of your mind?” — stressed niyang tanong. Hindi naman ako sumagot at hinayaan lang silang mahatak ang kumot na nakabalot sa akin. “Paano kung matulad ka nanaman dati? Jusko Lyndon ano paba ang gagawin mo sa sarili mo? Mag lalaslas ka nanaman ba? Mag papaka-lunod? Mag papa-sagasa? Ano paba?!” — galit niyang dugtong.
Hindi ko naman naiwasan ang mapayuko ng muling maibalik sa akin ang nakaraan..
Siguro nga isa na ako sa uri ng mga taong nawawala sa katinuan kapag nasasaktan.
Naalala ko noong unang beses na makipag-hiwalay sa akin ng aking nobya ay naisipan kong mag laslas para matapos na ang aking buhay.
Halos ramdam na ramdam ko ang pag hina ng tibok ng puso ko at ang unti-unting pag pikit ng mga mata ko dahil sa antok. Akala ko noong mga araw na iyon ay matatapos na ang mga paghihirap ko.. pero nagkamali ako. Bigla nalang akong nagising kinabukasan sa ospital kasama ang mga kaibigan ko.
Meron ring pagkakataon nun na kinausap ko ang nobya ko para makipag balikan pero ayaw na raw niya dahil napapagod na siya kaya naman ay bigla akong tumalon sa tulay para magpaka-lunod, pero tulad ng dati ay may dumating nanamang mga tao para iligtas ako.
Minsan nga naiisipan ko kung bakit hindi nalang nila ako hayaang mamatay? Naisip ko kasi na baka mas magiging masaya na ako sa kabilang buhay.
Noong ika-lawang beses naman na nakipag hiwalay sa akin ang aking nobya ay bigla akong humiga sa gitna ng kalsada para mag pasagasa. Sinabi ko nun sa kanya na hindi ako tatayo roon kung hindi niya ako babalikan kaya naman wala rin siyang nagawa kundi ang umuo.
“Lyndon Gecaria! Ano? Tutunganga ka nanaman diyan?” — bulyaw sa akin ng kaibigan ko dahilan para bigla akong matigilan sa pag-iisip.
Agad akong napa-pikit ng mariin dahil sa walang sawang panenermon ng mga kaibigan ko sa akin.
Sa ika-lawang pagkakataon ay buong pwersa akong tumayo at nag pumiglas para maka-labas sa loob ng silid dala ang susi ng aking sasakyan.
Naramdaman ko ang mga pag-pipigil nila pero tulad ng nangyari kahapon, ako nanaman ang nag tagumpay at nakawala.
Agad kong pina-andar ang aking kotse at pinaharurot ito papunta sa taong alam kong sasaya ako.. sa nobya ko.
"Audrey, please open the door!" - sigaw ko habang pinag-hahahampas ang gate ng aking nobya.
Halos ilang minuto narin akong narito pero wala paring lumalabas. Dumarami na rin ang mga taong sarap na sarap na panoorin ako habang gumagawa ng eskandalo.
“Audrey, hindi ako aalis dito hanggat hindi tayo nag-uusap!” — muling sigaw ko atsaka muling pinag-sisisipa ang gate dahilan para makagawa ito ng matinding ingay.
May mga brgy. tanod na ang sumasaway sa akin pero sadyang hindi ako nagpapa-awat.
Ilang minuto muli ang lumipas bago ko makita ang unti-unting pag bukas ng pinto kasabay ng pag-labas ng aking nobya.
I saw her crying as she walks towards me.. and there, I felt a pinch in my chest.
“Lyndon, tama na please..” — pagsusumamo niya habang naka-tayo sa harapan ko.
Gustuhin ko mang lapitan siya at yakapin ay di ko magawa dahil sa gate na nag sisilbing pagitan namin.
“Audrey please.. bumalik kana.. di ko kayang mawala ka.” — umiiyak kong usal.
“Kayanin mo Lyndon.. ikakasal na 'ko sa iba.. at ayaw ko nang balikan ka dahil lang sa naaawa ako sayo.. please Lyndon.. let me go.” — mahinang baton niya na nag paguho ng mundo ko.
Para akong nahilo bigla dahil sa sinabi niya. Halos mapa-upo pa ako dahil sa panlalambot ng aking tuhod.
Huli na ng mapag-tanto kong hinihila na pala ako ng mga pulis para maka-layo.
Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao habang naka-tingin ng masama sa akin. Meron din namang mga naaawa at natatawa, pero lahat ng iyon ay nagagawa kong ibalewala dahil sa sakit na aking nadarama.
Pagka-tapos ko makipag-areglo sa mga pulis at gumawa ng kasulatan na hindi na ako pwedeng pumunta sa bahay ng aking nobya ay agad akong nag drive palayo sa lugar.
Tulad ng senaryo kagabi ay hindi ko nanaman alam kung saan ba ako pupunta, halos iyak lang ako ng iyak habang papabilis ng papabilis ang pag takbo ko ng sasakyan.
“Ptangina bakit ganito?! Nag mahal lang naman ako ah!” — malakas na sigaw ko atsaka inihinto ang sasakyan at agad na kumalumbaba sa manibela habang umiiyak.
Halos ang mga pag hikbi ko lang ang maririnig sa buong kotse. Hindi ko na alintana ang kadiliman dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ko maisipang paandarin muli ang sasakyan, pero hindi pa man ako nakaka-alis ay muli kong nakita ang tila abandonadong lugar na pinuntahan ko kahapon.
Hindi ko ba alam pero parang may kakaibang pwersa na nag uudyok sa akin na muling pasukin ang bawat kanto ng lugar na iyon.
Gustohin ko mang pigilan ang sarili ko ay naging huli na ang lahat dahil nakita ko nalang ang sarili ko na muling tinatahak ang lugar papasok.
Halos naging malabo ang paningin ko habang binabaybay ang bawat kanto dahil sa mga luha ko na patuloy parin sa pag tulo.
Mula sa pwesto ko ay naaaninag ko na ang dead end ng street. Nang malapit na ako sa dulo ay muli akong napa-preno ng biglang may tumalon na kung ano mula sa itaas ng kotse ko.
to be continued..
I told ya, expect short updates. 🤷
BINABASA MO ANG
The 15th Street
SpiritualThis is not a love story! Not until she left me in the 15th street.