(IMAM) Reyna nang Kamalasan Entry #1

453 11 11
                                    

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

 Entry # 1 // Reyna Nang Kamalasan

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

^Tell me why

Ain't nothin' but a heartache

Tell me why

Ain't nothin but mistake

Tell me why

I never wanna hear you say

I want it that way..

Napapasabay talaga ako sa kantang yan kapag tumutugtog sa loob ng Mini Store na pinagtitindahan ko. Peyborit ko ata yun.. Nakaka LSS <3 Itutuloy ko pa sana ang pagkanta ko ng bigla akong nilapitan ng boss ko.

"Yurie, sumunod ka sa akin sa loob ng opisina ko. Ngayon na." Ano na naman bang ginawa ko? Hindi ko naman kinain yung mga paninda niya ah? Nakakatakot naman.. minsan lang kasi may ipatawag si Ms. Ocampo sa loob ng opisina niya at dalawang balita lang ang maririnig mo sakanya..  It's either TANGGAL KA NA o GOOD JOB.. Nakakakaba talaga pag pumasok ka.. hindi mo alam kung ano ka na paglabas mo nang opisina.. Dali dali din naman akong sumunod kay Ms. Ocampo.

"Ano po maipaglilingkod ko Ma'am?" 

"Yurie, wala ka bang gustong aminin sa akin?"

"Ano pong ibig niyong sabihin Ma'am?"

"Okay Yurie hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.. May nakakita sa iyong isang trabahador sa Shop na nagnakaw ng paninda ko.. wag kang mag alala Yurie  hindi na 'to makakaabot sa korte.. tutal naman matagl na kitang empleyado pero sana wag ka nang babalik dito.. You're fired!" Anak ng.. Nalintikan na! Ano daw? You're fired? ?Tama ba pagkakarinig ko?? Pwes, hindi yun maaari..At hindi ko namna talaga ginawa yung binibintang ng kung sino mang hinayupak ang nagsumbong nang ganun..

"Pero, Ma'am hindi ko po ginagawa ang bagay na sinasabi ninyo.. Kailangang kailangan ko po ang trabahong ito.. Alam niyo po yan Ms. Ocampo.."

"Wala ng pero pero Yurie.. Napagdesiyunan ko na rin ito.. Alam kong mag isa ka nalang sa buhay pero hindi naman pwedeng kunsintihan ang mga maling bagay na ginagawa mo.. Lalong lano na ang pagnanakaw mo sa aking shop." Nadudurog na ang katauhan ko.. Hindi ko naman ginawa yung binibintang sa akin ni Ms. Ocampo... Naiiyak na ako.. Hindi ko kayang mawalan ng trabaho.. pero wala na atang pagkakataong paniwalaan ako..

"Sino po ba ang nagsabi nun Ms. Ocampo?!" pagtatanong ko habang tumutulo ang luha ko.

"Wag ka nang magtanong Yurie, lumabas ka na sa loob ng opisima ko at wag nang babalik pa.. Please, Yurie.. wag ka nang magmakaawa pa.." at sa sinabing iyon ni maam halata ko na na wala na talagang pag-asa.. kaya tumakbo ako papalabas ng opisina at umalis na ng shop.. 

Habang naglalakad nakaramdam ako ng gutom at uhaw dahil sa pag iisip..

"Ate pabili pong Mamon at Sakto."

"Balot pa ba?"

"Ay hinde po, dito niyo lagay yung sakto oh sa palad ko higupin ko nalang. kakahiya naman kung ipapalastik mo pa teh."  Ba naman yung tanong na yun nakakainis.. badtrip na nga dinoble pa ni ate.

"Oh yan na sakto at mamon mo. " pag abot sa akin nung ale abang nakataray

"Dukutin ko yang mata mo eh oh eto bayad"  pagsabi ko bago umlis ng tindahan

"Eto nalang pera ko.. 1000 piso.. Anong manyayari dito? Kasya ba to sa akin? T__T" pagtatanong ko sa sarili habang tinititigan ko ang 1000 ko..

I'm Mr. Arrogant's Maid?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon