(IMAM) Rules & Regulations Entry #5

217 5 1
                                    

++++++++++++++++++++++++++++

Entry #5 // Rules & Regulations

+++++++++++++++++++++++++++

"Ayos na ba lahat ng gamit mo Yurie? Wala ka na bang ibang naiwan?" pagtatanong ng tita ko. Tinulungan niya kasi akong mag impake dahil siguro gusto niyang mapabilis ang pag-alis ko. Well, hindi na ako maninibago. EXPECTED ko na yun. Ngayon na ang simula ng trabaho ko bilang isang maid. Maid nang isang Aroganteng tao.. Walang Modo at Mapang-api. Kahit walang kasiguraduhan na makakasundo ko siya. Wala akong magagawa, kahit alam kong hindi kami magkakasundo e- eh basta gagawin ko lahat mabago lang ugali niya. Psh. As if naman na magbago pa yun. -__________-

"Okay na po ninang. Wala na po akong naiwan. Maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa akin.. Aalis na po ako."

"Okay sige. Mag-iingat ka parati." UWAAA! T__T Nakakaiyak. First time kong marinig na galing sakanya ang word na "INGAT KA". Kahit naman pala papaano eh may care parin sa akin si ninang Amy. Di ko rin naman siya makakalimutan.. Siya na rin tumayong nanaynanayan ko habang lumalaki ako.. Siya nagpa-aral, nagpakain at nagbihis sa akin habang nagdadalaga na ako. At ngayong 17 na ako. Sapat na siguro ang 17 years na pag aaruga niya. Malaking bagay na yun para sa akin.. Ang laki din talaga ng utang na loob ko kay Ninang Amy kung tutuusin..

///

Matapos naming magpaalam ni Ninang Amy sa isa't-isa ay dumiretso na ako sa Address na ibinigay ni Ethan. Pero, WOW! Laking gulat ko nang makita ko ang bahay na may Address na kapareho nang ibinigay niya. Eto na ata yun.. Pero NGA-NGA pa din ako.. Hindi ako makapaniwala na makakatung-tong ako sa ganitong kalaki at kagandang bahay.. Nasa panaginip ko lang ang mga ganitong bagay dati pero ngayon.. bukod sa nakita ko na ay titira pa ako dito pero hindi para mamuhay bilang isang PRINSESA kundi maging isang MUCHACHA. -___________- Yun nga lang. Pinindot ko na yung doorbell sa gate para makita na ang buong bahay. Hihi. *u* Excited akong makapasok sa Mansiong ito ano! C: 

"Sino po sila Ma'am?" tanong sa akin ni Manong Guard. Ang sosyal ha. May Taga bukas at taga bantay ng gate! 

"Ah, kuya ako po si Yurie Garcia. Andiyan po ba si Mr. Ethan?"

"Ah, oo. Ikaw pala yung bagong maid. Kanina ka pa niya iniintay. Dali na at pumasok ka sa loob andun siya sa may sala." 



"Salamat po." Pinagbuksan ako ng gate ni Manong at tumuloy na sa loob ng bahay at sa lugar kung nasaan si Ethan.. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay alam ko na agad kung bakit ganun ang ugali ni Ethan.. Mayaman sila. Talagang MAYAMAN! Ang gaganda ng gamit nila sa loob ng bahay ang sosyal.. Mga bagay na pinapangarap ko.. Nang makapunta na kami sa may sala ay nandun si Ethan. nakaupo habang nanonood ng T.V. Iba din pala yung TV nila. FLATSCREEN! OHMYGOLLY!

"Goodmorning po Master. Andito na po si Ms.Yurie." Eh? MASTER tawag sakanya dito? O__O

I'm Mr. Arrogant's Maid?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon