(IMAM) Today, I met a Jerk Entry #3

249 5 3
                                    

+++++++++++++++++++++++++

Entry # 3 // I Met A Jerk

+++++++++++++++++++++++++

Ethan's POV

Today,  I met a Jerk named Yurie. HAHAHA! Ang tanga lang niyang pumayag maging katulong ko. Hindi niya pa ako siguro kilala dahil baka bago siya sa school namin :3 Haha. Hindi manlang siya nagdalawang isip! Umo-o agad eh.. Ngayon hindi na ako mamomroblema dahil sa maid.. Bukod sa nakahanap na ako.. Naka ISA pa ako! HAHAHA! Hindi naman talaga nasira yung phone ko eh. ^__^v Nagkalagas lagas lang yung parts pero hindi sira! I-Phone 4s ata to! :D Kaya ang TANGA lang niya para pumayag sa DEAL! Siguro.. MANG-MANG yun.. Wala sigurong alam sa Gadgets yun.. Sa tingin ko OO. Mukha kasi siyang mahirap eh. Hindi naman kasi siya ganun kaganda magdamit.. Mukhang luma pa yung Bag pati sapatos.. At higit sa lahat.. Hindi siya marunong mag-ayos sa sarili! Wala rin atang Hygiene yung babaeng yun! Biruin mo.. nakitaan ko pa siya nang dugo sa palda niya?! HAHA! Hayy. Mga babae talaga! Hindi Aware! Masyadong maligalig kung kumilos.. Kaya ang hirap na humanap ng babaeng OK sa ngayon eh.. Simula talaga nung mawala sa akin si Casey, wala na akong ibang nagustuhan.. Siya lang naman kasi PERFECT sa lahat nang babaeng nakilala ko.. Bukod sa Maganda na... Maayos pa sa sarili niya.. Walang wala talaga siya sa kalingkingan ng ibang babae.. Hayy. Nakakapanghinayang... 3 years din nagtagal relasyon namin ni Casey.. Hindi ko alam kung bakit napunta sa puntong magkahiwalay kami.. Siya.. Siya kasi eh. Iniwan niya ako.. Tandang- Tanda ko pa nung huli naming pag-uusap..

*FLASHBACK*

March 14, 20**

"Ethan, Im Sorry.. I hope you'll understand..."

"Pero Casey, ano bang problema? Wala naman tayong problema di' ba? May nagawa ba akong mali? Kung meron.. Ano?!! Please Casey.. Nagmamaka-awa ako.. Wag mo akong iwan nang basta basta ganito lang.. Alam mo namang mahal na mahal kita di'ba?!! Ayusin naman natin 'to."

"Wala Ethan.. Wala tayong problema.. Mahal din naman kita.. Pero ayoko na.. Please Ethan.. Tigilan mo na ako.. Please.. Ayoko na talaga.."

"Pero Casey! We've been together about 3 years.. Bakit mo ba binibitawan yung relasyon natin nang ganun ganun nalang?!"

"Because.. I need to find my self... I'm sorry Ethan.. Pero AYOKO na talaga.. Please, let me go. Makakahanap ka pa naman ng ibang babae diyan.. Kalimutan mo nalang ako Ethan.. Don't ever try to call me.. Mapapagod ka lang.. I'm sorry." 

Oo, ganun ganun nalang yung nangyari.. Akala ko hahanapin lang niya sarili niya.. Pero, ang totoo niyan nabalitaan kong may iba siya.. 8 months na sila nun ayon sa napagtanungan ko..Niloko niya ako na sobrang dinamdam ko.. kaya simula nun hindi na ako nagtangkang ma INLOVE ulit.. Ang tanga ko.. Sobra... 

/////

"Sir, ethan handa na po yung hapunan.. Pinapatawag na rin po kayo ni Maam Lucy sa baba." Kinatok ako ni Manang Deby para bumaba dahil sa pinapatawag na naman ako ni Mommy. Alam ko namang itatanong na naman niya sa akin kung bakit umalis na naman yung Maid na pinadala niya.. Hm. Kaya ko naman kasi pinaalis yun eh ang boring! Ayoko sa boring na maid.. walang thrill.. ni hindi manlang napipikon sa mga ginagawa kong biro! Hayy, pero nung nakillala ko si Yurie.. naisip kong alukin siya maging maid..Mukha kasi siyang magandang laruan. masarap paglaruan ang tulad niyang mahirap.. hahahaha.. Makababa na nga.

"What about now mom?"

"Do you want to know what's all about? Huh?"

"Of course. That''s why I'm here.. infront of you."

"Stupid! Kahit kelan ka talagang bata ka!! Napaka Arogante mo! Hindi naman kita pinalaking ganyan!! Bakit mo ba pinaalis yung katulong mo?!! 3 days palang siya ha?!!! Hindi mo manlang pinatagal?? Napaka walang modo mong bata ka!!"

"I know I'm stupid. Wag mo nang ipamuka sa akin yun. Ang boring kasi nung maid natin kaya ko pinaalis.. Kukuha nalang kayong maid yung hindi ko pa mapapakisamahan...Parang hindi mo naman alam ugali ko."

"BORING?! Ano bang gusto mong katulong?! Ano? Paano ka na niyan?! HA?! Kaya mo bang maglaba nang sarili mong damit ha Ethan?!"

"Haha. Don't be too harsh mom. I got a maid. Don't worry.. Sigurado akong tatagal to sa akin.. dahil hindi ako maiinip sakanya.."

"Fine! Do whatever you want! Basta, siguraduhin mo lang na tatagal yan sa'yo.. Kapag tumagal yang maid mo.. I'll grant your wish.."

"Really? You'll give me a car?!"

"Yeah, Whatsoever. Siguraduhin mo lang na tatagal sa'yo yang bago mong maid."

"Sure. Bye mom." *O* YESS! Nagwagi na naman ako.. Haha. I'll get what I want.. Kailangan lang tumagal sa akin ni Yurie.. Well, tatagal naman talaga sa akin yung babaeng yun.. Desperada na siya sa pagkuha nang trabaho.. Wala na atang mapasukan eh. Haha.

--

To; 0927*******

We need to talk tomorrow. Meet me at the lobby at 5:30 PM After Class. I'll Wait. Pag hindi ka pumunta lagot ka sa akin.. Ipapupulis kita. 

-Ethan.

"MESSAGE SENT"

--

+++++++++++

Sorry if there's a Typo Error. XD

Aayusin ko yan promise. Di lang ngayon :)

Thankyouu! ♥

I'm Mr. Arrogant's Maid?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon