(IMAM) Bakit siya ganun? Entry #8

198 3 0
                                    

+++++++++++++++++++++++++

Entry # 8 // Bakit siya ganun?

+++++++++++++++++++++++++

YURIE'S POV

October 12, 2012 // 8:00 PM // Friday Night

Kakauwi lang namin ni Ethan, nahuli ko siyang papalapit ang mukha sa mukha ko. Pero, ang sabi niya gigisingin niya lang ako.. Akala ko naman kung ano na. Nakita ko sa mukha niya kanina ang awa. Siguro naawa siya sa tulad kong desperada na nagmahal na hindi maka get-over. Gulo noh? Ang hirap naman kasi nitong nararamdaman ko. Pero, bakit ganun? Nung nakita ko yung ganung itsura ni Ethan eh mukhang seryoso? Si Ethan? Seryoso? WOW! Napakalaking WOW! Sa totoo niyan. Napatakbo ako dahil sa nangyari. Hindi ko masyadong kinaya ang ganung moment. Sawi na nga ako, nakuha pa niya akong asarin. Ang sakit lang diba. T_T Bakit kasi siya pa yung naging amo ko diba? Napaka-walang puso diba?  Ang malas ko diba? -__-

NANG BIGLANG ;

*BRRRRRRRRRRRRR* (Kalam ng tiyan)

Mukhang nagutom ako sa mga iniisip ko ah. Napaka naman netong mga bituka ko!! Wrong timing ang Aura. Pampasira ng moment! Eto na yun eh, Naglalabas na nang hinanakit eh. Tapos Ano? Biglang kumalam tiyan ko. Naman yan oh. Pero ang problema, san naman ako kukuha? May pagkain pa kaya sa kusina? MALAMANG MERON! BWAHAHAHA!! Matignan nga..

*DAHAN DAHANG BABA*

*DAHAN DAHAN*

*BUKAS NANG REF.*

*KALKAL*

NANG BIGLANG ..

"Oy, anong ginagawa mo?" Ay, shet. Si Sir, Ethan! Ano ba naman kasing ginagawa niya sa likod ng REF?!

"Ah-Eh.."

"Gutom ka no?"

"Hindi ah! Ano ba naman yang sinasabi mo? Hehe." With matching tawa para hindi mahalata.

"Eh, anong ginagawa mo diyan sa Ref.? Wag mo sabihing diyan ka matutulog." 

OhEm! Buking na ako. 

"Oo, na. Sige na. Ikaw na. Ako na gutom."

"Sabi na eh. Pero, walang pagkain diyan."

"Tingin ko nga eh."

"So, anong balak mong gawin?"

"Edi ano pa! Papanik nalang sa kwarto, matutulog at titiisin ang gutom." Papanak na nga sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at sabay hila.

"Oy, Ethan. Ano na namang trip 'to? Pero hindi siya sumasagot. Basta, kapit niya lang ako habang hinhila.

"Ethan?"

"Ethan?"

"What?" Huminto kami sa paglalakad at lumingon siya sa akin with matching taas nang kilay.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta! Sumama ka nalang. Wag ka nang magsalita!" kaya naman nanahimik nalang ako. Ang Etching naman kasi netong si Ethan. Kaya nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad.

Take Note! Hindi kami nag-uusap. Na stock-up ang bunganga ko kaya feeling ko.. mabaho na ang hininga ko. 

"Oh, andito na tayo. Tara."

*LJC RESTAURANT*

"Ethan, ano to?"

"Restaurant, bakit mukha bang banyo?"

"Hindi! Ang ibig kong sabihin.. Bakit tayo nandito?"

"Malamang kakain. Diba gutom ka?" Wow lang, Wow talaga. May Pakielam din pala 'tong taong 'to sa akin.

"Ah, oo nga. Pero bakit dito?"

"Bakit saan mo ba gustong kumain?"

"Kahit kala Ate Lods nalang."

"Huh? Ate Lods?"  

"Basta! Wag ka nalang magsalita!!" Hinawakan ko siya sa braso at ako naman humila sa kanya. Pero, infairness. Hindi siya pumapalag. Bait ah.

*Ate Lod's Eatery*

"Yurie, asan tayo?"

"Ate Lods. Dito tayo kakain."

"Ah, kung yan gusto mo. Okay." Ehhhhhhhhhhhh?! Bakit ganun siya sumagot? Anyare?!

"Eh?"

"Anong Eh?"

"Ako dapat ang magtanong! Sigurado ka bang kakain ka dito?"

"OO NAMAN." Isang malaking OO ang sagot niya, as in.. Malaking OO.

Pagkatapos nun, Umorder na kami. Isang Sinigang, Dinuguan at Giniling. Naka Isa't kalahating kanin ako, samantalang si Ethan. NAKATATLONG KANIN LANG NAMAN.

"Hoy, Yurie. Hindi mo sinasabi. Ang sarap pala dito." Pagsabi niya habang hinihimas ang busog niyang tiyan.

"Ang tanong, alam ko bang kumakain ka sa ganitong lugar? Pati hindi ka mukhang gutom ah."

"Ah, actually. Gutom ako. Hindi pa ako kumakain eh kasi walang pagkain. Atleast ngayon alam mo na diba. " Sabay kindat pa! 

"May pakindat kindat ka pang nalalaman! Kaya pala hinila mo nalang akong bigla. Magbayad ka na nga ng makauwi na tayo. Babayaran nalang kita sa bahay"

"Wag na, ako naman nagyaya sayo eh. It's okay."

Wala na akong nasabi kay Ethan. Pagkatapos niyang magbayad ay sumakay na kami ng Taxi pauwi kahit na tatlong kanto lang ang layo nang karinderya sa bahay nila. Ganun talaga, mayaman eh. Sayang pera. Nang makarating na kami sa bahay nila. Nag Thankyou ako sakanya bago siya pumasok sa kwarto niya. At lumingon sa akin habang nakangiti at sinabing "Wala yun, sige matulog ka na. Goodnight." at sabay pasok niya sa kwarto niya. Pero kahit ganun, hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Nakakapanibago.. Bakit siya ganun? Nag-iba na ang aroganteng Ethan James Reyes na nakilala ko. Hindi na siya Arogante! Kundi.. GWAPONG MABAIT NA SIYA!! Hihihi! Kahit papaano ang saya ng gabing ito. Ang saya ng araw. Ang saya.. niyang kasama..

At dahil parin sa pag-iisip ko kung bakit naging ganun ang mga pagkilos niyao pangyayari ay hindi parin ako tulog. Actually, hindi ako makatulog XD Ewan ko ba naman sa pag-iisip ko. Napaka-feelingera ko talag kahit kelan kasi sa totoo lang feeling ko may "PAGMAMALASAKIT" na siya sa akin pero syempre onti lang din. :3 Bakit ba kasi ang landi ko? HAHAHA! Napaka ko talaga..

ASA PA BA KO?!!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Sorry for the late update :(  

Super Busy po kasi.

Sana isupport niyo parim po ang IMAM!!

More thankyouu! <3

Happy New Year to all! :)

xxMittyxx

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx 

I'm Mr. Arrogant's Maid?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon