KABANATA 1

4 1 0
                                    


"Maam Fhrewya,pinapatanong po ni Madam kung natapos na daw po kayong magayos ng gamit niyo po?" rinig kong tanong ni Manang habang inaayos ko pa ng tamang ang mga gamit ko.

"Malapit na kaya pasabi na lang na baba na ako kung tapos na akong magligpit." sabi ko sakanya.

"Sige Maam Fhrewya" narinig ko na lang ang mga yabag niyang papalayo sa pintuan ko at pinagpatuloy ko na ulit ang aking ginagawa.Nang matapos ako ay binitbit ko na ang mga gamit ko ng makarating ko sa kotse namin kung saan naghihintay na ang sasakyan namin at ang kapatid ko na walang ginawa kundi ang mag ayos ng sarili niya.

Agad naman akong tinulungan ni Mang Ben na ilagay sa compartment ang mga luggage ko at nilapitan ko ang kapatid ko na ngayon ay nakikipag video call sa mga kaibigan niyang maaarte sa buhay. Haist kaya lumalaking spoiled brat ang bata na toh

"As you can see naman guys I need to sama sa parents ko to their province."

"Why you can paalam to your parents sis. Tell them you stay here in our house"

"As if naman na they will payag me na mag stay sa inyo noh." inis niyang sabi sa mga kaibigan niya.

"Cassie nalagay mo na ba yung mga gamit mo sa compartment huh?" sabi ko sa kanya.

"Of course duh!." sabi niya sakin at nagawa pa akong irapan ng loka, kung hindi ko lang kapatid toh baka nasapak ko na siya sabay pasok sa loob ng kotse at nagpatuloy ang paguusap nila ng mga kaibigan niyang conyo. TSK!

As you can see naisipan ng magulang ko na bisitahin ang hometown na kinalakihan ni Mama ko kaya kami nagiimpake kanina. After so many years na pagstay nila sa Manila ngayon lang nila naisipan pumunta sa province ni Mom. Ang dahilan nila ay ngayon lang sila nagkatime na maayos ayos sa schedule nila,which is true naman. Isipin na din daw namin na ito na ang mahabang bakasyon namin sa summer. Oh well, ano pa nga bang magagawa ko mas okay na ang magbakasyon sa probinsya dahil tahimik at malayo sa maingay na siyudad kaysa naman magibang bansa pa kami. Ang kapatid ko lang naman ang may ayaw ng ideya na ito pero wala naman na siyang magagawa kundi ang sumama kung hindi goodbye credit card siya.

Nang makita ko na palabas na ng gate sina Mom at Dad ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Narinig ko pa silang nagbilin kay Manang ng mga dapat nitong gawin habang wala kami sa bahay,Saka lang sumakay sila Mom.

"Girls did you double check your things if you forget something" tanong ni Dad samin mula sa passenger seat.

"Yes Dad,wala naman na po kaming naiwan" sabi ko at kinuha ko ang cellphone at earphone ko para makinig na lang ng music.

"Kung ganun ay aalis na tayo." sabi ni Dad sabay kabit ng seatbelt niya. Nagumpisa ng umandar ang sinaksakyan namin patungo sa destinasyon namin. Alam kong mahaba habang biyahe toh kaya napili ko na lang matulog sa buong biyahe.

After so many hours........

Nag stop over kami sa isa sa mga kainan rito para kumain muna bago kami ulit magpatuloy sa biyahe namin, ng mabusog na kami sa aming kinain ay nagpahinga muna saglit bago kami umalis.

"Dad so matagal pa ba before tayo makapunta sa province ni Mom." sabi ni Cassie,nagiinarte na naman ang kapatid ko paano kanina nagtatanong kung malayo pa ba yung province ni Mom eh.

"Yes sweety, in fact baka bukas na ng tanghali o gabi tayo makarating doon." sabi ni Mom sa kanya basta ako wala akong paki.

"It so G.R.R.R" sabi niya at bumalik na lang siya sa ginagawa niya. Ang hirap talaga magkaroon ng katulad niyang spoiled brat. Wala na lang nagawa si Mom sa inaakto ni Cassie kasalanan din naman kasi nila ni Dad yan eh masyado nilang pinagbibigyan sa lahat ng oras kaya lumalaking matigas ang ulo.Napatingin ako kay Mom at ng makita niya akong nakatingin sa kanya ay nginitian niya na lang ako. I felt sorry for her. Kailan kaya magbabago tong kapatid kong ito. TSK.

The City Girl I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon