KABANATA 2

20 2 0
                                        


Simula ng umalis kami sa Manila at ng magdesisyon ang parents ko na ang aming bakasyon ay sa probinsya na kinalakihan ni Mom ay alam ko na makukuha ko ang tahimik at matiwasay na bakasyon na aking gustong makuha kailanman hindi tulad ng ako'y nasa siyudad. Kung gusto kong makuha ito ay marapat lang na umiwas ako sa mga tao na pwedeng sumira ng aking tahimik na bakasyon.

"ATTTTEEEE, GISSSIINGGG NAAA" sabay katok ng malakas sa pintuan ng aking kapatid. TSK! Hanggat may asungot na umaaligid mahihirapan akong makamit ang pinapangarap ko tulad na lang ng nangyayari ngayon nagsisimula ng magingay ang maarte at mabunganga kong kapatid.

"ATTTTEEEE ANOOO BBAAAA?" patuloy niya pa ring kinakatok ng malakas ang pintuan ko. Kaya sa aking sobrang inis sa pagiging maingay niya agad kong binuksan ang pintuan ko na akma sana siyang kakatok ulit pero hindi na natuloy dahil sa sama ng tingin ko sa kanya. Kainis na kapatid toh hindi niya ba alam ang salitang privacy kitang natutulog pa yung tao ang ingay ingay.

"Ano ba yun huh? Dapat importante yan dahil kung hindi malilintikan ka sakin bata ka" yamot kong sabi sa kanya siya naman ay tignan pa ako mula ulo hanggang paa sabay irap pa. Lokong bata toh ah.

"Like duhh! You need to bangon na kaya we will punta sa house ni Grandpa you make bilis pwede." umaandar na naman ang pagiging conyo nito. Pagkasabi niya ay naglakad na siya paalis kung saanman siya pupunta. Sinarado ko ang pintuan at napapikit na lang ako sa sobrang inis kaya napagdesisyunan ko na lang na maligo na at magayos ng sarili bago pumunta kila Lolo. Saka kahit na hindi ako sumama alam ko na hindi pa rin magiging maganda ang araw ko kapag nagstay ako rito sa bahay ni Tita Millie ngayon. Wala ako sa mood para tumulong sa kanila sa paghahanda kuno nila dahil sa pagdating namin,nagtataka ako kung bakit nila kailangan pang gawin yun eh mas okay na lang ang maghanda ng pamilya lang ang involve hindi yung napakarami nilang ihahanda parang ang dami naman nilang pera. Oh well sariling bulsa naman nila ang binubutas nila at hindi naman yung akin kaya bahala na sila.

Few minutes later

Matapos kong maligo at makapag bihis ay nagayos lang ako ng sarili bago lumabas ng kwarto at pumunta ako sa may sala kung saan naghihintay ang parents ko at ang conyo kong kapatid.

"At last ate you dating na, by the way Dad can we alis na para makarating tayo ng early sa house ni Lolo. Maybe to that place makahanap ako ng signal." sabi ng kapatid ko habang sa cellphone niya nakatingin wala talagang kwenta tong kapatid ko.

"Okay since nandito naman na ang ate mo, so shall we?" aya ni Dad sabay tayo nilang tatlo.

"Pano ba yan Ate Millie punta muna kami kila Tatay, huh? Babalik na lang kami ng bandang tanghali." palaam ni Mom kay Tita Millie.

"Oh siya sige magingat kayo sa daan huh?" sabi ni Tita Millie kay Mom sabay yakap niya rito. Matapos nun ay nagpaalam kami isa isa sa kanila at nagsimula ng maglakad papunta sa bahay ni Lolo.

Walking distance naman daw ang papunta kila Lolo kaya hindi na kami gumamit ng sasakyan. Nakarating kami sa sementadong tulay sabi samin Mom na dati hindi naman daw ganto yung tulay dati gaya raw ito ng tulay sa Benguet. Pagkalagpas namin sa tulay ay nagpatuloy lang kami ang daming puno sa palagi namin kala mo parang nasa haunted forest ka naglalakad pero kahit na ganun ay maganda naman ang lugar kasi maririnig mo ang huni ng mga ibo. Ang saya sigurong mag bisekleta rito dahil ang sasalubong sayo ay ang mabanging hangi. Pagkatapos ay nakakita naman kami ng taong nagtatanggal ng buko at niyog. Nakakatuwa naman ganto para rito sa pronbinsya,walang wala ito sa siyudad, dito mo lang sa probinsya makikita ang tahimik na buhay na pangarap mo.Nakakainis lang yung tingin nila na kala mo ngayon lang sila nakakita ng tao sa tanang buhay nila.

"Ahm, Dad why they are looking at us?" tanong ng kapatid ko kay Dad. Kahit din ako napansin ko din ang kakaibang tingin ng mga taong nadaraanan namin.

The City Girl I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon