KABANATA 3

5 0 0
                                        


KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising sa kanila para makapagbike at iexplore na din ang buong lugar na ito. Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko agad si Lola't lolo na nagkakape sa may tapat ng binata at masaya silang naguusap na dalawa. Ayaw ko man silang istorbohin sa kanilang paguusap ngunit kailangan para ako'y makalabas at magawa ang binabalak ko.

"Magandang umaga, Lola Mildred at Lolo Manuel"bati ko sa kanila pagkalapit ko saka ako nagmano.

"Kaawan ka apo, bat ang aga mo yatang nagising"pagtatanong niya sakin.

"Ah magbabike lang po ako saglit. Alam niyo na  para may alam naman po ako sa lugar na ito"lintaya ko sa kanila.

"Ganun ba. O siya sige ingat ka sa daan"pagpapaalala sakin ni Lolo Manuel.

"Opo. Bye po Lola't Lolo mamaya na lang po ulit"pagpapaalam ko at nang makalabas na ako ng bahay saka ko na sinimulang tumakbo papalayo.

Sa aking pagpepedal,nakikita ko ang iba't ibang tanawin na kay sarapa pagmasdan lalo na at sariwang hangin na tumatama sa aking muka. Kaya hindi ko mapigalan ang matuwa sa aking nararamdaman. Makikita mo ang mga bahay rito na iba't iba ang naging paraan  ng paggawa. Tapos ang mga puno naman ay masayang sumasayaw sa ihip ng hangin. Sa bawat daang aking natatahak napapansin ko ang mga taong maagang naglilinis na kanilang mga tahanan at aking silang kinakawayan kapag ako'y kanilang nakikita.

Nahinto lamang ako ng makarining ako ng parang tubig na rumaragas. Agad ko itong pinuntahan sa gulat ko na makakita ako ng isang waterfall. Sa sobrang katuwaan nagpasya akong maligo. Agad kong hinubad ang aking damit maliban lang sa aking short,mahirap na. Masaya akong lumalangoy na hindi ko alintana ang lamig ng tubig at mapapansin ang pagkalinaw ng tubig. Umahon ako saglit upang kumain ng pagkain na aking dala, sayang at hindi ko dala ang cellphone para makapagpicture naman ako. Pagkatapos kong kumain balak ko na sanang maligo ulit ng makarinig ako ng mga boses na paparating. Kaya sa sobrang takot ay nagtago ako sa likod ng malaking bato bitbit ang mga gamit ko.

"Wow pare solo natin ang buong lugar"

"Oo nga, so paano ba yan dating gawi"

"Ang mahuli siya ang manlilibre mamaya"

Nakarinig na lang ako ng tila mga taong nasipagtalon sa tubig. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ang kaso nga lang sa pagkataranta ko nakalimutan kong kunin ang damit ko, kaya't paano ako makakalis ng hindi nila napapansin. Maya't maya ay naririnig ko na naman ang mga boses nilang paparating.

"Paano ba yan Oliver ikaw ang nahuli,so don't forget are libre huh"

"I want a rematch"

"Gusto mo pa ng rematch,eh, obvious naman kung sino ang mahuhuli ulit,right Krins"

"Hahaha,oo nga naman Oliver,just accept the fact na mabagal ka talaga"

Napuno ng tawanan nila ang buong lugar,at nilalamig pa ako sa kinaroroonan ko. Kailan ba aalis ang mga hudyo na toh. Kaya akin silang sinilip kong ano bang ginagawa nila ngayon. Mas lalo akong sumiksik sa pinagtataguan ko ng mapansin ko ang isa sa kanila ng tumingin sa gawi ko. Kaya agad akong nagbalik sa pagtatago at napadasal na lamang na sana hindi niya ako nakita. Pero sadyang mapagkait ang tadhana at hindi manlang ako pinakinggan. Sa sobrang nerbyos agad kong kinuha ang kahoy na aking nakita at nakapikit kong hinampas ito sa lalaking papunta na sa aking pwesto.



SA PAGTATAWANAN NAMIN agad kong napansin ang malaking bato doon. Kung hindi ako pwedeng makamali may tao akong napansin,aba't parang namboboso ata. Hindi ko na lang pinansin ang pangaalaska ni Rafael kay Oliver alam ko mamaya parang mga baliw na magsusuntukan ang dalawang yan pero hindi yung suntukan na pangmaduguan parang pang batang away lang.

The City Girl I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon