Johann:
“Si Cloud dapat nandito rin. May super powers din sya.”—ako
“Kaming dalawa lang ang nandito kanina pa bago kayo dumating ni Louie.”—Claire
“Sino si Cloud?”tanong ni Vince.
“Classmate namin. Tulad nga ng sabi ko kakaiba din sya. Pero talagang nagtataka ako bakit wala sya dito ngayon.”sagot ko naman.
Nahinto ang pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ng mansyon.
“Kumatok na ba kayo at ngayon lang kayo pinagbuksan?”tanong ko.
“Wala pang nagtatangkang kumatok sa aming dalawa.”sagot naman ni Vince.
Kanina pa bigla-biglang bumubukas mga pinto or gate sa mansyon na ito pero wala namang taong nagbubukas. Automatic nalang...ganun? Magic?
“Mabuti pa pumasok na tayo.”sabi ni Louie at sya na rin ang naunang pumasok kasunod kaming tatlo nila Vince at Claire.
Pagpasok namin sa mansyon ay hindi nga ako nagkamali at napaka ganda ng loob.
May dream mansion... ahahaha*
Sobrang lawak ng loob. Ano ba ‘yun sa bandang kaliwa parang napakalawak na ‘living room’?
Sa gitna kasi may grand staircase.
Elegante at ang ganda talaga ng mansyon na ito.
Ilang sandali pa...
“Welcome kids!”greetings ni Dok Martin na pababa ng grand staircase.
Lahat kami natuon kay Dok Martin.
“Natutuwa akong nagpasya na kayong pumunta dito.” Wika ni Dok na ngayon ay nasa harapan namin.
“Mukhang kulang ng isa? At sobra ng isa?”sabi ni Dok Martin at nagawi sa akin ang mga mata.
“Kasama ko sya. Alam nya ang tungkol dito.”—Louie
“Talaga?”—mapanuring tanong ni Dok Martin
“Ahahaha... moral support Dok Martin.”—ako
Nagsimula syang pumunta doong sa ‘living room’ area.
“Maupo tayo dito kids.”pag-aaya ni Dok Martin.
Sumunod naman kaming apat at naupo sa eleganteng sofa.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is a Superhuman
FantasyMasayang magkaroon ng kaibigan... best friend. Iyong maituturin mong kapatid. Pero paano kung malaman mo 'di pang karaniwan ang best friend mo... anong magiging reaksyon mo?... anong gagawin mo?