Chapter 15

3.5K 102 2
                                    

~Chapter 15~


Sarina POV

Masaya akong naglalakad sa may pasilyo habang hawak hawak ko ang aking kulay rosas na saya na si ina pa mismo ang gumawa

"Ehh"

Nagulat ako ng pagliko ko ng pasilyo ay may nabangga ako

"Aww"

Napatingin ako sa batang babaeng nakaupo sa sahig habang hawak ang balakang niya

"Ayos ka lang Yuri?" - tanong sakanya ng batang lalaking tumulong sakanya sa pagtayo

Teka! Kilala ko sila

Sila ang anak nila Tito Finn

"Pasensya na"

Napatingin sila saakin habang nakaupo pa rin ako sa sahig

Napatingin ako sa nabasag na baso sa sahig at dadamputin ko na sana iyon ng may pumigil sa kamay ko

"Hindi mo ba alam na delikadong pulutin ang mga bubog na yan?!"

Napataas ako ng tingin at nakita kong si Lennox pala ang pumigil saakin na nasa likuran ko kasama si Klent

Hinila niya ako patayo bago ako binitiwan

"Hindi ko sinasadyang makabangga ko siya" - sambit ko

"Tss ayos lang naman iyon, hindi ba Yuri?" - tanong sakanya ni Klent

"Oo ayos lang naman saakin. Pasensya na rin" - Yuri

"Sarina"

Napatingin ako sa gilid at nakita kong si Aznar ang tumawag saakin

"Anong nangyayari dito?" - tanong niya habang nakatingin kila Lennox

"Ahh aksidenteng nagkabungguan lamang kami ni Yuri"

Napatingin siya sa mga bubog na nasa sahig at agad niya akong hinila papunta sa gilid niya

"Ipapaalis ko kaagad iyan sa mga katulong" - Aznar

Humarap sakanya si Lennox

"Isang wizard"

Tinignan naman siya ni Aznar

"Mas maigi kung makikipag usap ka saamin ng mas matagal" - nakangiting sambit ni Yuri

"Magandang mungkahi iyon. Tayo ang susunod na Salvatory. Mas magandang magsanay tayo bilang isang grupo. Pati na si Agate" - Klent

"Pag iisapan ko" - sagot ni Aznar bago ako hinila paalis



.

Lennox POV

"Tama ba ang narinig ko?" - Klent

"Hindi ka pa naman bingi Klent. Tama ang narinig mo" - Evan

"Tss pag-iisipan niya? Anong akala niya sa sarili niya?" - ismid na sambit ni Klent

Twin Of The Dark ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon