Chapter 17

3.9K 131 31
                                    

~Chapter 17~


Freya POV

Maigi kong pinagmamasdan ang ginagawa ni Tamara habang hawak hawak niya ang kamay ni Sarina na wala pa ring malay na nakahiga sa kama niya

"Kamusta si Sarina? Ayos lang ba siya?" - tanong ko ng ibinaba na niya ang kamay ni Sarina

"Maayos na siya Freya. Wag kayong mag-alala magkakamalay na din siya. Hintayin na lamang natin"

Naglakad ako palapit sa kama ni Sarina at naupo sa silyang nasa tabi niyon

Kinuha ko ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang palad niya kung saan ang sabi nila Luan ay nasugatan siya

Wala ni anumang bakas ng sugat mula doon

Hindi umiinom ng dugo si Sarina. Wala rin siyang kapangyarihan. Wala rin siyang kakayahang pagalingin ang sarili niyang sugat

Kaya namin pinaka iingatan si Sarina dahil hindi siya maaaring masugatan. Dahil maliban sa hindi ito kusang naghihilom. Hindi rin humihinto ang pagdurugo niyon. At ang kanyang dugo ay may pagkakatulad ng saakin. Mabango ang kanyang dugo. Isang patak lamang ng dugo niya ay kaya ng makatawag ng pansin sa ibang mga nilalang

Nakita namin ito noong sanggol pa lamang ang kambal namin ng minsang aksidenteng nasugatan si Sarina. Kaagad na pumula noon ang mata nila Gretel na nasa kwarto ni Sarina. Maging si Luan nga ay nakaramdam din ng kakaibang panunuyo ng lalamunan noon. Nilusob din ang palasyo ng mga bampira at iba pang nilalang dahil sa amoy ng dugo ni Sarina na hindi tumitigil sa pagpatak

Ilang ulit kong sinipsip ang dugo niya at nagbakasakaling mapagaling iyon pero walang nangyari. Hanggang sa mahawakan iyon ni Azure. Saka lamang iyon naghilom

Si Azure lamang ang may kakayahang makapagpasara sa sugat at makapagpahilom sa sugat ni Sarina ng hindi siya naaattract dito tulad ng iba

Iyon ang lihim ng Parua. Inilihim namin ang kalagayan ni Sarina kaya pati ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mamamayan ng Parua ay inilihim din namin para sa kaligtasan niya

Nilingon ko si Luan na tahimik lamang na nasa tabi ko

Kaagad kaming bumalik ng Parua pagbalik nila Luan at Azure

Nagkakagulo na rin sa Sirona kaya pinaalis na rin muna kami nila Saxon

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang buong nangyari sa paghahanap nila kay Sarina dahil hindi ko na iyon natanong pa dahil sa lubos na pag aalala

"Luan ano ba talagang nangyari sa kagubatan ng Shangri-La?"

Napatingin saami sila Tamara at Gretel na narito rin sa silid ni Sarina

"Mga Arakan. Sila ang kumuha kay Sarina papunta sa gubat"

Arakan?

"Anong mga nilalang ang mga iyon?"

Ngayon ko lamang iyon narinig

"Mga dark elements sila Freya. Mga mapanlinlang na mga nilalang. Kaya nilang gayahin ang anumang nilalang. At kaya nila makuha lahat ng mga nasa alala ng nilalang gagayahin nila" - nilingon ko si Eliza

Bumalik na sila dito sa Parua pagkarinig na pagkarinig nila sa nangyari sa Sirona

"Mas dumadami sila. Mas nagiging agresibo. Bakit ba sila nagsisiatake ngayon?"

Wala naman noong mga ganitong nilalang. Maliban sa mga nilalang na ginamit noon ni Haden mula sa underworld

"Iyon nga ang nakapagtataka. Mabuti pang tanungin ko si ama tungkol dito. Pero tsk! Isa pa iyon di ko na mahagilap pa kung saan nagpupunta" - Kevin

Twin Of The Dark ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon