MUNTIK NA NAMAN MAGMAHAL

3 0 0
                                    


  
Uy, tulala ka na naman
Hulaan ko, siya ang laman
   Ang dahilan ng 'yong katahimikan
   Ang kanina pa tumatakbo sa 'yong isipan.

    Bakit? Bakit ka naguguluhan?
    Dahil sabi niya tanggap niya ano ka man?
    Kasi interesado siyang kausap ka?
    O dahil updated ka saan man siya magpunta?

     Muli bang susugal,
     Kung sarili niya'y nililibang lang?
     At ikaw ang daan,
     Upang nakaraan niya'y makalimutan?

      Ilang senyales na ang hiningi
      Sa kanya ba'y dapat ng bumitiw?
      Pero bakit parang bingi palagi?
      Sinusuportahan pa ng langit ang pusong baliw?

       Paano? Paano kung ikaw ay mahulog?
       Paano kung ikaw ay malunod?
       Natatakot, muntik na namang magmahal,
       Muli bang aasa sa pag-ibig na 'di naman lahat nagtatagal?

Mga Tula Ng HOPELESS ROMANTICWhere stories live. Discover now