MALABO NA

1 0 0
                                    

kasabay nang pag sikat ng araw
ang pag bagsak ng ulan
mga alalang naipo'y ipapa-agos nalang ba ng biglaan?
patuloy parin bang iingatan at ipaglalaban?
o ipapa agos nalang sa ulan at kakalimutan?

sa di inaasahang pagkakataon tayo'y nagkakilala
sa di inaasahan pagkakataon puso'y napaibig mo bigla
aaminin ko masaya ako kapag kausap ka
aamin ko oo, mahal na yata kita

pero bakit lahat nag iba?
nag iba ng dahil sa isang salita?
kasalanan bang sabihin ang nadarama?
bakit? bakit mo ako iniwan mag isa?

ito ang ikinatatakot ng puso ko
Na pag inamin ko ang damdamin ko'y may magbabago
kung kaya ko lang ibalik ang oras siguro,
siguro'y tatamihik nalang para hindi ka lumayo

Oo mahal kita, mahal na nga kita
pero sana, sana bumalik kana
bumalik kana kasi hinihintay parin kita
hinihintay parin kita kahit alam kong malabo na.

Mga Tula Ng HOPELESS ROMANTICWhere stories live. Discover now