Chapter 26: The Big Revelation

83 1 0
                                    

Agad naman bumaba si Gwen para paunlakan ang tawag ng kanyang mga magula na makasalo sa hapag kainan

Pagkababa nya agad syang nagbigay galang sa kanyang ama't ina sa pamamagitan ng pagmamano , 

"" Wow sarap naman ng ulam , alam na alam nyo ho ang paborito ko "" wika ng dalaga

"" Oo naman syempre alam na alam ko , anak kita eh "" pagmamalaking sagot ng Tatay nya na may hawak pang sandok

"" Halika na kayo at nang makakain na tayo"" yaya ng Ina ni Gwen 

At halos sabay sabay na silang naupo sa mesa at nagsimulang magdasal ,pagkatpos inabot ng nanay ni Gwen ang adobong nagmamantika na talga naman paborito ng dalaga at nilagyan ang plato nito 

"" Anak kumain ka ng marami ha alam kong namiss mo tong pagkain na to ng sobra "' 

"" Oo naman , Nay , sobrang miss na miss ko hayss tyak sira na naman ang diet ko nito"" nakangiting sagot ng dalaga 

"" OOhh ang diet anak , ang figure "" pagbibiro ng kanynag tatay

Isang tipid na ngiti lang ang kanyang isinagot ,

Habang kumakain , hindi mapakali si Gwen kung dapat ba na nya tanungin ang kanyang mga magulang tungkol sa pagkatao nya , Ngunit sa kabilang banda ng kanyang isip ay nagtatalo na wag muna . Habang malalim ang kanyang iniisipbiglang nagtanung ang kanyang tatay

"" Anak , kala ko kasama mo uuwe dito yung boss mo na ubod ng yaman "" 

Sa narinig nyang tanung , biglang tumulo ang kanyang mga luha na agad naman napansin ng kanyang mga magulang , 

Agad syang nilapitan ng kanyang ina upang ikomportable at tinanung

"" Anak anung nangyari , Binuntis ka ba nya "" tanung ng kanyang ama 

"" At ayaw ka nya panagutan "" dugtong ng kanyang ina

""Malilintikan ang boss mo sa akin asan ba numeri ng celpon bigay mo sa akin "" galit na sabi ng kanyang tatay

"" ANu ba naman kayo kung anu anu agad inicip nyo"" saway ng dalaga habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha

"" Anu ba kasi ang nangyari"" makulit na tanung ng kanyang ina

"" Ganito po kasi yun nung palabas kami ni sir Vince ng hotel may humarang na lalaki sa akin tinawag nya akong Nicole,""

Nagkatinginan ang mag asawa na para bang nag aalala

"" Tapos anu pang nangyari"" tanung ng kanyang tatay

"" sabi ko sino ka ba ? Hindi kita kilala , umalis ako sa harao nya pero hinawakan nya ako sa braso , at nagpakilala REx daw pangalan nya at may nakaraan daw kami"" 

Muling nagkatinginan ang mag asawa at abot  abot ang kabog ng dibdb

"" PInigilan sya ni Sir Vince nagpambuno sila , ngunit bigla na lang may lumabas na isa pang lalaki at binaril si Sir Vince sa likod"" patuloy na pagkwekwento ni Gwen habang umaagos pa din ang luha nito

""" Tay , Nay , May Dapat ba akong malaman tungkol sa pagkatao ko"" umiiyak na tanung ni Gwen sa kanyang mga magulang

Sa narinig na tanung halos hindi makapagsalita ang kanyang mga magula at hindi masagot ang katanungan ng dalaga

""" Lam mo anak , HIndi talaga Gwen ang pangalan mo"" umpisa ng kanyang ina 

"" Eh ano po ang totoo kong panganlan ""

"" Nicole Alvarez, "" sagot ng kanyang ama

sa narinig nyang katotohanan ay tila ba binuhusan sya ng isang timbang yelo , sapagkat nanlalamig ang kanyang buong katawan ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Gwen/Nicole

"" Bakit nagkaganun at anu ang nangyari at naging Gwen ang pangalan ko please sabihin nyo po ang totoo"" pagmamakaawa ng dalaga sa kanyang mga magulang  

""Dahil sa pagkawala ni Dave , Dinamdam mo at naging magulo ang takbo ng buhay mo naligaw ka ng landas , naging palainum at inuumaga ng uwe , "" paglalahad ng kanyang ina

"" Sobrang nag aalala kami ng nanay mo ng mga sandaling iyon , kinakausap ka namin ngunit ayaw mo makinig naging sarado ang isip mo sa mga paalala namin sau "" lumuluhang paliwanag ng kanyang Tatay

"" Sino si Dave at si rex sa buhay ko"" lumuluha pa ding tanung ni Gwen/Nicole

"" Si Dave ay ang taong minahal mo ng husto, masaya kayo at nakikita namin na mahal nyo ang isat isat kahit minsan na para kayong aso't pusa, ""

"" Anu ang naging dahilan ng paghihiwalay namin"" tanung ng dalaga

"" Nagkaroon ng isang malaking car accident, nabunggo ng Truck ang sinasakyan nyong Van ni Dave at dahil sa pagmamahal nya sayo niyakap ka nya upang maprotektahan ka , kaya tumilapon sya ng bumangga ang truckn at nawalan ng malay "" patuloy na kwento ng kanyang ina

"" Kung hindi ka marahil niyakap ni Dave marahil ay may masamang nangyari na sayo, nacomatose sya ng ilang araw after magising sya wala na syang maalala nagkaron sya ng amnesia ,"" patuloy na kwento naman ng kanyang Tatay

'' At dahil dun , napagpasyahan ng mga magulang ni Dave na dalhin sya sa amerika upang doon ay magsimula ulit ng maggndang alaala na bubuuin,Kinausap ka ng mga magulang nya na kung pwede layuan at kalimutan  mo na si Dave kung talagang mahal mo sya . Kaya ganun nga ang ginawa mo kahit masakit para sayo iniwasan mo sya at hndi ka na nagpakita pa hanggang makaalis sila papuntang Amerika"' 

"" Bakt naman ako nagkaroon ng amnesia at sino si Rex sa buhay ko"" lumuluhang tanung ni Gwen\/Nicole

"" si Rex ang naging kasaksama mo noong masama ang loob mo at nalulungkot , naginuman kayo ni Rex sa bahay nya at nung malasng ka ay may nangyari sa inyo, At sa sobrang sama ng loob mo kay Rex nagpalakad lakad ka sa kalye ng parang wala sa sarili at bgla ka na lng tumawid sa kabilang kalye na hindi man lang tinitignan kung may saskyan na parating""

""Tapos""

"" dahil sa lakas ng pagkakabundol sayo tumama ang ulo mo sa gutter ng daan at yun ang naging dahilan ng pagkakaroon mo ng amnesia"" lulmuluha na rin ang kanyang ina habang nagkwekwento

"" Panu naman po ako napunta ng Amerika at Paanu ako naging si Gwen alvarez"" pag uusisa ni Gwen/Nicole

"" Inaayos ang papel mo ng tita Cloey mo na nasa Amerika marami syang connection kaya napabago nya pangalan mo at dinala ka dun upang sa amerika mag simulang muli"" 

Sa mga narinig at nalaman ni Gwen/Nicole ay hindi nya alam kung maniniwala ba sya oh hindi pero iisa ang natitiyak nya si Vince at Dave ay iisa lamang ngunit paano nya masasabi ito pnagbawalan na sya puntahan sa hospital at pinaiiwas at sinabihan na wag na sya magpakita pa kay Vince/Dave kahit kailan na lubos nyang ikinalulungkot

Matapos marinig nya ang lahat ay niyakap nya ang mga magulang nya at sinabing

"" Naiintindihan ko po kung bakit tinago nyo sa akin ng ilang taon ang katotohanan, alam kong para sa akin yun kaya nyo po nagawang maglihim"" 

"" Ang gusto lang naman namin ay ang mapabuti ang kalagayan mo at maging masaya ka "" lumuluhang sagot ng mga magulang nya

Pagkatapos  ay agad na umakyat sa kwarto si Gwen/Nicole at nahiga. Gulong gulo ang isip nya hindi nya malamn kung saan sya mag uumpisa at saan sya magsisimula...............................

Abangan ang mga kapanakapanabik na susunod na mga Chapter sa buhay ni VInce/Dave at Gwen/Nicole

Dito sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon