Chapter 25: Black Diary

106 2 3
                                    

Kinaumagahan naghanda na si Gwen at inayos ang kanyang mga gamit ,Sapagkat uuwe sya sa probinsya sa kanyang mga magulang wala na syang puwang pa sa Buhay ni Vince ,Lalo't pat nagbanta ang kanyang ina sa dalaga

Lumuluhang nilisan ni Gwen ang Hotel kung saan sila tumutuloy ni Vince at mula sa Lobby sinalubong sya ni Mang Kadyo

"" Mam Gwen okay lang po ba kayo"" tanung ng matanda na may pag aalala sa dalaga

"" Okay lang ako mang kadyo, lilipas din ito "" sagot ni gwen sa matanda

Agad naman binuhat ng matnda ang mga maleta ng dalaga at isa isang isinakay sa sasakyan upang ihatid si Gwen sa kanilang probinsya

Habang nasa byahe sila wala pa din tigil sa pagpatak ng kanyang mga luha sa tuwing maaalala nya ang nangyari sa binata. ang bakasyon sana na magiging masaya ay napalitan ng kalungkutan dahiln sa mga hindi inaasahang pangyayari 

"" Manong pwede ho ba dumaan muna tayo sa simbahan ng baclaran "" pakiusap ni Gwen sa matanda

"""Aba , okay po yan mama Gwen"" nakangiting sagot ng matanda sa dalaga

Agad naman nakarating sila sa simbahan ng Baclaran at mula pa lang sa pinto ng simbahan ay lalong bumilis ang pagtulo ng kanyang mga luha na sinasabayan nya ng mga panalangin para sa kagalingan ni Vince na sa ngayon ay nasa bingit pa din ng kamatayan.

"" Oh hesus ko ,alam ko marami akong mga pagkakamali at kasalan , NGyon po kahit itong panalangin ko ay dinggin mo iligtas mo po si Vince "" usal na dasal ni Gwen ,

Matapos magdasal ay nagtirik ito ng kandila at lumabas na agad 

"" Manong diretso na po tayo sa Les palmas "" utos ng dalaga

"" Okay po mam Gwen""

Marami ang tumatakbo sa isipan ng dalaga habang nasa byahe sila at hindi mawala ang kanyang pag aalala na bka kung anu nangyari kay Vince

Nahalata ito ni Mang Kadyo kaya naman 

"" Mam Gwen magiging okay din lahat , " pagpapalakas ng loob ng matanda sa dalaga

"" sana nga po Mang Kadyo"" tipid nyang sagot 

Makalipas ang apat na oras na byahe nakarating na din sila ng Les palmas ang probinsya nila ni Vince 

Huminga ng malalim si Gwen bago bumaba ng sasakyan at agad naman syang sinalubong ng kanyang mga magulang 

'' Oh anak kumusta ka na namiss ka namin ng Papah mo"" masayng bati ng kanyang Ina

"" Anak ,buti naman at nakauwe ko dito , sana nagpasabi ka man lang para nakapaghanda kami ng Nanay mo "" masayang sabi ng kanyang Ama

"" Naku wag na po , abala lng yun at saka baka magtagal po ako dito "" sagot ni Gwen sa mga magulang nito na walang kaalam alam na may dinadala itong mabigat na problema

'' Aba e di mabuti anak at matagal ka naming makakasama"" Sagot ulit ng kanyang ina 

"" Nay ,Tay si Mang Kadyo nga po pala driver po ni sir Vince "" pakilala ng dalaga sa matadnang driver

"" Magandang araw po ,sabay na bati ng mag asawa

"" Magandang araw din naman "" sagot ni Mang kadyo

Pagkapasok ng bahay dumiretso agad si Gwen sa kanyang kwarto at nahiga at nakatitig sa kisame lumilipad ang kanyang isip , makaraan ang ilang minuto tumayo ito at kinuha ang kanyang maliit na maleta upang ilagay sa kanyang cabinet

Nang buksan nya ang kanyang kabinet ay may nakita syang isang sketch ng lalaki pero wala itong muka , kinuha nya agad ito at tinignan 

'' Sino kaya ang may gawa nito at sino itong lalaking ito naitanong nya sa kanyang sarili""

Inayos nya ang kanyang mga damit sa kabinet at isa isang inilagay at nang may mapansin sya na isang Black Diary sa bulsa ng kanyang Coat ,agad nya itong kinuha at tinignan

"" Naku, kay Sir Vince ito bakit napunta sa mga gamit ko "" pagtataka nya sa kanyang sarili

Natutukso syang basahin kung anu ang nakasulat duon pero pinaglalabanan nya ito sapagkat hindi magandang asal ang makialam ng gamit ng iba na tinutro ng kanyang mga magulang simula pagkabata nya .

Kaya agad nya itong itinabi kasama ang drawing sketch na nakita nya sa kanyang kabinet . Matapos maiayos nya ang lahat ng gamit agad bumabab si Gwen upang kausapin si Mang Kadyo

Ngunit wala na ang matanda sa pagbaba nya 

"" NAy , Tay san po si Mang Kadyo ?

"" Naku anak umalis na ,nagmamadali nga may aasikasuhin pa daw "" sagot ng kanyang Ama

"" Pinipigilan nga namin ng Tatay mo pero ayaw papigil eh"" dugtong ng kanyang ina

MUling umakyat ng kanyng kwarto si Gwen at nahiga ,Habang naiwang nagtataka ang mag asawa sa mga kinikilos ng dalaga 

Sa loob ng kwarto hindi sya mapakali upo ,tayo,mahihiga ,biling dito ,biling doon 

Kaya naisipan nya kunin ang Black Diary at basahin ito kahit na iba ang may ari nito , pagkakuha nya sa Black Diary binuklat nya ito sa unang pahina 

""" MArami akong nagawang kasalanan sa sa pinakamamahal kong babae , ni hindi ko man lang nagawa magpaalam sa kanya bago ako umalis , pero sa kabila nuon ay mahal na mahal ko sya at hindi sya nawala sa aking puso,

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon muli kaming nagtagpo ng babaeng ito sya ay walang iba kundi si Nicole Alvarez  ,Buit na lang at dumating ako at nailigtas ko sya sa kamay ng lalaking iyon ,

Ngunit, sa kadahilanang ayaw ko magpakita at magpakilala nung mga sandaling iyon itinago ko muna ang aking pagkatao , Sapagkat tyak na mag asawang sampal lamang ang aking aabuitn kung makikita nya ako at malalaman nya na nagbalik ako, Ako nga pala si Dave Fernandez ........ maangas ,pasaway daw ako sabi nila """""""

Nasa kasarapan ng pagbabasa si Gwen ng may marinig syang kumakatok sa kanyang pntuan 

"" Tok,tok tok, anak halika na kakain na tayo nakahanda na ang pagkain sa mesa "" tawag ng kanyang Ina

"" Opo susunod na po ako ""

Agad nyang ibinalik ulit ang Black Diary sa kanyang kabinet , sa mga nabasa nya mas lalong naging matindi ang pagnanasa nya malaman ang kanyang pagkatao at ang pagkatao ni Vince ........................

Dito sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon