Chapter 27: Starting Over Again

93 1 0
                                    

Magulong magulo ang isip ni Gwen/Nicole sa kanyang mga nalaman at sinabi ng kanyang mga magulang . Kaya pala ganun na laang ang kutob nya nung una pa lang nya nakita si Vince/Dave.

Lukso ng dugo ang tawag sa mga magkakaanak na muling nagtagpo

Ang kay Gwen/Nicole naman ay lukso ng puso ,Sapagkat unang kita pa lang nya sa binata may naramdaman na agad itong kakaiba . Na tila ba matagal na silang magkakilala 

Habang nakahiga si Gwen/Nicole sa kama nito kinuha nya ang black diary sa may ulunan ng higaan at muli nya itong binuklat upang basahin

"" Nasan na nga ba ako ""

pagkausap nya sa kanyang sarili habang binubuklat ang ang black diary

"" Aahh , heto pala "" at agad na itinuloy ng dalaga ang kanyang pagbabasa

""" Sobra sobra kong mahal sya at lahat ay kaya kong gawin para sa kanya. Ngunit talagang may mga pagkakataon na minsan ay kinakailangan magkalayo . 

Ngunit sa pagkakalayo kong iyon lalong ko lamang syang namiss . OOhh Nicole alvarez kung alam mo lang kung gaano mo ako napapasaya sa ntuwing kasama kita """'

Habang binabasa nya ang black diary biglang nagring ang phone nya

"" Kring , Kring, Kring"" agad naman sinagot ng dalaga celpon nito 

"" hello sno po ito "" tanung ng dalaga

"" Ate ni Vince to Ako si Lauren , napatawag nga pala ako about dun sa project na nakuha nyo , bago mangyari ang pamamaril,

""ahhh anu po ang problema "" kinakabahan na tanung ng dalaga

"" AAHh wala naman Gwen , Ako na ang maghahandle at magtutloy sa mga project dito . Don't worry kayang kaya ko ito"" dugtong pa ng ate ni VInce/Dave

'"" Ahh buti naman po Mam Lauren sayang po kasi yung project kung bibitawan malaking pera po ang mawawala "" sagot ng dalaga sa kausap sa kabilang linya

"" Mam Lauren , Kumusta na nga po pala si Vince/Dave?/ tanung ng dalaga

"" Okay na sya nagising na sya kanina lang , malakas na at nakakatayo na! bukas nga pala ang flight nya pabalik ng Amerika ""

Sa narinig ng dalaga lalo itong nanlumo sapagkat mawawala na naman sa kanya si Vince/dave ng ganun ganun na lamang na hindi man lang nya masasabi ang katotohanan

Ngunit paano nga ba gagawin iyon ni Gwen/Nicople ang lapitan ang binata eh pinagbawalan na sya lumapit dito ng Mommy Ni Vince/Dave

""" AAAhhhh, eeehhhhh, ganun po ba ""'nauutal na sagot ng dalaga 

"" Pero wag kang mag alala babalik sya after 1 month , at baka dito na din sya mag stay"" sagot ng kapatid ng binata 

Sa narinig ng dalaga muling nabuhayan ng pag asa ang dalaga , may pagkakataon pa para masabi nya ang buong katotothanan 

Sa nagyon naiisip ni Gwen/Nicole na lumayo muna sa bnata para na rin sa kanilang dalawa iyon

"" Ahhhh ganun ba Mam, eh sino po mag aasikaso sa company sa amerika ?? muling tanung ng dalaga

"" Yung older brother namin , sya na ang magtake over dun ,pero kay Vince pa rin iyon"" 

Pagkasabing iyon ng nasa kabilang linya agad na nagpaalam at naputol na ang linya

Sa nalaman ni Gwen/Nicole medyo gumaan ang loob nya at nabuhayan ng pag asa, a

at least kaht papaano may chance pa silang dalawa na maayos ang lahat 

Kinaumagahan maagang nagising ang dalaga ,pakanta kanta ito at maaliwalas ang pakiramdam nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ni gwen/Nicole

"" Tok tok tok, Anak halika na nakahanda na ang umagahan "' yaya ng kanyang nanay \

agad naman binuksan ng dalaga ang pinto at pagkabukas ay agad syang nagmanop at niyakap ang kanyang nanay

"" Abbaahh anak mukhang masayang masaya ka ah?? tanung ng kanyang nanay

"" OKay lang po ako nay medyo masarap lang po ang tulog ko , kaya maganda din ang gisng"" nakangiting sagot ng dalaga

"" Sana lagi kang ganyan namimiss ko na yung Nicole na lage nakangiti malambing at puno ng pag asa"" maluhaluhang sabi ng kanyang nanay\

"" wag po kayong mag alala nay simula ngayon babalik na si Nicole na masayahin malambing at puno ng pag asa , promise "" sabay taas ng kanan kamay ng dalawa 

At agad nagyakap ang mag nanay ng buong higpit, sabay may nagsalita sa likuran nila

"" ehem ehem ehem ! anung meron dito "" tanung ng kanyang tatay

"' halika tay dito at yakapin nyo po ako pati si nanay "" yaya ni Gwen /Nicole sa tatay nito at agad naman yumakap sa dalwa

Matapos ang masasayangh tagpong iyon at nakakain ng nang umagahan naisipan ng dalaga na lumabas ng bahay at maglakad lakad 

"" ang laki na pala ng pinagbago ng bayang ito simula nung umalis ako "" nasabi nya sa kanyang sarili

Naupo sya sa bakanteng upuan sa park na malapit sa plaza at sa bahay nila , at muling binuklat ang black diary na dala dala nya

""""" Masasabi kong sya na ang huli kong mamahalin , hanggat may hininga ako ,hanggat tumitibok ang puso ko at higit sa lahat hanggat may pagmamahal akong nararamdaman pangalan mo lang Nicole Alvarez ang ipagsisigawan ko at ng puso ko""""""'

Habang abala sya sa pagbabasa bglang may tumapik sa balikat nya ,

"" Uy friend ikaw ha , hindi ka man lang nagpsabi umuwi ka pala dito "" boses ng babae mula sa kanyang likuran

Nilingon naman agad ng dalaga ang babae sa kanyang likuran 

"" Parang nakita na kita ah , teka san nga ba kita nakita ???/ AAhh alam ko na sa hotel kung san kami nag check in ni Sir Vince

"" OO ako nga yun , Ako so sarah hindi mo ba ako naaalala? tanung ng kanyang kausap

"" Hindi talaga eh pasensya ,nagkaamnesia kasi ako """" sagot ni Gwen/Nicole 

"" Ganun ba friend , don't worry ako ang best friend mo nuon at dahil dyan tutulungan kita maalala ang lahat ng nakaraan mo agree ka ba dyan grl?? makulit na tanung ni sarah

isang simpleng ngiti lang ang isinagot ni Gwen/Nicole kay sarah.................................................

Dito sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon