Chapter 2: Love will Remain

301 7 5
                                    

Habang nageemote sya biglang may tumapik sa balikat nya 

"Sis halika na at baka mahuli pa tayo sa interview natin sayang naman' wika ng kanyang bestfrnd na c Sarah

Nag aaply kasi silang dalawa bilang mga pastry staff sa Hote Palmas Tierro isang kilalang kilalang hotel sa manila .Hotel restaurant Management ang natapos ni Nicole Alvarez KAya naman aga syang natanggap sa inaaplayang trabaho

Lumipas ang limang buwan matagal tagal na din syang hindi nakakuwe sa kanilang probinsya pra mabisita man lang ang mga magulang ng dalaga simula kasi ng magkatrabaho puro tawag na lang ang ginagawa nya sa mga magulang nya . Kaya naman naisipan nyang isuprise ang pagbisita 

" Suprise Mah at Pah" At agad yumakap ang dalaga sa nanay at tatay nya na nagulat sa pagdating nya 

"KUmusta naman ang trabaho mo anak " tanong ng tatay nya

" So far okay naman Pah ' sagot ni Nicole

"anak lage ka mag iingat ha marami kasi ngayong masasamang loob" dugtong ng nanay nya 

" wag po kayong mag alala nay tay malaki na po ako kayang kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko buong pagmamalaking sabi ng dalaga. Nang bigla syang may maalala kaya naman agad sya dumiretso sa kwarto nya upang tignan muli ang ginawang sketch nya sa lalaking tumulong sa kanya habang tinitignan nya ang sketch bigla nya nasabi na naman sa sarili nya 

" Matagal tagal na din kita hinahanap pero hanggang ngaun wala pa din akong clue kung sino ka ba talaga. Habang nakahiga sya at tinitignan ang sketch hindi namalayan ni Nicole na nakatulog sya ' Nang biglang may isang malakas na sigaw syang narinig mula sa sala ng kanilang bahay

" anak takbo pinasok tayo ng mga magnanakaw magiingat ka" sigaw ng kanyang tatay

Kaya agad syang bumaba at sa pagbaba nya sa sala nakita nyang nakatali na ang mga magulang nito at puro dugo at mula sa likuran nya ay may lumabas na lalaking nakabonet at agad syang sinuntok sa sikmura. Sa pagkakasuntok na yun halos mawalan sya ng malay pero maliwanag pa din sa isipan nya ang mga nangyayari.At sa pagmulat ng kanyang mata nakita nya ang isang lalaki na nakabonet hawak ang kanyang tatay at nakatutok sa leeg nito ang isang kutsilyo.

" Maaawa kayo sa amin kunin ninyo lahat wag niyo lang saktan kami " pagsusumamo ni Nicole sa mga kawatan"

At walang anu anoy biglang may malakas na pwersang tumama sa ulo ng masasamang loob isang flying ,double kick suntok sipa at dahil sa mga sipa at suntok agad nawalan ng malay ang mga magnanakaw, kitang kita lahat ni nicole ang nangyayari pero ang pinagtataka nya eh bakit hindi nya maaninag ang mukha ng estrangherong lalaki at agad kinalagan ang tatay at anany nya sa pagkakatali at nang sya na ang lalapitan ng lalaki lalong hindi nya maaninang ang mukha nito habang lumalapit sa kanya nang biglang mag ring ang celpon nya.

Kring Kring Kring at dahil sa tunog ng kanyang celpon ay nagising sya at agad nya naisip panaginip lang pala ang lahat at agad sinagot nya ang celpon

" Sino ba toh ??? tanung ng dalaga sa kabilang linya

" Si sarah toh anu ka ba nakalimutan mo na ba ako" sagot ng nasa kabilang linya

" eh kasi iba ang number na gamit mo "

" Nakitawag lang ako sa frnd ko wala kasi ako pangload "" pabirong sabi ni sarah

" Kumusta naman pagbisita mo sa mga magulang mo dugtong pa ng kanyang bestfriend

" okay naman masaya sila istorbo ka talaga kahit kailan natutulog ako at nananaginip bigla kang tumawag hayun naputol panaginip ko makikilala ko na sana si mysterious hero ko eh " pabirong wika ni Nicole

" Ganun ba! Okay sige balitaan mo na lang ako  pagbalik mo ng manila ha' pahabol ni sarah

at nang may marinig sya g tumatawag sa Nanay nya pala tinatawag na sya kumain 

" Anak halika na bumababa ka na dyan nakahanda na ang pgkain sa pananghalian' Anyaya ng kanyang nanay lourdes

At agad umababa ang dalaga para saluhan ang mga magulang nya sa pagkain. At nang makatapos na silang kumain naisipan ni Nicole na maglakad lakad. sa paglalakad nyang iyon nakaramdam sya ng pagod kaya naman naupo muna sya sa may plaza at walang anu anoy biglang may nagkakagulo may nagwalang lalaki na may hawak na baril . kaya nagpanic ang lahat ng tao sa plaza nagtakbuhan. At sa pagtakbo ni Nicole nadapa sya kaya naman naabutan sya ng nagwawalang lalaki nang aktong babarilin na sya biglang may sumulpot na lalaki at pilit na inaagaw ang baril dito, sa pagkakataon na ito alam nang dalaga na hindi sya nanaginip totoo lahat ng nangyayari sa harapan nya ngunit hindi pa din nya makita ang lalaking tumutulong sa kanya kasi nakatalikod ito habang nakikipagbuno sa lalaking nagwawala. At nang maagawa ang baril ng lalaking ngpupuyos agad itong umalis .at ang lalaking estrangherong ay unti unti lumapit sa kanya at laking gulat nya ng makilala nya kung sino ang tumulong sa kanya walang iba kundi ang unang minahal at unang pagkabigo nya at ang taong nanakit ng sobra sa kanyang damdamin wlang iba kundi si Dave Fernandez

" DId you miss me sweetheart' pabirong wika ni Dave

" Anung miss ka dyan heto sayo sabay suntok ng malakas sa mukha ng lalaki 

" ARAY anu ka ba naman ganyan ka ba makamiss ng taong mahal mo! Angal ni Dave

Buti na lang napadaan ako dito sa plaza kung hindi baka kung anu na nangyari sayo kasi naman mgiingat ka lagei may bebe ko !!! dugtong pa ng binata 

'' bebe ka dyan !! ungas! noon bigla ka nawala ngayon bigla ka naman sumulpot san ka ba nagsusuot at hindi ka man lang nagpaalam oh tumatawag ' Asar na nasabi ng dalaga

"" AAHhhh namiss mo nga ako talaga hehehehe!!!! ako nawala hindi ah lets say nagpahinga lang nagrelax hehehe!!! pabirong sagot ng binata '

" PWES MAGPALIWANAG KA SA AKIN  galit na galit na sabi ng dalaga , pero bago yan tulungan mo muna ako makatayo dito ' dugtong pa ni Nicole

at agad naman binuhat ni Dave ang dalaga papunta sa malapit na ospital para mapatignan kung nabalian ba ng paa!!!

Dito sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon