CHAPTER 50 IM BACK FOR YOU

18 1 0
                                    

Reyly POV


A HALF YEAR'S LATER...


Habang naka titig ako sa orasan pilit na ipinaaalala nito na malapit na ang hantungan ng taong mahal ko.


Ang sakit lang isipin na yung taong akala mong hindi mawawala sayo ay malapit nang mag laho.


Yung taong hindi mo inaakalang mamatay ay may hangganan pala.


Sino bang mag aakala na ang taong hindi nasasaktan,hindi nag kakasakit at hindi tinatablan ng kahit na ano...ay may hangganan ang buhay.

Tumayo ako at pinunsan ang luha bago humarap kay Grey.

Ang lakas niya ay walang halaga dahil mamaya lang ay mawawala na siya.

Gusto kong umiyak,sumigaw at mag wala...pero maibabalik ba non ang buhay na malapit nang mawala.

Sana hindi ko na lang nalaman na hindi siya tinatablan ng kahit na anong bagay o kahit na anong sakit...sana hindi ko na lang nalaman na may ganoon siyang kakayahan para hindi ako umasa na hindi siya mawawala sa akin.

Masyado akong nakuntento naka limutan kong lahat nga pala ng bagay ay may hangganan tao pa kaya.

Niyakap ko ito ng mahigpit at para bang ayaw itong pakawalan dahil ilang sandali na lang ay mawawala na siya.


Don't be sad.

Hindi ko napigilang humikbi ng sabihin niya yan.



Namlalambot ako at nawawalan na nang lakas dahil sa nakikita kong oras.



How can I?Ilang sandali na lang ay iiwan mo na ko paano ko magagawang hindi malungkot!


Ang buhay ng tao ay parang oras mabilis lumipas at hindi nag tatagal at mas lalong hindi mo na maibabalik pa ito.


I dont know how it can be happened to you?I mean---

Shss.


Hindi ko na napigilan ang umiyak ....tanging ang aking pag iyak lang ang maririnig sa silid ni Grey.

Hawak nito ang isa kong kamay habang naka yakap ako sa kanya.

Hanggang nag tugma na ang mga kamay ng orasan sa oras.


3:00 am na natigil ako ng naramdaman ko ang pag bigat ng katawan ni Grey, bumitaw na rin ito sa pag kakahawak sa akin.

Grey!

Sigaw ko pero hindi na siya humihinga.

CRUEL DESTINYWhere stories live. Discover now