Chapter 2

956 37 2
                                    

Crystal's PoV

*Kinabukasan*

Pagkagising ko ay sakto namang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito…

"Hello?"

"Astria ito, mamayang Two o'clock tayo pa-medical ah para matapos na."

"Sige sige, saan ba tayo magpapa-medical?" Tanong ko habang nag-iinat.

"Yun lang diko alam" sabi niya sabay tawa. 

"O siya, try natin sa Clinic na malapit sa amin."

"Sige, mamaya ah 2pm!"

"Oo." Sagot at ibinaba na ang phone.

Pumunta kaagad ako sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay nagpunas na nang mukha't bumaba na.

Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa kusina. At sakto namang may nakahain nang almusal. Lumapit ako sa mesa at may papel na maliit na nakapatong sa plato na nakataob.

'Note.'

"Kumain ka na, hindi na kita ginising maaga kasi akong aaalis dahil marami akong aasikasuhin sa office." Si Mom.

Umupo na ako at sinimulan nang kumain. Nang matapos na akong kumain ay umupo muna ako sa sofa sa sala at nag-cellphone.

---

Twelve o'clock na kaya umakyat na ako sa kwarto ko at dumiretso na kaagad sa banyo para maligo.

Nang matapos na ay mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng kwarto tsaka lumabas at sinara ang pintuan at bumaba na.

Lumabas ako ng bahay para bumili ng aking tanghalian. Nagpunta ako sa isang tindahan sa kanto ng Street namin. Bumili ako ng isang order ng kanin at isang order din ng ulam.

Bumalik na ako sa bahay at nagtungo agad sa kitchen upang kumuha ng isang plato, isang tasa, spoon and fork. Tsaka pumunta sa dining table at umupo sa upuan tsaka sinimulang kumain.

.....

Tapos na akong kumain kaya nagsipilyo na ako at inayos ang buhok. At maya-maya pa ay may nag-doorbell kaya lumabas ako habang nagsusuklay.

Pagkabukas ko ay bumungad kagaad sa akin sina Astria na nakatayo at nagpapaypay ng dala nilang plastic envelope. Pinapasok ko sila dahil sobrang init sa labas.

Nang tapos na ako sa mga ginagawa ko ay lumabas na kami at ini-lock ko ang gate tsaka nagsimulang maglakad.

Ilang sandali pa ay nandito na kami sa gate ng clinic na malapit lang sa amin. May nakasabit sa gate kaya binasa ito ni Mal.

"Walang Clinic.?" Patanong na aniya at humarap sa amin. "Saan na tayo papa-medical eh wala raw clinic ngayon" sabi tsaka napakamot sa ulo.

Nag-doorbell si Bea para itanong kung kailan magbubukas ang clinic.

*Ding Dong*

May lumabas na babae at tinanong namin kung kailan magbubukas.

"Ay baka hindi na, kasi may sakit na rin si Mommy, matanda na rin kasi siya eh." sabi niya at um-Oo na lang kami tsaka nagpasalamat at isinara na ng babae ang gate.

Naglakad-lakad pa kami at naghanap pa ng ibang clinic. Tatlong clinic na ang pinuntahan namin pero mga sarado ito. Kaya bumalik kami sa bahay namin at nagpahinga sandali. PAGODA!

Ni-recommend ko sa kanila ang Doctor ko. Sinubukan din namin doon at sa wakas ay bukas ito. Pumasok kami at nagpalista. Naghintay lang ng sandali dahil ayon sa isang babae ay maya-maya pa darating ang Doctor.

Falling In Love With My BestFriendWhere stories live. Discover now