Chapter 1

1.4K 52 11
                                    

Crystal's PoV

Nasa ground floor na kami ng lalaking tumulong sa akin at sakto ko namang nakitang pabalik sina Astria kaya nagpaalam na ako sa lalaki't nagpasalamat.

"Teh, saan ka ba nagpupupunta?" Tanong ni Astria habang inaayos ang pa buhok.

"Na-stranded kasi ako sa taas."
"Osige, tara na" yaya niya at naglakad na kami palabas ng eskwelahan.

---

Nang makalabas na kami ng school ay nagpunta muna kami ng 7/11 upang bumili ng maiinom. Nakakauhaw kasi at sakto namang tirik ang araw nang pagkabirit birit.

Nakita ko sina Bea at Nikz na nagbubulungan at panay ang tingin sa mga lalaking nakaupo malapit sa mga ice cream. Kaya lumapit kami Astria sa kanila.

"Hay nako, nagpunta ba kayo dito para maghanap ng pogi?!" Malakas na saad ni Astria sa dalawa sabay tingin sa grupo ng kalalakihan.

"Hoy! Hoy! Hoy!" Sabi ni Nikz at tinuturo-turo pa ang mukha ni Astria.
"Anong pogi?" Sabi ni Bea at akmang lalapit pa sa mga lalaki.
"Tara na, wala dito hinahanap ko" sabi ni Rose kaya lumabas na kami ng seven eleven.

Naghanap pa kami ng iba pang seven Eleven at tatlo na ang napuntahan namin pero wala pa rin kaming nabibili.

"Bili tayo ice cream Bea,"  sabi ni Nikz at nakaturo pa ang isang daliri sa ice cream.
"Ayoko wala na akong money" pagtanggi ni Bea kaya ako naman ang inayang bumili ni Nikz ng ice cream pero tumanggi rin ako kahit gusto ko. Kasi pagkatapos kong kumain non tubig din ang hahanapin ko...

Naglakad kami at tumawid sa Highway na malapit sa isang Mall. At dun sa kanto ay may Seven Eleven uli kaya pumasok kami doon. Sa wakas nakabili na rin si Rose nang hinahanap-hanap niya na…Delight!

Nang makabili na ay naglakad muli kami papunta sa sakayan ng jeep. Mainit-init kaya huminto kami at bumili ng palamig. Wha~

---

Pumara na si Nikz at sumakay ng jeep. Nang mapuno na ng pasahero ang sinasakyan naming jeep ay sinimulan na ng driver na paandarin ito.

Nagtanong ako kung kailan kami magpapamedical sa Clinic, wala kasing Doctor ngayon sa St. Villa De Amor. Badtrip, pababalikin pa kami.

Ilang minuto pa ay nandito na kami sa Street nila Nikz. Napag-usapan kasi na dito muna kami sa kanila. Tsaka ayoko munang umuwi baka wala rin namang tao dun sa amin.

"Nagugutom na ako, pengeng pagkain!" Saad ni Astria sa amin, hindi daw kasi siya kumain ng almusal, nag kape lang daw siya kaninang umaga. "Sana naman may pagkain sa inyo Nikz!" Dagdag pa niya at hinihimas-himas pa ang kaniyang tiyan tsaka kumapit sa braso ni Bea.

"Baka naman puro Tikoy lang ipakain mo sa amin niyan teh?!" Pang-aasar ko kay Nikz kaya lumapit siya sa amin at hinampas ako sa balikat nang paglakas-lakas. Hmm...
"Hoy ayoko ng Tikoy ah, allergic ako don. Haha!" Pang-aasar din ni Bea kaya tumingin na lang sa amin si Nikz ng masama.

Tikoy, dahil half Chinese siya. Ang Papa niya ay Purong Pilipino at ang Mama naman ni Nikz ay Pure blood of Tikoy este Chinese.
'Peace'

Nagtawanan na lang kami dahil sa itsura ni Nikz na mukhang daot na daot. Hahaha!!

"Nakakaputi naman yon Bea, kaya kumain ka! Hahaha!!"
Singit ni Rose at panay ang tawa dahil sa sinabi niya mismo. May papalo-palo rin sa binti niya. Ang saya. Amp!

"Coming from you talaga ha?! Akala mo kaputian eh." Saad ni Bea at umiirap-irap pa.

---

Pumasok na kami at naupo sa sofa nila Nikz. Nakapagpahinga rin sa wakas. At maya-maya pa ay pinakain kami ng Mama ni Nikz na si Tita Yzabhelle. Century Tuna at Noodles.

Nanood din muna kami ng mga videos. More on Kpop. Hehe. Nag-stay pa muna kami nang ilan pang minuto sa kanila at maya-maya pa nagpaalam na't umuwi na rin.

Buti naman nabusog ako. Kaso baka pagalitan naman ako ni Mama dahil magse-seven na rin nang gabi.

***

A/N: Annyeong! Salamat ng super sa mga nagbasa. Please support me and don't forget to VOTE!! I hope nagustuhan niyo. Love y'all❤ mwah!

© MinAvie2

Falling In Love With My BestFriendWhere stories live. Discover now