Chapter 3

996 40 13
                                    

Crystal's PoV

Pagkagising ko ay nag-ayos kaagad ako at bumaba. Gusto ko kasing makita si Kuya Jin! Na-miss ko rin siya kahit papaano.

Naalala ko ngayon pala punta namin sa Mall para bumili ng mga gamit para sa school. Uwu~ malapit na pasukan hindi pa ako ready para sa Introduce yourself. Aish! Jusko yan na naman! Tsaka sana maging magkakaklase kami nila Mal, Bea, at Nikz si Astria kasi Humss ang kinuhang strand, eh kaming tatlo nila Mal ay ABM. Kaso mukhang imposible rin dahil medyo matalino sina Mal at Nikz.

Nasa baba na ako at nakita ko agad si Kuya na may dalang paper bag.

"Let's eat" yaya niya kaya mabilis akong umupo sa tabi niya. "Ano nga pa lang kinuha mong strand sa Senior High School?" Tanong niya kaya itinigil ko sandali ang pagkain.

"ABM" seryosong sagot ko.

"Ano meaning nun?" Tanong niya.

"A-ng B-abaeng M-aganda" madiin na sagot ko sa kaniya.

"Dapat pala hindi yan kinuha mo" siya.

"At bakit? Ha?!"

"Wala wala, kumain ka na nga diyan!" Sabi niya at tumawa.

"Accounting, Business and Management ang meaning nun haha!" Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Tapos na akong kumain kaya pumunta muna ako sa sala at naupo sa malambot namin na sofa.

"Crystal anong oras pala kayo pupunta sa Mall diba bibili kayo school supplies?" Tanong at umupo sa tabi ko.

"Hindi ko pa alam, wait tanong ko lang sa Squad" sagot ko at kinuha ang phone na nakapatong sa mesa sa salas namin.

"Mga ateng ano oras tayo bili ng mga gamit para sa school?"

"After lunch bhe" Mal.

Sinabi ko yon kay Kuya at umakyat na ako at dumiretso sa kwarto ko.

Isang linggo na lang at pasukan na namin. Medyo kinakabahan ako kasi panibagong mukha at panibagong tao na naman ang pakikisamahan ko. Sana unang araw pa lang ay magkaroon agad ako ng friends. Friends na tulad nila Astria.

Kapag naaalala ko ung dating kami, ung pupunta sila Mal at Adelyn dito sa bahay at tatambay kami sa rooftop tapos kakain at magku-kwentuhan at hindi pa namin tropa si Nikz non, si Bea pa lang pero hindi pa namin siya masyadong nakakasama non dahil madalas busy siya sa tindahan nila. At si Adelyn hindi na namin siya nakakasama ngayon dahil nasa Quezon Province siya at siguro doon na rin siya mag-aaral.

Grade eight pa lang kami nila Astria at Bea ay magkakaklase na kami, sa section three. Nung mag grade nine, magkakaklase uli kaming tatlo, section three uli at dun namin nakilala si Mal  at nitong grade ten magkakaiba na kami ng section. Ako at si Bea ay nasa section three pa rin at dun namin naging kaibigan si Nikz. Si Nikz kasi galing sa section one simula nung grade seven siya. At ang naging section naman ni Astria ay four at si Mal naman ay napunta sa section six.

Mabilis akong naligo dahil pupunta pa kami ng Mall para bumili ng mga gamit na gagamitin para sa school. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Bumaba na rin ako at umupo sa hagdanan at nag-cellphone para i-message sila Astria.

"Saan na kayo?"

"Nakila Mal pa bhe, hinihintay pa namin. Wait lang ah" Bea.

At ilang sandali pa ay may nag-doorbell kaya lumapit ako sa gate at binuksan ito. Agad na bumungad sa akin si Astria na nag-ce-cellphone. Kaya pinapasok ko sila at tinawag ko si Kuya sa kusina at sabi niya hintay lang ng saglit dahil hinihintay pa niya kaibigan niya.

Falling In Love With My BestFriendWhere stories live. Discover now