Prologue

2.6K 80 4
                                    

"Crystal, tara na" Yaya sa akin ni Astria. Pupunta kasi kami ngayon sa St. Villa De Amor para mag-pasa ng mga to follow namin na requirements. Incoming grade 11 students na kami.

Sumakay na kami ng jeep nila Astria kasama ang iba pa naming kaibigan na sina Bea Ann, Rose at Nikki. Habang nasa loob kami ng jeep ay hindi maiwasang mapag-usapan kung anong klaseng paaralan ba ang aming papasukan.

Bumaba na kami ng jeep at natanaw kaagad namin ang school. Maraming estudyante sa labas, siguro break time na nila. Pumasok na kami at nagtungo sa office kung saan maaaring ipasa ang mga requirements.

Pagkatapos ay nagyaya silang libutin sandali ang paaralang ito para kahit papaano'y malaman namin kahit kaunti ang mga pasikot-sikot dito.

Sinimulan namin sa gawing kanan kung saan matatagpuan ang cafeteria ng school. At sandali pa'y umakyat na kami. Puro airconditioned ang mga room dito.

"Taray naka-aircon pala dito" pagsisimula ni Astria "mukhang puputi na si Bea ah" dagdag pa niya sabay tawa, kaya natawa na rin kaming lahat. Haha!! Hindi kasi ganun kaputi si Bea, morena ba.

"Baka gusto mong ikaw paputiin ko?!" Saad ni Bea. At nagtawanan na lang kami.

Habang naglalakad kami ay natanaw ko ang mga nagkukumpulang estudyante malapit sa hagdanan, tinitignan nila ang bulletin board. Nang malapit na kami sa mga estudyante ay kumapit ako sa braso ni Nikz (Nikki) upang hindi kami magkahiwalay at ganun din si Rose kay Astria. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa braso ni Nikz dahil sa nagtakbuhang mga estudyante. Nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako sa sahig. Nahilo ako. Nang imulat ko ang mata ko ay may isang kamay sa harap ng mukha ko, tumingala ako upang makita kung sino ito. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil may ilaw sa taas niya. Humawak ako sa kamay niya upang makatayo.

"Ayos ka lang Miss?" Tanong nito.
"Ah... Oo ayos lang. Salamat." sagot ko habang tinatanaw kung nasaan na sila Astria. Hindi ko na sila makita. Pagtingin ko sa lalaki, nakatingin siya kung saan ako nakatingin.
"Hinahanap mo mga kasama mo?" Siya.
"O-Oo"
"Halika samahan na kitang hanapin sila, baka hindi kayo magkakitaan." Sabi niya. Hindi na ako nakasagot pa dahil hinila na niya ako palayo sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

***

A/N: Annyeong! Ayos lang ba? I hope nagustuhan niyo. I'm just a beginner kaya wag kayong ano! Haha... Thank you sa pagbabasa. Support lang at Please VOTE!!

© MinAvie2

Falling In Love With My BestFriendWhere stories live. Discover now