CHAPTER 1: The Beginning
Prince, meaning to say ROYAL BLOODED PERSON. Life is full of RULES that need to be followed, full of limitation. Also their lovelife is based on what the KING's Decision.
In short, Not easy to be paired to someone...*KRING! KRING! KRING!*
Pag-alarm ng orasan ko sa ganap na 6:30 ng umaga, na sinabayan naman ng TALAK ng butihin kong Ina
Mama:"AIDEN CLENT TRINIDAD!!! BUMANGON KA NA AT BAKA MAHULI KA PA SA KLASE MO" sigaw ni Mama sakin...
Aiden:"Opo, Babangon na po" sabi ko sabay patay sa Alarm clock na kanina pa tumutunog na nakakarindi na...
Siya nga pala ang MASIPAG at BUTIHIN kong Ina, si Zennaida Trinidad. Kaming dalawa lang dito ni Mama sa Simple at Desente naming tahanan. Dahil si Papa ay nagtatrabaho bilang isang Royal Guard sa isang malaking palasyo.
At ang pangalan naman ng aking Papa ay Rio Trinidad. Bata pa lang ako nagtatrabaho na siya bilang isang Royal Guard sa isang malaking palasyo. Kaya madalang lang kaming magkasama...
By the way, ako nga pala si Aiden Clent Trinidad. Nag-iisang anak sa kadahilanang masyadong busy ang taga-gawa ng Bata sa kanyang trabaho. I'll admit that I wanted to have a kapatid you know. Hindi naman ako SPOIL 'di katulad ng ibang Only Child dyan sa tabi-tabi. MY GOD! ni sarili ko ngang pangangailangan sa School pahirapan pa ehh! Pano pa kaya kung para sa 'kin, Haaaayyysssttt!!... Aayyytt! Sorry nakalimutan kong sabihin kung ilang taon na ako hehe!. Actually I'm 18 years old and currently studying at University of St. John Hebrew, at First Year College pa lang ako, hehehe!
Bumangon na ako mula sa pagkakahilata ko sa Kama at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para mag-almusal...
Mama:"Buti naman at bumangon ka na, kala ko papaakyatin mo pa ako para kaladkarin ka pababa eh!" pang-aasar sa 'kin ni Mama...
Aiden:"Ma naman! Tayong dalawa na nga lang nandito sa bahay ganyan ka pa..." sabi ko...
Mama:"Hahaha!!! Eto naman 'di mabiro... Hahaha!!!. Sige na! umupo ka na diyan at kumain" sabi sakin ng butihin kong ina...
Aiden:" Thanks! Ma" pagpapasalamat ko sa Mama ko... hehe! Kahit ganyan yan mahal ko yan... hahaha!
Mama:"Asus! Ohh, sya sige na! Bilisan mo na dyan at baka mahuli ka pa sa klase mo" sabi nya sakin...
Wahahahaha!, nakalimutan kong sabihin, palabiro din 'tong "BUTIHIN KONG INA", hahahaha!
Nagpaalam na ako kay Mama bago umalis para pumasok. Tapos na ako mag-almusal eh! Alangan namang tumunganga pa ako dun edi na bungangaan pa ako, joke! Haha!... papasok na akong school sakay ng service ko...
Aiden:"Hello Kuya Ger. Musta na?" pagbati ko sa kanya pagkapasok ko ng sasakyan.
Kuya Ger:"Oks! lang ako Boss" sagot nya sa 'kin...
Aiden:"Kuya Ger! 'wag nyo na akong tawaging Boss o kung anuman. Aiden na lang" pagkontra ko sa kanya...
Kuya Ger:" Okay! AIDEN sabi mo eh!, hahaha!" sabi nya sa 'kin na may kasamang pang-aasar...
Aiden:"(Haaaayyysssttt!!! Isa pa 'toh!)" sa isip-isip ko...
By the way, sya nga pala si Kuya Ger personal driver ko, isa ring palabiro katulad ni Mama Zen. Hindi talaga mawawalan ng JOKER sa paligid ko...
YOU ARE READING
My Prince
RandomThe Royal Blooded Person or what we called PRINCE, Loves a person with a same sex. But nowadays, they say "Love has no Gender".