Bea Martinez

4 1 0
                                    

Chapter 5

Bambi's POV

Bahagya akong napaigtad sa sinabi ni Mrs. Martinez. Can it be.... But I doubt it. Daddy is very loyal on our family. And he loves mommy. Hindi kaya may kapatid si daddy? Nako Bambi kung ano ano ang pinag iiisip mo! Bakit hindi mo nalang tanungin si Mrs. Martinez para hindi ka naloloka dyan?!

"Y-your brother in law. Sino po siya?" tanung ko.

"Mr. Benjamin Castue- Ow! Kaapelyido mo pala siya."

Hindi ko alam kung paano siya naging teacher sa pagiging slow niya. Tss!

"Are you joking me Mrs. Martinez? Are you aware that Mr. Benjamin Castuera is my ....



father?" sabi ko. Mabait ako, oo. Hindi ako masyadong palaban kagaya ng iba. Pero kapag pamilya ko na ang nasasangkot, ibang usapan na yun.

Nakita Kong natigilan siya sa sinabi ko.

"Really? That's good, hindi na ko mahihirapang ipaalam sa pamilya niyo na may anak din ang daddy mo. At yun ay ang aking pamangkin na si Bea Martinez" sabi niya

Narinig Kong nagbubulung bulungan na ang mga tao sa paligid ko. "Dapat ba talaga nating pag usapan to dito?" sabi ko.

"Sino ba ang nagsimula?" sabi niya.

Marahas na hinatak ko siya palabas at Basta ko nalang siyang binitawan dahilan para muntik na siyang makipag face to face sa sahig.

"You!" akmang sasampalin niya sana ako ng bigla akong magsalita.

"Don't.You.Dare.Touch.Me!" sabi ko.

"Ano pa bang gusto mong malaman?" sabi niya

"Kilala ko yung Bea na tinutukoy mo. Alam niya ba to? Kamukha ko siya. No doubt about that but that's not enough to believe you."

"No. Hindi niya alam pero sasabihin ko rin sakanya" sabi niya."Then do a DNA Test" dagdag pa niya.

"You really want to ruin our family, huh?!" asik ko.

"Hindi lang ikaw ang dapat na nasa kinalalagyan mo. Dapat maranasan rin ng pamangkin ko ang nararanasan mo! Anak rin siya ng kaisa isang tagapagmana ng mga Castuera!"

"Pinlano mo siguro to no?"

"Actually no, but I hit the jackpot!" buong pagmamalaki niyang sabi.

Ayoko ng marinig ang mga sasabihin niya! Dali dali akong umalis sa harapan niya at pumasok sa room at kinuha ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nagmamadali akong naglakad sa hallway. Napatigil ako nang may makasalubong akong isang babae.

Bea Martinez

"Oh! Hi there.. Bitch!" sabi niya.

Halos mawalan ng dugo ang nakakuyom Kong kamay sa sinabi niya. Hindi pa ba sapat ang mga narinig ko sa Tita mo! Ugh!

"S-sorry but I have to go" sabi ko. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinatak.

"Kapag kinakausap ka, wag ka nalang basta umaalis" singhal niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lamang siyang iminuwestra sa pader sa likod niya."I said I have to go!"sigaw ko.

Binitawan ko siya pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Pumunta ako sa likod ng school. Ayoko munang pumasok. Gusto ko munang mapag isa. Hindi ko na napigilan at bigla na lang akong napaiyak.

"Kahit umiiyak ka, hindi parin nawawala ang kakyutan mo" sabi ni-

Napatigil ako sa pag iyak at hinanap ang nagsalita. Hindi kaya may multo dito? Ano kaba Bambi! Problemado ka na nga nakukuha mo pang magbiro. Biglang sumulpot ang kinaiinisan kong lalaki dito sa university.

Teen Heart #1: First LoveWhere stories live. Discover now