Maynila

8 1 0
                                    

Chapter 1

Bambi's POV

"Mommy, 'wag na tayong lumipat, please?"sabi ko habang nakaharap kay mommy na nakangiting pinagmamasdan ako.

"Hindi pwede sweetheart. Kailangan ng lolo mo ang daddy mo sa kompanya" sabi nya. Pagkatapos ay lumapit saakin at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"Pero mommy, mamimiss ko po yung mga kaibigan ko dito."sabi ko habang nakapout.

"Sorry sweetheart pero kailangan talaga e. Kung hindi lang importante ay mananatili tayo dito. Di hamak na mas tahimik dito sa Bataan kaysa Maynila"paliwanag ni mommy.

Bahagyang tumango nalang ako kay mommy. Pagkatapos ay niyakap niya ko.

"Don't worry sweetheart, tiyak na magiging masaya ka sa Maynila. Ayaw mo bang magkaroon ng mga kaibigan?" sabi ni mommy.

"Syempre po gusto. Naghihinayang lang po ako dito kasi dito na ako lumaki pagkatapos ay lilisanin natin" sabi ko kay mommy na ikinatawa niya.

"Alam mo anak, may mga bagay na kailangan nating iwan kahit na hindi natin gusto"sambit ni mommy ng makahulugan.

Napakunot ang noo ko. "Anong ibig sabihin nun mommy?"sabi ko ng may pagtataka sa boses ko.

"Ang ibig sa-

Hindi na natuloy ni mommy ang sasabihin niya ng dumating si daddy.

"Love, bakit hindi pa kayo nag iimpake?"sabi ni daddy dahilan para magtaka kami ni mommy.

"Ha? E diba sa April pa ang alis natin?" sambit ni mommy

"E kasi love, emergency saw sabi ni dad"sabi ni daddy

"E kailan po ang alis natin?"sabi ko naman.

"Mamayang madaling araw."sabi ni daddy.

Bumadha ang pagkagulat saakin pati kay mommy. " WHAAAT?!!!"sabay naming sigaw ni mommy

Pano ba naman. Kagabi pa lang namin nalaman na aalis kami at lilipat sa Maynila tapos ngayon, mamayang madaling araw na ang alis namin.

"Pero dad? August pa lang po ngayon. Paano po yung pag aaral ko?" sabi ko.

"Pwede ka namang magtransfer sa Maynila anak. At isa pa, kapag hindi tayo nagpunta doon ay baka magtampo ang lolo't lola mo" sabi ni daddy

"E sila lola Linda po pa'no po sila?"sabi ki

"Ayos lang kami dito apo. Tiyak kong nais kang makapiling ng Lolo Brando, at Lola Geraldine  mo kaya gusto ka nilang makasama sa lalong madaling panahon. 14 years ka nilang hindi nakita. Natural lang na masabik sila sayo."paliwanag ni Lola Linda

"Ayaw mo bang makilala mo ang Lola at Lolo mo sa Maynila ija?" sabi ni lolo Alfredo.

"Gusto po. Kaya lang, sino pong makakasama niyo dito? Wala na pong tutulong kay Lola Linda kapag maglilinis siya ng bahay. Wala na rin pong magpapaalala kay Lolo Alfredo kung nasaan ang salamin niya kapag nakalimutan niya po kung saan niya inilagay"sabi ko.

"Huwag mo na kaming alalahanin apo. Kukuha naman kami ng makakatulong namin dito sa bahay." Sabi ni lolo.

"Itong apo ko talaga, napakabait. Ang swerte ko naman. Hindi pumalya ang mommy at daddy mo sa pagpapalaki  sayo"sabi ni lola

"Sweetheart? Gusto mo bang maiwan dito sa Lola Linda at Lolo Alfredo mo?"sabi ni daddy.

Napatigil ako sa sinabi ni daddy. Ayokong umalis sila daddy ng sila lang. Gusto ko kasama ako. At isa pa, gusto kong makilala sila Lolo Brando at Lola Geraldine.

"Sasama na po ako daddy"sabi ko

Napangiti sila daddy,mommy,lolo at lola.

"Amm mommy,daddy?"tawag ko sakanila.

" Bakit sweetheart?"tanong ni mommy

"Pwede po ba akong pumunta sa bahay ng kaibigan ko? Gusto ko lang po magpaalam sa kanila bago tayo umalis."pagpapaalam ko sakanila

" Of course ija. Basta ba umuwi ka kaagad pagkatapos e"sabi ni daddy

"Thank you po daddy"sabi ko sabay yakap sa kanila.

"Bambs please? 'Wag ka na kasing umalis"sabi ni Rina. Ang bestfriend kong palaban. Lagi akong pinagtatanggol sa mga bully sa school.

"Sorry Rina, kailangan kasi e. Kahit ako, hindi ko rin gusto pero nais ko rin kasing makilala ang lolo at lola ko sa Maynila"paliwanag ko

"Ang daya naman e. Hindi ako handa. Sabi mo saakin kagabi sa chat sa April pa ang alis mo. Tapos ngayon, biglang mamayang madaling araw na ang alis mo"sabi ni Rina

"Emergency raw kasi sabi ni daddy" sabi ko

"Basta pag nandun kana. I-chat mo parin ako a. 'Wag mo kong kakalimutan." sabi niya

"Syempre naman. Ikaw kaya ang bestfriend ko." Sabi ko sabay yakap sakanya ng mahigpit . Narinig kong sumisinghot singhot na siya. Ang palaban kong best friend heto't nagiging emosyonal.

"Uy! Ano kaba? 'Wag ka ngang umiyak. Pati tuloy ako naiiyak na rin" sabi ko. Maya maya ay napahikbi na rin ako at pumalahaw ng iyak.

"OA kana Bambs"sabi ni Rina

"Mamimiss kita!"sabi ko

" Mamimiss rin kita!" sabi ni Rina.

Napuno ng palahaw ng iyak ang kwarto ni Rina. Maya maya ay nagpaalam na ako kay Rina. Ayaw pa nga akong paalisin kaya sinabihan ko siya na sumama kila Lola Linda at Lolo Alfredo na ihatid kami mamayang madaling araw.

"Sigurado ka na ba Bambs?"sabi ni Rina

" Oo nga"sabi ko

"Hindi na ba magbabago yung isip mo?"sabi ni Rina

"Hindi na"sabi ko. Natawa ako ng nagpout siya.

"Iiwan mo na nga ko tapos tinatawanan mo pa ko"sabi ni Rina na malapit ng umiyak

" Mamimiss kita Rina. 'Wag kang mangangagat ng kaklase nating bully kapag inasar ka ha? 'Wag ka na rin mambalibag ng  manliligaw mo kapag sinubukan ka nilang halikan, okay?" Biro ko para mapigilan ko ang pa iyak namin pareho.

"Nakukuha mo pa talaga magbiro." Sabi niya pagkatapos ay umiyak. Kaya hindi ko na rin napigilang umiyak.

"Mamimiss kita Rina"sabi ko

"Ako rin Bambs. Lagi mo kong ichachat ha? Wag mo kong kakalimutan ha?"sabi niya

"Promise, gusto mo i-video chat pa kita e"sabi ko

"Bambs matuto ka ng ipagtanggol ang sarili mo. Ngayon pa na aalis na kayo. Hindi na kita mapagtatanggol dun" sabi ni Rina

"Opo"sabi ko

"I promise mo muna"sabi ni Rina

Ito talagang kaibigan ko. Ayaw na naaapi ako." Promise!" sabay taas ng kanang kamay ko.

Bahagya kaming napalingon ng may biglang tumikhim.

"Amm sweetheart, alis na tayo" sabi ni daddy.

Niyakap ko si Rina at nagpaalam. Pagkatapos ay lumapit ako kay Lola Linda at Lolo Alfredo at yumakap sakanila at nagpaalam. Pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse. Pagpasok ko ay pinabukas ko kay daddy ang bintana sa backseat ng kotse at nagpaalam ulit kay Rina, lolo at lola. Maya maya pa ay pinaandar na ni daddy ang kotse. Dahilan para mapatingin ako sa tatahakin naming daan patungo sa Maynila. Ano kaya ang buhay ang meron sa Maynila? Sana'y tama ang desisyon ko na sumama sa Maynila.

Teen Heart #1: First LoveWhere stories live. Discover now