Finally... Okay na!

2 1 0
                                    

Chapter 6

Bambi's POV

Maaga akong nagising ngayon. Natatakot ako na baka paggising ko, sira na ang pamilya ko.

*Knock **Knock*

"Pasok po"nakadapang sabi ko dahilan para hindi ko malaman kung sino ang nagbukas ng pinto.

"Can we talk, Bambi?"

Bahagya akong napabangon at tumingin kay mommy na namumugto pa ang mga mata.

"M-mom" pabulong na sabi ko

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" sabi no mommy

"Hindi ko po kasi alam kung anong gagawin ko that time. Tsaka mommy, amm kasi po hindi ko naman po alam kung ano ba ang istorya kung bakit nagkaanak sa iba si daddy. Natatakot po kasi ako na... na magkamali ako ng sasabihin sayo na imaging dahilan po ng paghihiwalay niyo ni daddy. Ayoko pong mangyari yun kaya po minabuti-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si mommy.

" Kaya mas minabuti mong magsinungaling saakin. E nak, pano naman ako? Hindi mo ba naisip na masasaktan ako? Kung hindi pa ko makikinig sa usapan niyo ng daddy mo, hindi ko pa malalaman! I can't believe na magagawa niyo sakin to ng daddy mo!"sabi niya pagkatapos ay umalis na.

Sa puntong yun, hindi maiwasang maisip na kasalanan ko. Kasalanan ko na nag aaway ngayon si daddy at mommy. Kasalanan ko kapag naghiwalay sila. Napaiyak na ako. Akala ko ba magiging masaya kami dito sa Maynila? Pero bakit ganito? Ayokong masira ang pamilya namin.

Dali dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto nila daddy. Walang tao. Hinanap ko sila kung  saan saan. Sa pool area, sa office ni dad, sa dining area, sa kitchen pero wala. Nahahapong napaupo ako sa isang bench malapit sa garden.

"It's my fault" bulong ko sa sarili ko

"Ano pa bang dapat Kong gawin para maintindihan mo ko?"

Napatigil ako. Si daddy yun ahh. Sinilip ko ang kinaroroonan ng ingay at nagtago ako sa likod ng puno malapit sa kinaroroonan nila daddy.

"Wala! Wala kang dapat gawin! Alam mo benj?! Buong buhay ko hindi ako nagtago sayo ng sikreto! Buong buhay ko hindi ako nagsinungaling sayo! Pero hindi ko maintindihan.. Kulang pa ba lahat ng ginawa ko para sayo? Kulang pa ba lahat ng pinagdaanan natin? Benj ang sakit! Sobrang sakit na pati anak ko pinagtaksilan rin ako!" sabi ni mommy habang umiiyak.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Si mommy, sinisisi niya ko. Kasalanan ko naman talaga.

"Ciara! Matatanggap ko na ayaw mong pakinggan ang mga explanations ko. Pero ang pagsasalita ng ganyang mga bagay sa anak natin, hindi ko matatanggap. Sinubukan kong magpaliwanag sayo.. Pero ayaw mong makinig. Inuna mo yang pride mo. Ciara! May anak na tayo! Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nalaman niyang nagkakaganito tayo? Kapag nalaman niya na halos hiwalayan na ko ng mommy niya ng hindi nalalaman kung ano talaga ang totoo!" sabi ni daddy na umiiyak na rin.

"Bakit? Ano ba ang totoo? Na niloko mo ko? Na-

Hindi na pinatapos ni daddy si mommy. Pinatahimik niya si mommy sa pamamagitan ng paghalik. Maya maya ay naghiwalay din sila. Walang umiimik sa kanila. Hanggang sa pinutol ni daddy ang katahimikan.

"Makinig ka muna sakin please?" sabi ni daddy

Hindi nagsalita si mommy, bagkus ay tumango lang siya.

"I was a teen ager when I met Beatriz Martinez. I think I was 19 years old that time. She is my girlfriend... pero hindi siya nag iisa. Ilang beses niya na Kong nahuli na may kasamang ibang babae pero hindi parin niya ko hiniwalayan. Then one time, may nangyari samin. Pero pagkatapos nun, nakipaghiwalay na ko sakanya. After 3 weeks nakita ko siya ulit. Lumapit siya sakin na umiiyak. Sinabi niya sakin na buntis daw siya at ako ang ama. I'm not ready for being a father that time. Natakot rin ako na itakwil ni dad. Kaya imbis na panagutan, pinaalis ko siya at sinabihan ng masasakit na salita. Pero after 10 months ang balita ko ay namatay na daw siya. At ang akala ko ay kasama ang bata nung namatay siya. Kaya hindi na ko nag atubili pang sabihin sayo" sabi ni daddy.

"So... Amm hindi mo pa ko kilala nung.. Amm nung nagkakilala kayo?" guilty na sabi ni mommy

"Sabihin mo nga sakin. Nung nakinig ka ba sa usapan namin ni Bambi, tinapos mo ba?" tanung ni daddy

"No.." sabi ni mommy

"Kaya ganyan ang kinikilos mo" sabi ni daddy

"Y-your daughter... Anong plano mo sakanya?" sabi ni mommy

"Okay lang ba na.. Kunin ko siya?" sabi ni daddy

Bahagya akong napasinghap sa sinabi ni daddy. Ano ba dad?!! Okay na kayo ni mommy e! Sisir-

Napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano ng magsalita si mommy.

"Of course.. After all, she is your daughter. And in fact, the more the merrier "sabi ni mommy

"Thank you honey! Thank you for being understanding. I am so lucky that all of my exes, ikaw ang pinili ko para seryosohin." sabi ni dad

Napangiti ako. Thank you god! Dininig niyo po ang dasal ko.

Finally.. Okay na!

Teen Heart #1: First LoveWhere stories live. Discover now