Ikaw Ina (Special Part)

4 0 0
                                    

Ina napakadakila mo
Wala ka mang titulo
Sa buhay namin ikaw ay simbolo
Ang katapangan mo'y aming armas
Sa bawat daang puno ng dahas

Ngiti ang iyong sukli
Sa pagpawi sa aming mga luha
Maraming mga saksi
Ang labis na namangha
Sapagkat ikaw Ina ay katangi-tangi
Hindi ka kailan man itatanggi

Bagkus ikaw ay itatanghal
Kakarampot man na parangal
Aming ihahayag na ikaw ang nagbigay
Sa kaalamang aming gabay
Unang guro sa aming buhay
Salamat sa pagmamahal na walang lumbay


Note: Happy Mother's Day! 🤱🤰 Thank you for all the love and genuine sacrifices💕💕 Stay healthy to live a long life. We salute you and love you so much mother!😘😇

A Day of LifeWhere stories live. Discover now