Dahing Ko, Tugon Mo

2 0 0
                                    

Panahon kami'y sinusubok

Matinding init ng araw

Hagupis ng bagyo

Ulang patila-tila

Tag-init man o tag-ulan

Ganoon pa rin ang hirap


Ngunit bakit tila kami'y nakalimutan na

Ng lipunang mapagkait

Bagsak presyong palay

Dumadagontong na bayad ng bigas

Mga bilihing nagmahal


Pero teka hindi lang iyan

Hanapbuhay namin ay unti-unting nawawala

Mga makabagong imbensyon nailulunsad na

Ang aming pinagkakakitaan, pinapaliit pa


Ano na lang ang gagawin naming magsasaka?

Ang mga mamamayan sa amin umaasa

Kami ay dumadahing sa gobyerno

Tignan ninyo, pansinin ninyo, ang aming premyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Day of LifeWhere stories live. Discover now