CHAPTER ONE
THE DAY WE MET
Hot Reminder: This story is erotic romantic comedy. It is a feel good story about sex (ooops), love and friendship.
To avoid the story to be reported and become restricted, the author filtered all the censored and vulgar words. Please, read at your own risk.
Warning: It may contain seen not suitable for very young readers. Parental guidance is not highly recommended just read at your own risk and make sure no one is around.
Social media updates:
Note: Automatic pong mapapasama sa babatiin ko sa next published books ko under Precious Hearts Romances ang mag-follow sa akin sa Instragram at subsribe sa Youtube!
Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!
LYNDEL (POV)
Ako si Lyndel Santelos-Pineda. Ako ang unang babaeng minahal ni Aldrin B. Cortez. Kailan ko lang nalaman yun. Kailan lang siya nagtapat sa akin.
Siya ang boss ko sa pinakamalaking cosmetic company sa bansa ang C-Cosmetics. Matagumpay ang kanilang negosyo. Isa palang 23 year old na binata ang nasa likod ng patuloy na tagumpay ng kumpanya. Syempre pa pinasimulan iyon ng kanyang mga magulang pero napagtagumpayan niyang panatilihin at higitan pa ang success ng kanilang kumpanya.
Niligtas ko siya noong kolehiyo pa kami sa isang frat group na napagtrip-an siya. He's a nerd guy way back then. Naawa ako sa kanya noon. Likas din sa akin ang pagiging palaban kaya kahit kinakabahan ay nagawa kong takutin yung mga bully at puro hangin ang laman ng utak na mga lalaking iyon. I didn't expect na sa ginawa kong pagtulong na iyon ay ninais na niya akong makilala. Hinanap niya ako. Ako rin ang naging inspirasyon niya upang ayusin ang sarili. From that nerd guy na lampa ay naging man of every woman's dream na siya.
Pagkatapos ng matagal na panahon ay pinagtagpo kami. Naging boss ko nga siya sa dream job ko. Naging magkaibigan din kami. Hindi kasi siya mahirap pakisamahan. Napakabait. Siya yung lalaking papangarapin talaga ng isang babae. Mayaman. Gwapo. Hot. Pero hindi yung mga yun ang mamahalin mo sa kanya. He's very kind, gentleman at down-to-earth. Walang halong pagpapanggap ang lahat ng mabubuti niyang katangian. Pinalaki siya ng isang mabuti at matinong pamilya. Nag-iisang anak ngunit hindi spoiled brat. His life was perfect. Isang babaeng bagay din sa kanya nalang ang kulang.
Unfortunately, hindi ako ang babaeng iyon. I have my own love story. One hot love story in town. May iba na akong mahal. Mahal na mahal ko si Arwynn Pineda. Pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay kay Aldrin. Fortunately, naintindihan niya yon. Ganoon siya kabait at maunawain. Alam kong nasaktan siya sa ginawa kong pag-turn down sa pag-ibig niya. Gayunman ay alam ko ring masaya siya para sa akin.
Kaya ngayon ay wala akong ibang hinihiling para sa aking kaibigan na si Aldrin na sana ay makilala na niya ang babaeng tama para sa kanya. Yung babaeng super deserving sa pagmamahal ng isang tulad niya. Sana siya yung girl na super bait din, maganda. Basta yung magiging match made in heaven talaga sila.
This is not my story anymore. This is the story of my friend Aldrin Cortez and his journey on finding the right girl for him.
..........
BINABASA MO ANG
COLLISION OF VIRGINS
General FictionLove comes in the most unexpected way. Gaano nga ba ka-unexpected ang story na ito? Well, sabihin nalang natin na si girl gusto lang matutong makipag-sex kaya niya makikilala si guy. As in sex lang!!!! Hindi nga para magkaanak eh o magkanobyo. The...
