3. PLAN FOR REVENGE

6.1K 90 12
                                    

CHAPTER THREE

PLAN FOR REVENGE

Hot Reminder: This story is erotic romantic comedy. It is a feel good story about sex (ooops), love and friendship.

 

To avoid the story to be reported and become restricted, the author filtered all the censored and vulgar words. Please, read at your own risk.

Warning: It may contain seen not suitable for very young readers. Parental guidance is not highly recommended just read at your own risk and make sure no one is around.

ERAH ALERIE (POV)

Pinagmasdan ko ang lalaking nagsasalita sa ibabaw ng entablado. Si Bryan Allen Aguilar. Gwapo naman siya. May bigote at balbas na hindi kakapalan. Nakakadagdag angas sa kanya iyon pero halata rin sa kanyang pananalita at pagtindig ang nag-uumapaw na kayabangan.

We are the best in this business. Kami lang at wala ng iba. Sambit niya. Okay lang naman na ipagmayabang at itaas ang sariling bangko pagdating sa negosyo. Kaya nga lang ay iba ang paraan ng pagsasabi niya. Parang may pamemersonal. Hindi ko alam kung napapraning lang ako dahil galit ako sa kanya kaya ganito ang reaksyon at interpretasyon ko sa mga sinasabi niya.

Alam kong dapat na sa ama ko lang ako magalit. Ang ama ko lang naman ang nagkasala kay Nanay eh. Pero ng malaman ko na mas matanda pa sa akin ang lalaking ito ay nagalit ako na rin ako sa kanya. Nakabasa ako ng isang magazine featured siya. Twenty-five years old na siya. Mas matanda sa akin ng tatlong taon. Ibig sabihin ay may nauna ng babae ang aking ama kaysa sa aking ina. Masaklap pa ay may kapatid pa akong babae. Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Tulad ko ay twenty-two na rin.

Gusto ko pa ring alamin ng mag-isa ang lahat tungkol sa aking ina at sa hayop kong ama. Hindi biro na halos ipamigay ni Nanay ang katawan niya sa ibang lalaki para lang makalimutan ang hayop kong ama. Ipaghihiganti ko siya. Gaganti ako.

“Friend tara na. Nakita mo na di ba? Wala ka pang kalaban-laban ngayon. Luz Valdez ka lang kaya maging masaya ka nalang na makita sa personal ang kuya mers.” Si Ven. Inaaya na nila akong umalis.

“Tara na.” pagsang-ayon ko saka na kami tumalikod mula sa entablado.

Please welcome the president and CEO of the C-Cosmetics! Aldrin Cortez!

 

Aldrin Cortez. Mayamang pangalan. Gusto kong lingunin para makita ang mukha ng lalaking sunod na tinawag sa entablado. Kaso lang ay nagmamadali na kaming tatlo dahil male-late na ako sa workshop ko.

 

Good morning ladies and gentlemen. I’m glad to see everyone…

 

Nang marinig ko ang boses ng lalaking iyon na Aldrin Cortez kung tawagin ay tila nagpantig ang aking tainga. Pamilyar ang boses niya eh. Kusang huminto ang aking mga paa. Ewan ko ba pero parang eksena sa pelikula ko siyang nilingon. Slow motion. Parang ambagal ng ilang segundo iyon. Pagkakita ko ay siya nga. Si gwapo nga. Ngayon ay alam ko na ang pangalan niya. Aldrin Cortez. Hindi lang pala siya mukha at amoy mayaman. Mayaman talaga siya.

COLLISION OF VIRGINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon