Leonara"Hi Dad" bati ko kay Dad.
Magkausap kami ni Dad ngayon through FaceTime nasa Cebu pa kasi siya dahil sa business trip nila.
"Are you excited my princess?" nakangiting tanong niya.
Sixteenth birthday ko kasi ngayon at lahat ng friends ko pati yung ibang kamag-anak namin ang pupunta. At ngayon kasalukuyan akong inaayusan ng make up artist at stylist na ni-hire ni Dad.
Papunta na rin si Dad.
"Of course Dad!" nakangiti kong sagot.
*ting*
Frina
Gurl papunta na kami ni Gelly, nag-grab kami. Pabayaran nalang hihi labyu na
Seen 10:08am"Oh sino yan?" nagtatakang tanong ni Dad.
"Uhm, Dad mga friends ko po papunta na po sila"
Nagreply naman ako kay Frina.
Leonara
Okay see youu ;)
Sent 10:09 am"Hmm I see, nandyan na ba boyfriend mo?"tanong sakin ni Dad.
Napangiti ako.
"Papakilala ko po siya sa inyo pagkarating nyo"
"Aww my princess is a big girl now"
Natawa naman ako sa sinabi ni Dad.
"Dad naman"
Biglang may kumausap kay Dad at tila ba seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Uhm Dad what's happening?"nagtatakang tanong ko.
Lumungkot naman bigla ang mukha ni Dad.
" Gusto ko mang makausap ka pa ng mahaba-haba anak kaso ngayon na yung schedule ng flight ko"
"Sige po Dad, I love you"
"Dad loves you too Leonara, always remeber that" natouch naman ako sa sinabi niya.
Binaba niya naman ang tawag na ikinalungkot ko.
Pagkatapos akong ayusan ay bumaba ako para uminom ng tubig.

BINABASA MO ANG
Nara's Frozen Heart
Teen FictionLeonara Augustine Platerobo has a frozen heart. She let herself in the darkness where no one can see her cry. But what if someone came to shed a light in the darkness? Will her heart become warm? DATE STARTED: 05-13-19