Lance
Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay nalalapitan ko na siya.
"Ngiting-ngiti ah" mapang-asar na sabi ni Ryle.
"Tch. Tigilan mo nga ako at hanapin na natin si Fourth baka may nasulot na naman yong babae" iritadong sabi ko.
Gago din kasi itong si Ryle eh hilig sa tsismis kalalaking tao. Ang hilig pang mang-asar kaya ayan siya palagi ang nababatukan namin.
Hinanap namin si Fourth at ayon nga tama ang hinala namin.
Yung cashier lang naman ng convenient store ang linalandi nitong kupal na ito.
Binatukan ko siya at napa-aray naman ito.
Napahiya siya sa cashier na kalandian niya at humingi ng tawad saka lumapit sa amin.
"Tangina nito ni Lance! Palibhasa kasi hindi maka-score kay Elsa" iritadong sabi ni Fourth.
"Sinong Elsa?" nagtatakang tanong ko.
Binatukan naman ako ni Ryle "Bobo,yung hinahabol mo kanina yun yon ang cold kasi ng aura niya kaya naisipan nitong kulugong 'to na tawaging Elsa" tinuro niya si Fourth.
"Hayop ka talaga Ryle!" tumakbo si Ryle at hinabol naman nitong si Fourth.
Tawang tawa talaga ako sa kanilang dalawa kaya ayon napalayas kami ng manager.
"Tara bar tayo" yaya ni Fourth.
"Sige ba!" pasigaw na sabi ni Ryle.
Kahit kailan talaga itong mga 'to.
-
LeonaraNagtatampo si Novie kasi daw di ko nasagot yung tawag niya kanina.
"Hoy Novie tigil tigilan mo ko sa tampo mong yan"
"Tss wag mo kong kausapin" nakapameywang na sabi niya.
"Sorry po" pinaliit ko yung boses ko na parang bata na ikinangiwi naman ng mukha ni Novie.
"What?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi talaga bagay sayo magbiro promise para kang tanga" diretsong sabi niya.
Yan ang gusto ko kay Novie ang pagiging honest niya sa lahat ng bagay though nakakasakit na siya ng damdamin ng isang tao eh wala siyang pake doon. Well Novie is Novie.
"So kamusta naman si mysterious guy?" nawiwiling sabi niya.
"Tss nagpakilala na siya"walang gana kong sagot.
" Sino daw siya? Taga saan? Anong pakay niya? Bakit ka daw niya sinusulatan ng message? Manliligaw na ba siya sayo? Ano sinagot mo na? Omo I'm so proud of you!" patiling sabi niya.
Napatakip naman ako ng tainga.
"Nasabi ko na ba sayo na ang OA mo?"
BINABASA MO ANG
Nara's Frozen Heart
Teen FictionLeonara Augustine Platerobo has a frozen heart. She let herself in the darkness where no one can see her cry. But what if someone came to shed a light in the darkness? Will her heart become warm? DATE STARTED: 05-13-19