Chapter 3 - Lance

5 1 0
                                    


It's been 3 months since I started to be independent and received messages from an anonymous person na nagsasabing ngumiti naman ako.

"OMG NARAAAA KINIKILIG AKOOO HIHIHI" patiling sabi ni Novie.

Tss kinwento ko kasi sa kanya yung about sa natatanggap kong messages sa isang taong 'di ko kilala.

Napairap ako.

"Ang ingay mo"

"EH KASI NAMAN EH SOBRANG KINIKILIG TALAGA AKO HIHIHI" humagikhik ulit siya.

"Ano ba parang tanga ka kaka-hihihi"

"Ang Kj naman nito" umirap siya.

"Tss"

"Basta ako gusto ko na siya para sayo"

" Tigilan mo na nga ako at papasok na ako sa school"

Lumungkot bigla ang mukha niya "Okay, I'll call you later at 6 "

Nagthumbs up naman ako saka in-end ko na yung call.

I sighed.

Miss ko na talaga yung babaeng yon hayst.

Naglakad na ako papasok sa school and as usual nagtsi-tsismisan na sila.

Saktong nakaearphones ako at pinapatugtog yung Heavy dirty soul ng Twenty One Pilots kaya 'di ko sila marinig.

Tinignan ko sila at napatigil sila at tila ba natakot.

Tignan mo 'tong mga 'to tinignan ko lang natakot na. Ang OA tss

Dumiretso ako sa room at dinadama ang kanta. Paborito ko kasi to.

Naramdaman kong may tumabi sa akin at 'di ko na ito pinansin.

Sobrang ganda talaga ng kantang 'to . Kapag talaga nagconcert yung Twenty One Pilots pupunta ako.

Kinalabit ako ng katabi ko at itinuro yung nasa harapan.

Nagtataka akong napatingin.

At nakita ko yung subject teacher namin ang sama ng tingin sa akin.

"OUT NOW!" sigaw niya sakin.

Sinalpak ko yung earphones ko saka kinuha yung bag tsaka lumabas.

Pumunta ako sa may Fern Park. May sariling park kasi yung school namin para sa mga students na puspos sa pag aaral. Kaya ayon naisipan nilang gawan ng park ang school para makapag relax ang mga students and also teachers.

May isang nakakuha ng pansin ko.

" DRAKE NAMAN OH! SABIHIN MO NAMAN SAKIN KUNG SINO IYON?!" sigaw ng babae habang sinusundan yung lalaking tingin ko boyfriend niya na inis na inis na sa kanya.

Hindi siya inimik nito at tuloy tuloy lang sa paglalakad.

"BABAE MO YON NOH?! SINASABI KO NA NGA BA WALANG HIYA KA!" mangiyak ngiyak na sabi ng babae.

Hindi pa rin siya inimik nito.

Sa halip ay bigla niyang hinila ang braso ng lalaki at ipinaharap sa kanya saka sinampal.

Nara's Frozen Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon