3 days passed and tomorrow is the big day, ang pags-start ni Vice sa gym. She woke up early to do her daily routines and back to sleep, she wants to enjoy her last day, alam niya bukas na mapapasabak na siya pero hindi naman niya mae-enjoy ng tuluyan ang araw niya dahil may ilang beses na nagd-doorbell sa kanya at may ideya na siya kung sino ang nasa likod ng pinto na yon.
"Anne" sabay bukas sa pinto niya. "what are you doing here?" na tuluyang pinapasok ang kaibigan niya sa condominium unit niya.
"I'm here to tease you." at kagat sa kinakain niyang churros, napatingin naman si Vice sa mga dala nitong bags, at napansing puro paborito niyang pagkain ang dala nito even the shawarma and milktea na ilang araw na rin niyang cravings.
"you devil.." bulong na sabi nito. "ANNE!!"
"I'm just joking, dinalhan pa nga kita ng favorite mong foods para maenjoy last day mo ng pagpapataba kasi alam ko hindi na pwede yan sa magiging instructor mo, balita ko strict raw yun sis, sabi ni Karylle sakin kahapon." pagkwe-kwento ni Anne na hinandaan na rin si Vice ng makakain niya.
"what?? nagkita kayo? and hindi niyo ko sinama?" pagtatampo nito. "Yes, I stop by on her restau, a little chit chat." sagot ni Anne.
"eh bakit hindi mo ko sinabihan?" pagtatampo pa rin nito. "Arte mo, di bagay sayo. tsaka hello, dapat lagi ka kasama sa rampa ko?" pabalik na tanong rin nito at napairap naman si Vice dahil don.
"tse!" pagtataray ni Vice. "eh kung yung talak mo, kinain mo na lang sis. remember, bukas na." asar ni Anne.
Kinain na rin naman ni Vice ang hinanda ni Anne para sa kanya. "alam mo, kinakabahan ako." napatingin naman sa kanya si Anne dahil don.
"Why?" nagtatakang tanong ni Anne. "eh kasi sabi mo strict yung magiging instructor ko, and ano kaya magiging first impression niya sakin?" sabay inom sa wintermelon milktea niya.
"maganda?" sagot ni Anne at tila hindi rin sigurado sa sinabi niya. "yun talaga?" lumabas naman at kilig smile niya dahil don.
"joke, asa." bawi naman ni Anne at dahil maganda pero medyo baboy si Vice, kinuha niya ang pearl sa bibig niya at binato sa kaibigan niya.
"kadiri beks!" pandidiri ni Anne. "bastos nito sakin!" Vice rolled her eyes, 360 degrees. charot.
"eh kasi naman, bat ka kasi nagw-worry ka about don? bat mo iniisip sasabihin ng ibang tao tungkol sa'yo kung ikaw yan? bukas mo na lang yun alalahanin. basta ngayon mag chill ka lang at iready mo na yung sarili mo bukas. okay? okay!" pagm-motivate ni Anne, napabuga naman nang hangin si Vice dahil don. tama, she needs to relax her mind and her body for today.
《 》
"uy bro, bukas na." paalala ni Vhong sa kaibigan niyang si Ion na tila pagod at nagpapahinga sa gym lounge nila dahil sa ilang sessions na ginawa nito.
"ilang beses mo na sinabi sakin yan Vhong Navarro?" na nakapikit pa rin ang mata at hindi pinapansin ang presensya nito. "10 times, hihi." pang aasar nito.
"umamin ka nga sakin, nagpapalakas ka kay K, no?" asar na balik ni Ion kay Vhong, instant na namula naman ito dahil sa sinabi niya.
"u-uy, wala kang ebidensya no!" depensa ng lalake. "kwento mo sa pamumula ng mga pisngi mo at paguutal mo." natatawang sabi ni Ion.
kahit hindi aminin ng kaibigan niya ay alam niya na may gusto ito sa dating kliyente niya at hindi na siya nagtataka kung bakit pinipilit ito sa in-endorse nito.
"maganda raw yon, ayaw mo yon? magkaka-lovelife ka na." sabay agaw sa juice na iniinom ni Ion. "that's not my thing. you know that." sagot pabalik nito.
"maybe because of her, soon, you'll change your answer." at napaisip si Ion dahil don. posible nga ba?
"uy, napaisip ka ata?" pang-aasar na naman ni Vhong. "uy, napa-english ka ata?" ngisi ni Ion.
Tuloy pa rin ang pagk-kwento ni Vhong at puro simpleng 'oo' at 'hindi' lang ang sagot nito, tuluyan nang napasapo siya sa ulo dahil may isang taong dumating na hindi niya inaasahan.
"GUYS!!!!" "BILLY!!" halata sa mukha ni Vhong ang excitement nang makita muli ang kanilang kaibigan na nawala ng isang buwan dahil sa pagasikaso ng ilang papeles sa ibang bansa.
"wazzup ion, may girfriend ka na ba?" sabay bro hug dito. "wala na ba kayong ibang alam gawin kundi asarin ako." at tanggal sa shirt niya dahil init na init siya ngayon, hindi pa sapat ang lamig na binubuga ng aircon laban sa init ng panahon.
"sa abs mong yan? wala ka pa rin jowa?" tanong ni Billy. "ako na lang babe..." pabaklang turan nito, sabay hawak sa abs nito at napalayo naman si Ion dahil don.
"no thanks, bro."
"pero malay mo magkaroon na bukas." sabi ni Vhong na may halong pang-aasar."anong meron?" nagtatakang tanong ni Billy.
"wala, wala. wag mo na pansinin yan, baliw yan." sagot naman ni Ion."let's see.." bulong ni Ion.