four

1.1K 38 7
                                    

Vice's POV
Finally Sunday, my rest day. hindi ko na rin maramdaman katawan ko dahil sa pamamanhid, sobrang nabigla na rin dahil sa session kahapon. is this even worth it? but I don't have a choice either, this is for my dream. kaunting push na lang, ganda. you can do this self, 1 month left.

My plan for today is.. to lay down on my king sized bed, yun lang. ayaw ko rin lumabas ngayon because balik na naman ako sa reality tomorrow. susulitin ko na 'to.

Ting! My phone buzzed place on my small table. gosh who is this? kahit pagkuha pa lang ng cellphone tamad na tamad na ko. I lazily picked it and it's an unknown number.

From:0934618957
Hi Vice!

And I literally have no idea who is this, like everyone who knows me calls me 'Vice'.

To: 0934618957
I'm sorry, but who is this?
From:0934618957
kakakilala mo pa lang sakin kahapon, nakalimutan mo kaagad?

yesterday? eh sa gym lang naman ako nagpunta so maybe this is Vhong? imposible naman akong imessage nung Ion na yon eh ang sungit sungit non.

"hey, is this vhong? I'm sorry, unknown number kasi." I replied. I waited his reply for 2 minutes.. still none.

From:0934618957
pwede na, but I'm not him Miss Vice, mas gwapo pa ko don. I'm your coach and I would like to say that carbs are not allowed for you today, eat veggies and take a rest.

SHET! okay, hindi ko inaakala. I thought he'll only talk to me inside the gym but I guess I was wrong. limited pa nga pag uusap namin sa gym kasi ang sungit sungit niya. GrRr.  What should I reply? bat ako nagp-panic for just a simple reply?

To: 0934618957
uhm, okay po coach. noted. pahinga rin kayo, baka masakit katawan mo kasi madami ka sessions kahapon.

Ilang beses ko binasa message ko, bat parang may mali?

From:0934618957
concern ka ba sakin, vice? ingat, baka di kita masalo. a not so friendly reminder. 😏

JUST WHAT I THOUGHT. sabi na eh, dapat hindi ko na sinabi yon kasi baka mali isipin niya. ugh, ano ba vice? anong nangyayari sa'yo?

— | —

Sa kabilang banda..

"uy para kang tanga, ngiting ngiti diyan." saad ni Vhong kay Ion. hindi na lang pinansin nito ang binata at nakatingin lang sa cellphone niya. Pasimple namang sumisilip si Vhong sa cellphone nito kasi na curious siya kung sino katext nito at gusto niya malaman kung sino ang dahilan kung bakit nagiging baliw kaibigan niya.

"vhong, hindi mo alam privacy na word?" at sabay tulak na mahina ni Ion sa kanya at bumalik sa kanyang ginagawa. "sino ba kasi yan?" paguusisa pa rin nito.

"bakit kaya hindi na nagreply? kinilig? hahaha." natatawang tanong ni Ion, naw-weirduhan naman na si Vhong sa kanya. "hoy, nakakatampo ha, inaya mo ko dito sa condo mo, may dala rin akong foods pero hindi mo ko pinapansin?" nagtatampong sabi nito with matching puppy eyes.

wala pa rin pake si Ion dito at naka focus pa rin sa cellphone na naghihintay pa rin ng reply ni Vice, nang hindi makatiis ay binato na ni Vhong si Ion ng unan. "huy, ano ba?" naiiritang tanong ni Ion.

"ikaw, kaya wala kang jowa kasi ganyan ugali mo. hay nako." naiiling na sabi nito at sumuko na sa pangungulit sa kaibigan. "aysus selos naman kaagad bebe ko." pabaklang turan ni Ion.

Umirap naman si Vhong at pilit pa rin umiiwas. "wag ka nga, may Karylle na ko sa magtigil ka. hanap ka iba chix mo, wag ako."

Natawa naman si Ion dahil sa sinabi nito. "tignan mo, baliw na baliw ka rin kay Karylle pero hindi ka pa naman sinasalo." asar nito. "oh eh bakit, ikaw nga walang jowa dahil sa ugali mo." pabalik na asar naman ni Vhong.

"malay mo next week meron na.." pabulong na sabi ni Ion pero sadyang malakas ang pandinig ng kaibigan niya. "teka, himala ba 'to? ito ba yung katext mo? binata ka na? sunod sunod na tanong ni Vhong dahil bigla siya naging interesado sa sinabi ng kaibigan niya.

"sayang naman kung meron na nga, hays, boto pa man din kita kay Vice kasi tol, maganda na nga mabait pa. total package." nanghihinayang na sabi nito. "pero I'm proud of you." bawi naman agad ni Vhong.

"edi ikaw jumowa." labag sa loob na sabi ni Ion, baka kasi seryosohin nito ang sinabi niya. "hindi na, may Karylle na ko." loyal na pagkakasagot nito. oo nga pala, inlababo ito sa dati niyang kliyente.

"kayo na lang, malay mo diba? mag work." dagdag pa ni Vhong at bumalik sa kinakain niyang chips.

"you have no idea."

end of chapter 4
hi, a short üd guys, sorry I've been busy for the past few days because I'm officially a senior high school student! haha so expect slow uds. votes and comments are appreciated. thank you so much! keep supporting viceion, hugs! 🧡 chikahin niyo ko sa twitter o curiouscat, I don't bite. rawr.

sorry for the grammatical errors and typos, la na double check.

Let's Work OutWhere stories live. Discover now