Pagkaalis ni Ion, ang kanyang coach na ngayon ay dali dalian ring nagbihis si Vice dahil na rin sa rules nito at hindi maiwasan magisip at kausapin ang sarili.
"your body is now mine.." saad nito sa kanyang sarili. "ano ibig sabihin non?" nagtatakang tanong nito.
Now, she needs to ask Karylle if ganon rin si Ion sa kanya dati and she can't wait to tell this to her friends.
"shunga Vice, syempre client ka na niya, yung body mo tutulungan niya para magpapayat. isip mo talaga." paguusap pa rin sa kanyang sarili. "ganda ka ba, ha?" again.
"Ms Vice." nabigla naman ito dahil may biglang nagsalita sa labas ng kanyang pinagbibihisan. "10 minutes are already over." dagdag pa nito, which is her coach, Ion. sampung minuto na pala ang lumipas at hindi niya namalayan ito.
Bakas pa rin dito ang pagkaseryoso bawat sa salitang kanyang sinasabi at hindi maiwasan ni Vice ang kaba, mapapasabak nga siya ngayong araw.
"Y-Yes, I'm already done." sagot nito. hindi naman sumagot pabalik ang binata at baka umalis na. "sungit." saad ni Vice.
Dali daling inayos ni Vice ang kanyang mga gamit at binuksan ang pinto. "ayy paps!" gulat na sabi nito kasi bumungad sa kanya ang kanyang coach na 3 inches na lang ang layo nila sa isa't isa. "may sinasabi ka ba kanina?" tanong nito.
"h-ha? w-wala a-ah." maang maangan nito. napa facepalm na lang si Vice sa kanyang isip. "I think you forgot something. gusto mo ba ng parusa?" stern na pagkakasabi na naman ni Ion.
Napaisip naman si Vice dahil don, binalikan niya ang mga rules na sinabi nito at pagkatapos ng ilang segundo ay naalala na niya. "Coach." mahinang bulong nito.
"Good, don't forget that word." sabay pat sa ulo ni Vice. "madami na ata tayong napag-usapan, the time is running already, follow me." dagdag nito.
Parang batang sumunod naman si Vice kanya, na nasa gilid lang ang dalawang kamay at takot magsalita dahil baka may masabi na naman siyang hindi maganda na maririnig ng kanyang coach.
"We'll start with the basics." sabi ni Ion pagkarating nila malapit sa mga gym equipments. "squats, you know that, right?"
"yes Coach" sagot nito. "now, stand straight, feet apart, and place your hands on your hips." sabi ni Ion.
"do it." seryosong saad nito. ginawa naman ni Vice ng tatlong beses at hindi maiwasang mailang dahil sa binibigay na tingin sa kanga ni Ion.
"wrong way, tighten your muscles and much lower." nilagay naman ni Ion ang kanyang kamay sa likod ni Vice para mas ibaba ang kanyang pag squat. nakuha naman kaagad ng babae ang pinupunto nito kaya ilang beses na rin niyang ginawa.
"fast learner naman pala eh, and besides, it is already basic. dapat nga hindi na kita cinorrect." napairap naman si Vice dahil sa sinabi ni Ion. "de wow." she murmured. nakita naman ni Ion ito at lihim na natawa.
"Do it 100 times." balik sa pagseseryoso naman nito. "h-ha?" napagulp naman si Vice dahil don, they are just starting and she can feel already that her body is aching.
"may reklamo? you can quit now, hanap ka ng iba mong instructor." ngising sagot ng kanyang coach. "N-No Coach." sagot ni Vice.
"bwiset talaga.." dagdag nito sa kanyang isip.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagawa na ni Vice ang pinapagawa sa kanya ng kanyang coach. bakas naman dito ang pagod, pawis at panunuyot ng kanyang lalamunan.
"I-I n-need w-water." pautal utal na saad ni Vice. "why? kakasimula pa lang natin and kailangan mo na kaagad ng tubig?" sabi ni Ion.
"b-but" sukong saad ni Vice. "no buts, after the second basic, maybe I'll let you drink whatever you want." sabay kindat nito.