K A R M A 1

121 1 0
                                    

Zandro's point of view

''So nakipag-break ka na naman pare? Iba ka talaga ha.'' Pamumuri sa akin ng kaibigan kong si Zac.

'' Oo pare. Di ko nga alam kung paano ako naka tagal ng four days with that bitch.'' Sagot ko sakanya habang nag-mamaneho.

''Wow ha pare, hiyang-hiya naman ako at napaka-tagal na ng four days sa'yo.'' Sarkastikong sabi niya habang umi-inom ng kape.

''Kailan ka kaya mag-seseryoso sa isang babae, pare?" Dagdag niya.o

''Zac, alam mo naman na fling lang ang gusto ko. Ayaw ko ng attachment, masyadong ma-drama.'' Iritang sagot ko sakanya.

''So sinong next victim mo pare?'' Excited na tanong niya.

''Ewan. Wala pa, kung sino nalang siguro ma-tripan ko.'' Sagot ko sakanya.

''Pare ha, mag-ingat ingat ka, sige ka pag ikaw na-karma sa mga pinanggagawa mo.'' Pabirong sabi ni Zac dahilan para matawa ako.

''Katawa ka naman Zac, naniniwala ka pala dun pare? Ang bakla ha? Hahahaha.'' Sabi ko habang tumatawa..

''Buti pa bigyan mo nalang ako ng bagong chicks.'' Dagdag ko.

''O sige ganito, kung sino man ang unang babaeng mag-approach sa'yo mamaya sa school yun ang next victim mo, walang kalasan ha? Pasalamat ka kaibigan kita. Tsaka pare, naaalala mo ba yung utang mong 100 k sakin?'' Oo nga pala may utang ako sakanya nung nag-check in kami sa isang 5 star hotel at inubos ang mga alak doon tapos siya pinag-bagayad ko.

''Sige mamaya babayaran ko--'' Hindi pa ako tapos sa pag-sasalita eh sumingit na naman siya.

''No need pare, basta ba makipag-relasyon ka ng 100 days dun sa babaeng unang mag-aapproach sa'yo mamaya eh masayang-masaya na'ko.'' Biglang nag-init ang ulo ko, nahihibang ba 'tong kaibigan ko? Pinaka-matagal na nga ang four days eh.

''Timang ka ba pare? Ayoko.'' Pag-mamatigas ko sakanya.

''Pare iiwan mo din naman siya after 100 days, kamuka ng ginagawa mo, ''mamahalin'' mo tapos iiwan at papa-iyakin mo.'' Sabi niya.

''Pare masyadong mahaba ang 100 days, sa 4 days nga nahabaan na'ko eh. Basta a.yo.ko.'' Sagot ko sakanya.

''Ay mahina pala 'tong bata ko eh. Kala ko naman may ibubuga, ibibigay ko na sana number ni Ate eh.'' Bigla ako akong napa-harap sakanya. First love ko Ate niyan eh.

''Pag ba natupad ko yung 100 days, ilalakad mo ako sa Ate mo?'' Interesadong tanong ko sakanya.

''Oo pare, sureball na 'yon syempre.'' Sagot niya sabay taas ng dalawang kilay niya.

''Ano pare deal?" Dagdag niya.

''Deal.'' Walang pag-aalangan na sagot ko sakanya.

S C H O O L

Nag-lalakad palang ako sa hallway eh naka-abang na agad ang mga nag-titilian na babae, ganon ba ako ka-gwapo? Nakaka-sawa na ang mga tilian nila, I'm Alexzandro Mendez  18, known to be the bad boy and the ''Hot Breaker'' in the whole school. Yeah, I love to make girls cry, yung tipong ''mamahalin'' mo tapos iiwanan mo sa huli, heaven lang sa feeling.

AILEE'S Point of view

Hinahabol pa rin ako ng mga impaktitang mga babaeng iyon, masyado ko ata silang napikon, sorry not sorry pero inapi-api ko kasi yung ''Prince Zandro'' nila. Eh sino ba yon? Di ko nga kilala 'yon eh, pa-prince-prince pa sila. Malapit na nila akong maabutan, may dala-dala silang gunting oh no my hair, ayaw ko pang makalbo! Mas binilisan ko pa yung takbo ko hanggang sa makarating ako sa hallway kung saan may nakita akong gwapong lalaki tapos lumapit ako sakanya at um-acting.

''Babe!" Lumapit ako sakanya sabay yakap. Halatang nagulat siya.

''Who the hell are you?" Bulong niya sakin. Kinapalan ko na ang mukha ko.

''Pwedeng maki-ride ka muna? Saglit lang 'to promise!" Paninigurado ko sakanya, sabay kalas sa yakap. Nakita ko yung mga impaktitang humahabol sakin bigla silang napa-bitaw sa mga gunting nila.

''Ano? Lalapit pa kayo ha? Just try or else ang boyfriend ko ang makaka-laban niyo.'' Pag-babanta ko sakanila, nag-simula ng dumating ang mga estudyante sa paligid namin.

''Prince Zandro, is that true? Girlfriend mo nga ba yan?!'' Sigaw nung isang impaktita. T-teka ito ba si Prince Zandro nila?!!! Seriously?! Oh no, I'm so dead! Jusko Ailee ano ba ang pinasok mo?!

Pinangunahan ko na 'tong Prince Zandro nila at pinanindigan ang acting ko. ''Oo nga, ang kulit niyo naman eh ako nga ang girlfriend ng Prince Zandro niyo!'' Sigaw ko sakanila.

''Eh kung ikaw pala ang girlfriend bakit mo tinawag na bullfrog ang Prince namin?! How could you!'' Napalunok nalang ako, eh hindi ko naman talaga alam na eto pala ang Prince Zandro nila eh T_T

''Tapos ang kapal pa ng mukha mo na sabihan mo siya ng Famewhore.'' Tinignan ako ng masama ng Prince Zandro nila at napa-kagat nalang ako sa labi ko. T_T

''Prince Zandro, is it really true na girlfriend mo ang walang hiyang yan?'' Tanong nung isang impaktita. Tinignan niya ulit ako ng masama at hinila ako papalayo sa mga estudayante, dinala niya sa men's room. Jusko, I'm so really effin dead!

"Nahihibang ka na ba ha?! O nababaliw ka na?! Lakas mo din mangarap, ano?" Sunod-sunod niyang sigaw, napa-kagat nalang ako sa labi ko.

"Bakit di ka sumasagot ha?" Dagdag niya.

"Hindi ko naman kasi alam na ikaw yung Prince Zandro nila. Sorry na sorry talaga." Namlulumong sagot ko sakanya.

"Kaya pala ang lakas ng loob mong sabihan ako ng bullfrog at famewhore. Akala mo papatulan kita?" Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. "Eh wala ka ngang boobs." Napa-tingin tuloy ako bigla sa dibdib ko, meron naman ah. Ang bastos niya!

"Ang yabang mo ha, porket maraming babae ang nagkakandarapa sayo. Palibhasa mahilig ka sa mga naka-foam!" Sigaw ko sakanya.

"Wala akong paki-alam, kung ako sayo bawiin mo na lahat ng sinabi mo kanina para hindi kana mahirapan pa." Nag-lakad na siya palabas ng men's room at sumunod ako, nakita ko yung mga impaktita kanina at iba pang fan girls ni Zandro naka-abang sa pintuan. 

C L A S S R O O M

Vacant time ngayon at naka-tanga lang ako sa upan ko. Medyo hot pa din sa mga kaklase ko ang mga nangyari kanina kaya hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin nila ako at may bonus pa, tinitignan pa nila ako ng masama. I don't mind them naman talaga, paki-alam ko ba? Waste of time.

Dahil natutunaw na'ko sa mga tingin nila at nabibingi na'ko sa mga bulung-bulungan nila sa akin, I decided pumunta nalang sa canteen, pero nung nasa 3rd to the last step na'ko ng hagdan bigla akong napatid sa isang string kasabay nun ang pag-buhos ng isang balde ng harina. Wala kong makita dahil sa harina pero rinig na rinig ko na yung mga estudyante na nag-tatawanan at di pa tapos may binuhos pa sila sa akin na malagkit, malansa, parang itlog.

"You deserve that bitch!"

"Attention seeker."

"Ikaw ang fame whore hindi ang Prince namin."

"Akala mo naman magugustuhan ka niya, ang kapal mo naman!"

First time kong masabihan ng mga masasakit na salita, ang sakit pala sobra yung tipong manliliit ka bigla at masyado pa silang mabait sa akin nakuha pa nila akong buhusan ng harina at itlog. Naiiyak na'ko, ni di ko man lang maipag-tanggol ang sarili ko. Oo alam ko may kasalanan ako pero mas may kasalanan sila.

"Anong ginawa niyo sa girlfriend ko?!" T-teka familliar yung boses na yun ah. Biglang tumahimik ang lahat. Teka sino ba yun?! Di ko makita eh. Pero kahit ganon bigla akong nabubayan.

"Kasi Prince Zandro, pinagtatanggol ka lang namin." Ahh.. Si Zandro?! Ako? Tinawag niyang girlfriend?

Tinawag akong girlfriend ni Zandro.

Tinawag niya akong girlfriend.

TINAWAG NIYA AKONG GIRLFRIEND!

@#$@#+*@#!

THE BAD BOY'S KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon