Zandro's Point Of View
''Zandro hanggang 10 pm lang, okay?" Sabi ni Tita Flourine. Oo, ang ganda ni Ailee. Maganda naman talaga siya, kahit walang make-up. Naka-blue siya na dress, lalo tuloy siyang pumuti.
''Yes, tita. Ako na po ang bahala kay Ailee.''
Lumabas na kami ni Ailee. Pinang-bukas ko siya ng pintuan, tahimik lang siya. Tinignan ko siya, nahuli ko siyang naka-tingin sa akin, iniwas niya bigla ang mga mata niya sa akin.
''You're looking to me again.'' I mumbled while starting the engine of the car. Tinignan niya ulit ako at nginitian.
''Mukha ka kasing tao ngayon.''
''Sabihin mo ang gwapo ko kasi ngayon.'' Nakita ko naman siyang natawa, minsan talaga di ko mabasa ang isip ng babaeng 'to.
''Ikaw din mukha kang tao ngayon.''
''Ibig sabihin ba niyan maganda ako?" Tanong niya. Oo, maganda ka ngayon Ailee. Napaka-ganda.
''Hindi. Akala mo bagay mo yung suot mo? Asa.'' Pang-aasar ko sakanya. Nakita ko naman ang pag-kairita sa mukha niya, ang cute niyang mainis. Hahaha.
''Ang cute mo talaga. Ilagay mo nga yung seat belt mo baka ma-MMDA tayo.''
''Sabihin mo nagagandahan ka lang talaga sa akin kaya pati pag-seseat belt ay ginawa mong dahilan.''
''Asa. Matulog ka nalang nga dyan.''
______________________________
Ailee's Point Of View
AT Z A C ' S P A R T Y
Nandito kami ngayon ni Zandro sa bahay ng kaibigan niya to be exact sa garden kumakain na ang mga tao at sumasayaw na ang ingay nga eh siguro nag-simula na yung party, di na ako nag-taka na mayaman din ang kaibigan ni Zandro sa laki ba naman ng bahay at garden. Pag-kapasok palang namin ay binigyan na kami ng mga mascara na isusuot. Pumunta kami ni Zandro dun sa Bar malapit dun sa pool, oo literal na Bar sa gilid ng pool, doon ko nakita ang isang lalaki na naka-black tuxedo siguro ito na yung kaibigan ni Zandro.
''Pare!'' Bati nito kay Zandro, nag-bomb shake pa sila.
''Akala ko di na kayo pupunta eh, kanina pa nag-simula ang party.'' Dag-dag nito. Oo, gwapo siya, gwapo silang parehas niya Zandro. Pero siya yung tipo na maingay at si Zandro naman ang silent type. Maputi rin Zac, tapos matangkad siya.
''Zac, this is Ailee.'' Pag-papakilala sa akin ni Zandro sakanya. Nginitian ko siya.
''I'm Zac, it's nice to meet you.'' Nag-shake hands kami.
''Ang ganda mo naman pala.''
''Eh.. Salamat.'' Nahihiyang sagot ko sakanya.
''Wag kang mahiya, friends na din tayo. Okay?" Nakikita ko naman ang kahihiyan sa mukha ni Zandro dahil sa kadaldalan ng kaibigan niya. Natawa tuloy ako.
''Ah.. eh... sige. Hahaha.'' Ang friendly naman nitong si Zac, tsaka feel ko humorous siyang tao. Di ka ma-babad vibes, di kamuka ng kaibigan niyang si Zandro. Sama ng ugali. Ano ba 'to naiihi na'ko.
''Umm.. excuse. Mag-ccr lang ako.''
''Doon sa loob ng bahay, Ailee.''
Iniwan ko na sila para mag-cr, pag-kalabas ko kabog ng musika at boses ng mga tao ang bumngad sa akin nawala lang ang kaingayan ng makapasok na'ko sa bahay nila Zac, kanina ko pa hina-hanap yung banyo nila ang laki kasi ng bahay. Umakyat ako ng second floor at dumeretso dun sa may hallway sa pag-mamadali ko natapilok ako.
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S KARMA
RomanceI never thought that the girl that I would love is going to be my karma. BBVIPAKO © All rights reserved