Ailee's Point Of View
Sinundo ako ni Zac sa bahay, pinapasundo daw ako ni Zandro at pinapapunta sa bahay nila. Bakit kaya? Kasi ilang araw na din kaming hindi nag-kikita ni Zandro sa school dahil absent siya, oo, sige na, na-mimiss ko na ang loko. Dun sa ilang araw na wala sya, pakiramdam ko may kulang, para bang di kumpleto ang araw ko? Heto naman si Zac, chill na chill lang habang nag-mamaneho ang sarap niyang ka-kwentuhan. Actually kanina pa kami nag-dadaldalan.
''Uy wag kang ma-iintinmidate kay Zandro ha? Ganon lang talaga 'yon, pero believe me napaka-bait na tao ni Zandro.'' Seryoso niyang sabi habang nag-mamaneho. Di ko alam ang magiging reaksyon ko.
''Seryoso ka ba o joke na naman ang sinasabi mo?"
''Seryoso ako. Panakip-butas lang ng lalaking 'yon ang pagiging self-centered niya dahil siguro marami na siyang napagdaanan.'' Napa-kunot naman ang mga kilay ko sa sinabi niya. Interesting.
''Talaga?''
''Oo.''
''Alam mo bang dating leader ng isang gang si Zandro at sanay siyang nakikipag-basag ulo?''
''Tapos iniwan sila ng daddy niya nung 7th birthday niya kaya sila lang dalawa ni Tita Aura.''
''At nung 16 kami, iniwan niya yung first ever serious girlfriend niya dahil may secret afair ito dun sa kaibigan namin... dati.'' Nagulat ako sa mga sinabi ni Zac, ang sakit naman pala ng nangyari kay Zandro. Yung ex-girlfriend niya may secret afair doon sa kaibigan nila. Tapos iniwan sila ng Daddy niya nung 7th birthday niya.
''No offens ha, anong pangalan nung babae?"
''Julia.'' Sagot niya.
''Nasaan na siya?"
''Di ko alam eh, di na nag-pakita.''
''Simula noon, ang naging trato na ni Zandro sa mga babae ay laruan. Akailn mo ba naman pinaka-mahaba na sakanya ang apat na araw na relasyon? Akala niya siguro lahat ng babae katulad nung ex niya. Kaya nga ang saya ko ng maka-tagal ng one week ang relasyon eh, kahit di totoo.'' Napa-nga nga nalang ako.
''So alam mo na hindi totoo ang relasyon namin?!"
''Oo naman. Kaya nga bestfriend diba?" Nakakahiya naman!
''Nako, wag kang mahiya. Dapat nga mag-pasalamat ako sayo eh.''
''Bakit naman?"
''Kasi ang laki ng pinag-bago ni Zandro mag-mula ng maging kayo. Bumabalik na siya sa dati, yung unang Zandro na nakilala ko.'' Di ko mapigilan na mapangiti sa mga sinabi ni Zac.
''Alam mo napaka-bait mong kaibigan kay Zandro.'' Sambit ko sakanya.
''Malaki ang utang na loob ko sakanya. Kung di siguro dahil sakanya.... wala na sira na ang buhay ko. Nako, ang bilis ng oras nandito na pala tayo!'' Pinatay na ni Zac yung kotse niya at bumaba na kami. May bitbit siya na mga prutas. Automatic na bumukas ang gate, ang I was like O_o. Hightech!
''Zac, sigurado ka bang nasa Pilipinas pa tayo?" Tanong ka habang nilalakad namin yung Entrance nung bahay. Eh kasi naman ang laki ng bahay nila, siguro gawin mong tatlo yung bahay namin, take note mansion na ang bahay namin.
''Oo naman. Sadyang malaki lang 'tong bahay.'' Nag-kalat ang mga katulong nila Zandro, linis doon linis dito. Siguro walang katapusan ang linis nila dahil sa laki ng bahay nila Zandro.
''Zac, ilan silang nakatira dito?" Tanong ko habang paakyat kami sa hagdanan.
''Except sa mga katulong, dalawa lang sila Zandro dito. Siya at si Tita Aura, minsan ka pag umuuwi ang Ate niya.''
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S KARMA
RomanceI never thought that the girl that I would love is going to be my karma. BBVIPAKO © All rights reserved