K A R M A 7

70 1 1
                                    

Zandro's Point Of View

H I D E O U T

5 pm

Isang buwan narin ang nakalipas ng nakipag-hiwalay ako kay Ailee, di ko na kaya mahal ko na siya. Ayaw ko ng masaktan pa, dahil sobra-sobra na ang naranasan ko noon. Iniwan ako noon ni Ailee sa sala, pag-katapos kong sabihin na ayaw ko na, nakita ko siyang nasaktan. Mahal na niya din ba ako? Kasi ako, mahal na mahal ko na siya pero kailangan ko ng tapusin dahil, paano kung mangyari na naman ang nakaraan? Kasi ngayon palang ay nararanasan ko na ang sakit ka pag ini-iwan ko ang mga babae. Di ako sanay na hindi kasama si Ailee, di ako sanay na di kami nag-papansinan. Kahit maikli lang ang tatlong linggong pagsasama namin ay marami kaming napagsamahan.

''Alam mo pare sa mga pinapakita mo ngayon, mahal mo na si Ailee.'' Sabi ni Zac habang umi-inom ng beer. Natahimik lang ako, siguro naman alam na niya yung sagot ko.

''Pare kung gusto mo talaga si Ailee, tapatin mo na. Dapat kumikilos ka na!''

''Pero paano pare? San ako mag-sisimula?"

''Paano kung wala siyang nararamdaman sa akin?"

''Paano kung umuwi ako ng luwaan sa huli?"

''Am I taking the risk again?"

''Tangina pare! Wag ka kasing mag-conclude agad! Wala ka pa ngang move na ginagawa, nag-iisip ka na agad! Pare, kailan ka pa naging duwag?!'' Sigaw ng kaibigan ko sa akin. Napa-pikit nalang ako ng madiin, siguro nga kailangan ko ng gumawa ng move, inikot ko nalang yung yelo sa baso na may alak.

''Ano hihintayin mo pa bang matunaw ang yelo dyan sa baso bago ka kumilos?! Ano ba Zandro, kung ako sa'yo wala na'kong sasayangin na oras at hahanapin ko na ang babaeng mahal na mahal ko." Iniwan ko si Zac at tumakbo na palabas sa hide out. Pinuntahan ko agad ang class room niya pero wala siya, inikot ko na yung buong campus wala pa rin siya, pumunta na'ko ng gym wala rin siya, maski sa rooftop wala siya.

Ailee, nasaan ka na ba?

Pinapa-hirapan mo na ba ako?

Hingal na hingal na'ko ng may isang babaeng tumatakbo papalapit sa akin.

''Zandro! Buti nalang at nakita kita, si Ailee binubugbog dun sa likod ng main building.'' Hingal na sagot nung babae. Uminit ang ulo sa mga narinig ko, agad kaming pumunta doon. Malayo palang kami ay kitang-kita ko na ang mga estudyanteng naka-palibot kay Ailee, nakita ko siya nayuko.

__________________________

Ailee's Point Of View

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ng maramdaman ko na may sumasampal ng pa-ulit ulit sa mukha ko, napagtanto ko na naka-upo ako sa isang silya at naka-tali ang mga kamay ko. Napaka-ingay ng paligid. Ang sakit ng katawan ko at nararamdaman ko na ang maga at dugo na tumutulo sa mukha ko. Ang tanging naaalala ko bago ako mapunta rito ay may nag-paamoy sa akin ng panyong may pabangong nakakahilo.

''Buti nagising ka pa ha? Sana namatay ka na.'' Sabi ng isang babae sabay hampas ng paddle sa hita ko. Binuksan ko ang mga mata ko ng maigi, nakita ko ang estudyante nakapalibot sa akin, nag-tatawan sila at binabato ako ng itlog at kamatis.

''Ahh! T-tama na! Tigilan niyo na ako!" Sobrang sakit na pero tinitiis ko pa rin. Ayaw kong umiyak.

''You're such a bitch! Akala mo magiging kayo sa Zandro sa huli?" Sinampal niya ako at hinampas ng paddle ulit. Hindi ko na maramdaman ang sakit manhid na manhid na ako.

''Mag-brebreak din naman pala kayo." Naaalala ko na siya, siya yung naka-tingin ng masama sa akin nung orientation.

''Kala mo makakatakas ka sa amin ngayon?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BAD BOY'S KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon