Part 1

1.1K 18 0
                                    

Ang Plano ni Charline ay huwag magpakita sa ate niya. Bubungad lang siya sa komedor, hihiyaw sa direction ng kusina at "Aalis na ko Ate!' saka siya sisibad ng bahay.

Easing-easy iyon, ala, ng dalaga. Mas madalas kasi kaysa hindi, ganoon ang nagyayari tuwing umaga. Sa tulad ng ate niya na hindi magkandaugaga sa paghahanda ng almusal at pagluluto ng babauning tanghalian ng mga anak sa eskuwela, maski sulyap wala itong panahong ipukol sa paalis na kapatid.

Pero hindi nang umagang iyon. Nasa kalagitnaan pa lang si Charline ng hagdan pababa sa salas nag ma-relize na naroon ang ate niya. Huli na para siya umurong. Makakaurong ba ang sadyang inabangan? Nakita na siya ng kanyang Ate Karen. Pinameywangan siya agad nito.

"OH!, Bakit ganyan ang gayak mo?" pausig nitong batik ay Charline..

"Ano'ng masama sa suot ko?" sagot ng dalaga.

Kunwa, hindi alam ang dahlia ng pagsita nito sa kanya." Araw-araw, ganito ang gayak kosa trabaho. Alangan naming mag-gown ako!"

Cargo pants na royal blue, de kuwelyong t-shirts na orange at mumurahing putting golf shoes ang suot ni Charline. Iyon ang uniporme niya. Nasa ulo na rin ang baseball cap na bahagi ng uniform. Royal blue and cap at nakaburda roon sa kulay kahel na sinulid and mga salitang Lake View Golf & Country Club. Doon nagtatrabaho si Charline.

"Hindi ito karaniwang araw lang, alam mo nman. Yong isang uniform mo nalang ang isuot mo."

"Ayoko nagang mag shorts". Angal ni Charline." Baka ma-sunborn ang legs ko."

"Ayaw mo bang ilabas kahit konti ang ganda mo? Panu mo ma-iimpress yong kinasundo ni Bettina kung ganyan ang hitsura mo?"

"Si ate naman. Ano bang masama sa itsura ko?"

"Wala nga kung intensiyon mong maging kasing-karaniwan ng mga kasamahan mo sa trabho. Yong pag pinagtabi-tabi kayo pare pareho kayong dadaanan lang ng tingin."

"okey sa akin kahit daanan lang ako ng tingin, Ate. Takot ko lang pumorma sa trabhao. Ayokong ma-discover ang byuti ko, puwede ba?"

"Baka may magreklamong girlfriend ng member masipa pa ako nang di oras."

Taas-kilay na sinipat ni Karen ang bunsong kapatid. Hindi lang may hitsua si Charline. Talagang maganda ito kung mag-aabalang mag ayos.

"Ayaw mo talagang magpulbos manlang para sa una ninyong pagkikita ni-"

"Huwag na nga!' Bulalas ni Charline. "Sino ba siya? Ni hindi siya VIP".

"Sige na nga, bahala ka," suyang sabi ni Karen. "Nsa 'yo kung ibig mong i-announce agad sa knaya kung ano'ng trabho mo sa Lake View."

Umbrella Girl si Charline. Tagapayong sa golfers na ayaw masikatan ng araw habang naglalaro.

"Bakit kailangan kong magpaganda sa Bryan na yon?" taas kilay na bulalas ni Charline." Buti kung di natin siya babayaran!"

Aalis na ako ate, Baka ma-late na ako..

"Alisin mo yang gora mo ilugay mo ang buhok mo. Maski sa buhok manlang ma-attract agad sa..."

Hindi na pinakingagan ni Charline ang sinasabi ng kapatid. The last thing she wanted to do ay akitin ang Bryan na iyon. Kahit pa sabihing ang naturang lalaki ang gagawin niyang tutungan para makarating sa Amerika, ni karinggit na respeto ay wala siya rito.. Dapat bang igalang ang tao –ke lalaki o babae na nagpapabayad para maging asawa?

Pinara ni Charline ang unag trysikel na nakita. Malayu-layo rin ang bahay nila sa labasan kung saan siya sasakay sa dyipni patungo sa Tagaytay..

Kung si Charline ang masusunod ayaw niyang umalis sa kanilang bayan sa alfonso. Alam niyang imposible siyang maging city girl. Kahit pa siya tuksuhing forever promdi-by heart, wala siyang pakialam. Ayaw niya sa mainit, mausok. Matrapik at maingay an siyudad- huwag nag banggitin ang peligro roon gawa ng snatchers, holduppers at iba pang masasamang elemnto.

Sa maynila nagkolehiyo si Charline kaya may hambingan siya. Hindi niya ipagpapalit ang munting bayan nila sa Cavite na kilala sa tapang ng ani nilang kae, at tamis ng kanilang mga pinya.

Dati'y may taniman ang kanilang pamilya ng kape at pinya sa baryo nila sa kaytitingga. Pero dati iyon noong bago maisipan ng tatay niya at kuya na gumaya sa mga kababaryo ang maging overseas worker. Sa halip na umangat sila nagkalubog-lubog lang ang buong pamilya nila sa dusa, sa katakot-takot na hirap ng loob at sa utang.

Ang tatay niya'y nabiktima ng pekeng recruiters. Siyento kuwarenta mil na maliwag ang naibigay ng mga magulang niya para sa isang non-existent factory job sa Hawaii.

Ang kuya niya bagaman nakarating sa Middle East at nakapagtrabaho ng ilang buwan bilang company driver ay nakulong naman. Nakaparada ito sa tamang lugar nang banggain ang dala nitong kotse ng isa pang sasakyan na minamaneho ng tagaroon..

Sa halip na nag ikulong ay ang nambangga sa kuya niya, ay hindi nangyari. Katwiran niyon kung wala raw ang kuya niya sa kanilang bansa imposibleng mangyari ang aksidente. Kaya kasalanan raw ng juya niya ang nangyari.

Pero bago paareste, nangatwiran nang husto ang kuya niya. Caviteño kasi, matapang ayaw ipalampaso ang karapatan. Ngunit kakatwa nag batas sa bansang iyon. Walang karapatan ang mga foreign workers doon maliban kung North American ka o European kaya. Malaki ang sey, kumbaga sa gobyerno ng mga iyon. Pero kapag Pinoy ka at nahuli ka dahil sa maliit na paglabag sorry ka nalang.

Mahaba ang iginawad na sentensiya sa kuya niya. Kahit naibenta na ng mga magulang ang nalalabi sa kanilang lupa, pati mismong bahay nila at pagkatapus ay nakapangutang din ng malaki hindi nabawasan nag parusa sa kapatid. O siguro'y talagang bobo ang inupahan nilang abugado noon para iapela ang kaso.

Nasa Middle East pa ang kuya niya sa bilibid. At ang kawawa nilang mga magulang sa kagustohanng makaipon para muling kumuha ng abugado roon ay namasukan sa magkahiway na lugar. Ang nanay nila'y housekeeper sa isang vacation house sa most exclusive resort village sa Tagaytay. Ang tatay nila'y Taga-pitas sa isang plantasyon sa Mindanao.

Komo naibenta na ang nilakhan nilang bahay nakikisuno nalang si Charline sa ate niya. Suppodsedly nag-aambag silang mag ate sa pagbabayad sa nalalabi pa nilang utang. Pero makakapagbigay ban g share ang kapatid na sunod-sunod ang mga anak..

Piulis ang bayaw ni Charline. Pero kitang kita sa maliit niyong bahay at simpleng pamumuhay na matinung pulis ang mister ng ate Karen niya. Kaya kahit hirap at madalas ay kapos alam ni Charline na maligaya ang kapatid. Sa pamilya nila napakahalaga ng karangalan.

Sa totoo lang hindi dudulog si Charline sa hapag kung may duda siyang ang nakahain doon ay galling sa isinuhol sa bayaw. Takot na lang niyang sumakit ang kanyang tiyan.

Malungkot na napailing nsa sarili si Charline habang lulan siya ng dyipni patungong Tagaytay. Iyong pangral sa kanila ng mga magulang tungkol sa honor at dignity ibinasura muna nila iyong mag ate kamakailan lang.

Hindi sangkot ang pagkapulis ng bayaw niya. Puwedew bang utusan iyon ng ate niya na mangotong o dili kay'y mag sideline ang mister bilang holdupper? Magdidildil sila ng kape at pinya pero hindi ang kumain ng galling sa nakaw.

Pinatulan nulang mag ate ang suhestiyon ng kabaryo nilang si Bettina.

Si Bettina –Smith ang itiniring na Cinderella ng umbrella girls sa Lkae Golf & Country Club. At handa nitong tulongan si Charline para makatuntong sa Amireka.

Labag sa batas ng Amireka ang nakatakdang gawin ng dalaga. Nhunit sa paris niyang nagigipit kailangan nga siguro kamapit siya sa patalim kahit magkasugat-sugat ang pagkatao niya dahil sa pagkapit niyon.



LovelyBelle08

Sana magustohan niyo po..

''WANTED HUSBAND.''.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon