Part 12

304 14 4
                                    

CHAPTER

12

KUNG napaibang pagkakataon ang pagbisita ng pareha mula sa Immigration and Naturalization Service, maaaring naging magalang ang pagharap ni JC sa mga iyon. But they came at an inopportune time. Kaya walang plano si JC na pa-intimidate sa mga iyon.

Nanatili si JC sa nakaawang lang na pinto,
minasdan ang mukha ng dalawa, not blinking an eye.

"I want to scrutinize your credentials first
before I let you in," aniya, "just about anyone can get any ID cards from the novelty shops."

Napilitang iabot ng dalawa ang kanilang
identification papers kay JC. They didn't look very happy. Nahalata nilang hindi ganoon kadaling sindakin ang kaharap.

Sinadya ni JC na patagalin ang pagsipat sa
ID photos at sa mga kaharap na mukha. Alam ni JC na sila nga iyon. Pero ibig niyang i-establish agad sa pareha na kabisado niya ang kanyang mga karapatan bilang citizen sa bansang iyon.

Pagkabalik niya sa ID, sabi niya. "May I
know the purpose of this visit? It's way beyond office hours."

Sabi ng lalaki, si Collier, "This is in
connection with your wife's application for
immigrant status. We're checking up on a report that yours is a sham marriage, you know, an arrangement between you who's a bonafide citizen, and an alien who wanted to legalize her stay."

Nagpanting si JC.

Dinig na dinig naman iyon ni Charline na
nasa likod lang ng mister. Kinapitan niya ito sa braso, at binulungang papasukin na ang mga taga-INS.

Saka pa lang niluwangan ni JC ang pinto.
Pero masama ang mukha niya. Hindi madaling pagpasensiyahan ang mga pang-iistorbo ng mga iyon sa unang ilang oras ng pagkakaunawaan ng
kanilang mga puso ni Charline.

Nagmagandang gabi si Collier, gayundin
ang babae, si Pinkerton, kay Charline. Inesplika ni Pinkerton kay Charline kung bakit naroon sila. Pero ang paraan nito ng pagsasabi ay sa mabagal na Inggles. Ang assumption niyon, komo bagong salta sa Amerika ang Pinay na kaharap ay bobo
iyon.

Naglaho ang nerbiyos ni Charline. Maging
ang mga mayayamang golfer na pinapayungan lang niya noon sa Lake View ay di siya itinuring na tanga.

Sabi niya kay Pinkerton, in fluent English
"You don't have to speak in a condescending
manner. I understand what you're on about. I didn't come from the boondocks. I'm a university graduate from my country and I'm currently enrolled at California State U."

Wala sa karakter ni Charline ang magyabang. Pero wala rin sa karakter niya ang hayaan ang sinuman na sindakin siya at pamukhaan, even subtly, na siya'y mababang uri ng nilalang.

Napangiti sa sarili si JC. Na-realize niya, he
married a spunky lady.

Nag-iba ang tono ni Pinkerton, pero bahagya
lang.

Anito kay Charline, pagkaraan ay kay JC,
"We're here to check if you're genuinely living together as husband and wife. We have the appropriate written orders from the US INS office to see and check what's necessary to ascertain that yours wasn't a marriage to justify an alien's stay here in the country."

Itinanong ni JC kung dala nila ang written
order na iyon. "I want to see it."

Umiling si Collier, sinabi na hindi puwede.

Pinalampas iyon ni JC at sinabi sa dalawang
taga-INS na gawin na nila ang kailangan nilang gawin. "And I shall do what think I must do."

"Are you threatening us, Mr. Ysmael?"
tanong ni Collier.

''WANTED HUSBAND.''.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon